Page 46

21K 786 94
                                    

Page 46

Eclair's P.O.V

Huminto ako sa mansion nila Richard. At the end, after naming mag-usap ni Kyle kanina gayun din ang pakikipag-usap ng magaling kong kapatid sa akin nung nakaraang araw. I decided to go here.

P*tang ina, hindi nga dapat ako ang mag sorry, eh. Pero knowing Richard, ma-pride na tao rin 'yon lalo na kung iniisip niyang wala siyang ginagawa kaya kung hindi ako ang lalapit sa kanya, hindi kami mag-aayos.

Pero kung tutuusin naman, madali naman talaga kaming magkabati. Pero ramdam ko rin kasi na mayroon talagang bumabagabag kay Richard kaya maganda na rin na ako ang pumunta para makapag-usap kami nang masinsinan.

Walang mangyayari kung siya pa hihintayin ko.

Tumikhim ako at luminga-linga bago ako humakbang papunta sa doorbell nila. Ang tagal ko na rin talagang hindi nakakapunta rito kaya medyo kinakabahan ako. Ayaw kasi magpapunta ni Richard. Bilang pa lang din sa kamay ko 'yung mga araw na pumunta kami rito mula pagkabata. Iyong huli kong punta rito ay noong umuwi yata 'yung ate niya. Pero pagkatapos niyon, wala na.

Kapag pupunta kasi kami nila Vince, palagi niyang tinatanggihan at sinasabi na lang niya na siya na lang ang pumunta sa mga bahay namin.
Naiintindihan namin dahil unang-una ay ayaw naman talaga niya sa bahay nila dahil na rin siguro sa isyu niya sa kanyang magulang.

Hahh...
Wala nga talagang perpektong pamilya.

Pinindot ko ng dalawang beses ang doorbell at umatras ng isang hakbang. Naghihintay na may lumabas.

Sana nga lang nandito si Richard.

"Sino po sila?" Tanong ng manang na nasa likuran ko kaya napaharap ako sa kanya. She's wearing maid uniform habang hawak-hawak ang walis. Mukhang katatapos lang din niyang maglinis sa kung saan.
Mukha rin namang nagta-trabaho siya sa Pierce Residence.

"A-Ah... Ahm, ako po 'yung kaibigan ni Richard." Magalang kong sagot at humawak sa likurang ulo bago ko lingunan sandali ang loob ng gate. "Nandiyan po ba siya?" Dagdag tanong ko na may sandaling pagturo pa roon sa mansion gamit ang hinlalaki.

"Ay, hija. Wala po siya rito. Umalis po." Sagot niya kaya ibinaba ko ang kamay kong nakahawak kanina sa aking ulo.

"Ganoon po ba? Kanina pa po ba siya umalis?" Tanong ko pa tsaka may tumawag sa pangalan ko dahilan para pareho kaming mapalingon ni manang maid sa lalaking iyon. Si Richard.

Gulat na gulat siyang nandito ako. Pero mas marka sa kanya 'yung kaba kahit hindi ko alam kung anong nakakakaba nang makita niya ako. "Bakit ka narito?" Dagdag tanong niya bago ko makita 'yung babaeng na sa likuran niya't nakatago kanina.

Nakatitig lang ako sa kanya bago ko inilipat ang tingin doon sa kamay niyang nakakapit sa braso ni Richard.

"Ngh."

Is this the reason kung bakit parang nag-iba 'yung tono ng pananalita niya sa akin for the past few days? Iyong pagtrato niya, galaw at kilos?
Iyong pag-iwas niya?

Ibinalik ko na ang tingin kay Richard. "Ah, sorry. Pumunta ako rito para... sana..." Hindi ko na itinuloy. Kaya nga umiiwas si Richard sa akin dahil dito sa girlfriend niya. "Ah, hindi. Sa susunod na lang, hindi ko kasi alam na busy ka pala. Girlfriend mo?" Lahad ko ro'n sa babaeng nakakapit sa braso niya.

Umawang-bibig siya at akmang magsasalita nang unahan na siya nung babae. "Oo, girlfriend niya ako." Mataray na pagkakasagot nung babaeng ito. "Ikaw?" Taas-kilay niyang tukoy sa akin. "Sino ka?" Dagdag niya.

Hindi kaagad ako nakaimik. Medyo naging clear na rin talaga sa akin lahat.
Pero hindi ko lang maiwasan na mainis ngayon.

Porke nagka girlfriend na siya ngayon, parang balewala na lang 'yung pinagsamahan namin?
Wala na lang 'yung pagiging mag kaibigan namin?

Pasimple akong huminga nang malalim bago ko pilit na ngitian 'yung babae. "Kaibigan ako ni Richard, Eclair pangalan ko." Tugon ko at tumagilid. "Oh, siya. Hindi ko na kayo iisturbohin," I paused, nakababa ang tingin ko nang lingunan ko sandali si Richard. May gusto siyang sabihin pero hindi niya mabuka 'yung bibig niya. Hindi ko alam kung ano iyon pero hindi ko na papakinggan. May ideya ako sa pwede niyang sabihin, at naiintindihan ko iyon.

Huwag lang niya akong aasahan na hindi maiinis sa kanya.

"Sana okay na tayo, Richard." Wika ko na may tipid na pag ngiti bago ako maglakad paalis.

"S-Sandali! Hatid na kita--" Noong marinig ko iyon sa kanya at nang makalingon ako ulit ay nakita ko ang paghigpit ng hawak nung babae sa kamay niya na parang sinasabing huwag niya gawin. Kaya naglakad na lang din ulit ako paalis.

Ipinasok ko na lang din ang dalawa kong kamay sa bulsa ng hoodie ko para walang makakita sa mga nakakuyom kong kamao.
Naiinis ako. Nafu-frustrate ako.

Blue's P.O.V

In ancient greeks, ang sabi. Magkasama raw talaga ang babae't lalaki sa iisang katawan upang 'di ito mapaghihiwalay sa isa't isa, ngunit isang araw,

...ipinaghiwalay sila upang mapatunayan na kahit magkalayo ang dalawang tao kung kayo talaga ang para sa isa't isa, mabubuo pa rin kayo. Dito rin nagsimula ang tinatawag nilang TADHANA. Hinahawakan ko 'yang posibilidad na 'yan kaya go with the flow ako. Pero ayoko rin magkulang sa pagpapakita ko ng motibong seryoso ako sa taong nagugustuhan ko.

Kasi kung hahayaan ko lang na ang tadhana ang gumalaw, baka ma-miss ko 'yung oportunidad na dapat sa akin.

Ang sabi nila, the future was already written. Pero paano kung may nag rewrite para baguhin 'yung sinasabi nilang future?
Kaya ako talaga gagawa ng storya ko mabuo ko lang 'yung gusto kong kwento.

Kasalukuyan akong naglalakad sa campus habang ngiting nakatingin sa magandang ulap. Hinihintay ko talaga si Eclair dahil siya lang naman talaga ang bumubuo sa araw ko. Kasing ganda niya ang ganda ng panahon ngayon.

Ngunit nasaan na kaya ang maganda kong prinsesa-- Ayan na siya! Nakababa ang balikat niya at animo'y pagod na pagod. Malalim pang bumuntong-hininga kaya parang pati 'yung ulap, nakiramay. Biglang nanilim.

Ako naman itong lumapit sa kanya para batiin siya. "Hi, Eclair!" huminto s'ya 'tapos napatingin sa akin. Kumurap kurap muna bago ako taasan ng kilay.
Mukha siyang pusa! Naku cute-an ako! Thank you, Eclair's Mom! Binayayaan mo 'ko!

"Sino ka?"

Ouch d're. 'Di ko kinaya.

Nataranta akong napaturo sa sarili ko. "What? You forgot my name?! O 'yung existence ko 'yong nakalimutan mo?!" hindi ko makapaniwalang tanong. Tinitigan niya naman ako nang mabuti, 'tapos mayamaya ay pumitik siya sa ere na para bang may ideya na siya kung sino ako.

"Ah, ikaw" turo niya sa akin, unti-unti namang lumalawak ang ngiti ko, "Sorry, hindi ko na pala matandaan. Kamukha mo lang pala." bumaba naman ang balikat ko.

"Blue! Si Blue Go! 'Yung tumulak sa 'yo sa kamatayan nung isang araw!"

Flash Back:

Tulala kasi si Eclair no'n at muntik pang masagasaan ng bike sa pedestrian.
Kaya imbes na si Eclair ang sinagasaan nung lalaking nagba-bike habang nagse-cellphone, ako ang nag volunteer na magpakasagasa.

Nakita iyon ni Eclair kaya napalingon siya sa akin. At para hindi naman siya mag-alala sa akin. Binigyan ko siya ng thumbs up.

"Okay lang ako. Pero kung gusto mong malaman 'yung pangalan ko. It's Blue" Tinuro ko pa 'yung asul na ulap para ie-emphasize 'yung pangalan ko. "Mag-ingat ka sa susunod, maraming nagmamahal sa'yo." Sabay kindat sa kanya.

"Ah. Pero dapat ikaw ang mag-ingat." Tinuro niya ang noo niya para matukoy 'yung noo ko. "May gasgas, p're."

Napasigaw naman 'yong lalaking naka bisekleta at humingi nang humingi ng pasensiya sa akin,

End of Flashback:

"Blue?" Ulit niya sa pangalan ko pagkaulit ko niyon at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, "Hindi na 'ko magtataka. Sapatos mo Blue, iyong inner shirt mo, Blue, bag mo Blue, Relo mo, Blue, iyong pangalan ng kwintas mo is Blue, iyong eyes mo is kind of Blue--"

"Kaya TANDAAN mo ako!" Sigaw ko na may pagpikit nang mariin.

Napapikit pa s'ya sa pagsigaw ko kaya mukhang na-badtrip siya. Mabilis naman akong lumayo dahil alam ko kung paano siya magalit. Hindi ako magsasayang ng oras na palagi siyang pinapanood mula sa malayo kung hindi ko siya gusto.

"S-Sorry na. Pero gusto talaga kita kaya gusto kong matandaan mo ako! Kapag na in love ka sa akin, hindi ka magsisisi, promise! Aalagaan kita hanggang sa maging kulubot ka na!"

Nakita ko ang paglabas ng ugat sa sintido niya kaya napatili ako at mabilis na tumakbo paalis.  

***** 

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon