Page 23

27.1K 995 101
                                    

Page 23

Eclair's P.O.V

"Ouch!" reaksiyon ko nang matapilok ako sa heels ni ate Elsie na ang baho baho! Letse, amoy paa!

Tsaka bakit ba ang taas-taas ng takong nito? Sirain ko kaya 'to?

I let out a sigh and scratched my head. Tumayo na rin ako mula sa aking pagkakadapa.
Kanina pa ako nagpa-practice maglakad gamit ang heels kaso palagi naman akong natatapilok! Feeling ko nga ay magkakapasa pa ako sa ginagawa ko. Lalo na 'tong tuhod ko.

Potek. Bakit ba ang hirap maging babae?

"Huwag ka ng magpaka-trying hard, Eclair! Okay lang na mag flat shoes ka!" Suway ni Arvin.
"Talang magsusuot ka ng dress?" Blanko lang ang ekspresiyon ni Kyle pero mahahalata mo sa mata niya 'yung parang hindi siya makapaniwala na talagang gagawin ko.
"Hindi mo naman kailangan na magsuot ng bagay na hindi mo naman gusto-- pero hindi ko sinasabing hindi ka sanay o ano, ah?" Defensive na sabi ni Vince.

Mamayang gabi na ang night party, pero heto ako't nagpa-practice kahit papaano pero feeling ko mapipilitan talaga akong mag flat shoes.
Kaso ayoko namang magpatalo nang dahil sa rason na 'yon. Ayokong marinig 'yong mga pang-aasar ng apat kapag hindi ko ginawang mag heels kahit sa gabi lang na ito.

Napapikit ako para mapakalma ang sarili. Huminga rin ako nang malalim na ibinuga rin 'yon pagkatapos. "Okay! Kaya mo 'yan, Eclair! Ipakita mo sa kanila na kaya mo ring maging babae kahit na minsan." At maglalakad na sana ako nang may maalala ako. Napahinto ako at napatingin sa kawalan. Nilingon ko ang nakahandang dress na nasa kama at seryoso na tiningnan iyon.

***

BUMABA NA ako matapos kong maligo at mag-ayos ng kung anu-ano, sakto namang nakarating na si Vince pati ang dalawa ko pang kaibigan na si Kyle at Richard. Si Arvin, hindi kasama dahil naghahanda nga para sa magaganap mamaya.

"Oh, ano'ng nangyari sa'yo boii?" Mapang-asar na tanong ni Richard pagkakita pa lang niya sa akin. Tiningnan din niya ako mula paa hanggang ulo, tila parang namamangha sa nakikita niya. I rolled my eyes at him.

"Hindi ka na nag dress?" obvious namang hindi na ako naka dress, Vince, bakit kailangan pang tanungin?
"Pero nag tuxedo ka" Segunda ni Kyle na siya namang nagpaiwas sa tingin ko.
Ugh. Ngayon, nakaramda na ako ng hiya.

Nagpamulsa ako. "Shut it" inis na sabi ko. "Wala naman sigurong issue kung ito suotin ko, 'di ba?" Iritable kong tanong at kinuha ang fake moustache ko para idikit sa itaas ng aking bibig. "Halata pa rin ba na babae ako?" Tanong ko sabay ayos ng suot kong wig. Noong high school pa talaga itong wig na ito dahil nagkaroon kami ng stage play kung saan gumanap akong lalaki sa kwentong iyon. Buti nga hindi ko pa binebenta, magagamit ko pala siya ngayon.

Taas-kilay na ngumiti si Vince. "Very you. Pero halata pa rin na babae ka, eh." Napasimangot ako bago ko inalis ang fake moustache ko.
Tumango si Kyle bilang pagsang-ayon. "Kahit nakasuot ka ng Tuxedo, kita pa rin 'yung girl figure mo." Pagtitig ni Kyle kaya para akong na-conscious.
Napahawak ako sa siko at tumungo na tiningnan ang kanang bahagi. Kaya niya siguro nasabing girl figure dahil fitted itong suot ko.

"Hindi ba't iyan 'yong ginamit mo sa stage play?" Turo ni Richard sa mga suot ko kaya inilipat ko ang tingin sa kanya para bigyan siya ng tango.

"Ito nga." Sagot ko.

"Akala ko talaga magde-dress ka," Pag-aakala ni Vince at matamis akong nginitian. "Pero okay rin 'yan, sexy pa rin ng dating."

Na weird-uhan naman ako sa hindi malamang dahilan. "P*ta, hindi ako natutuwa." Wika ko at napalingon sa likod para makapagpaalam kina Ate Elsie na nandoon sa kusina. "Ate! Aalis na kami, ah?" Paalam ko gayun din ang tatlo.

Lumabas si Ate Ericka mula sa kusina kasunod si Ate Elsie na nakasuot ng cute na apron. Wushuu, papa-cute kay Vince.
"Ingat ka. Enjoy pero behave ka lang. Umiwas ka sa alak." Paalala ni Ate Ericka bago lumabas 'yong boypren niya.

"B-Bye, Eclair." Paalam nung lalaking iyon sa akin na sinimangutan ko bago ako lumabas tulak tulak si Kyle paalis ng bahay.

Pumasok kaagad ako sa kotse ng isa sa kanila pagkabukas ko nung pinto, hindi ko alam kung kanino 'tong kotse dahil madilim pero baka malamang ay kay Richard 'to. Sports car gamit, eh? Siya lang naman madalas mag sports car sa apat.

Pumasok na si Richard sa driver's seat. Bago pa man siya lumingon sa gawi ko, ibinaba muna niya ang tingin sa katabi niyang upuan. "Bakit na sa tabi ka ng dalawang mokong na 'yan?" nakasimangot na tanong ni Richard sa akin kasabay ng pagpasok ni Vince sa right side ko. Bale nasa gitna ako ni Kyle at Vince.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon