Page 58

18.3K 679 85
                                    

Page 58

Eclair's P.O.V

Tulala akong nakatingin ngayon sa taong bumalabog sa umaga ko. Alas otso ng umaga at wala rin talaga akong pasok pero heto't nandito silang apat.
Gusto ko sanang magulat dahil sandali lang kami nagkita kahapon ni Kyle at may mga tanong ako pero for some reason, hindi ko magawa dahil nandito rin 'yung tatlo.

May mga kanya kanya silang dala na pagkain o kung ano man, ni wala akong ideya kung ano ang mayroon at nandito sila.
Ibinaba ko ang tingin doon bago ko ibalik sa mga mukha nila.

May isang matamis na nakangiti (Vince)
Sakto lang ang ngiti (Kyle)
Nakanguso (Arvin)
At simangot na nakaiwas ang tingin (Richard)

Nagbuga ako nang hininga. Gumising ako ng umaga at napagtantong kailangan kong makipag deal sa mga engot na 'to.

"Oh, dami mo kaagad bisita sa umaga, ah?" Bungad ni Ate Ericka na papaalis na para pumunta sa trabaho niya. Binati siya nung apat na binati rin pabalik ng kapatid ko bago siya umalis. "Kung gusto n'yong ligawan kapatid ko, dapat malaman n'yong tamad 'yan sa bahay." Pang-aasar ni Ate Ericka na papalabas na sa gate.

Namula naman ako. "Hindi nila ako nililigawan!" Sigaw ko kahit na sa harapan ko 'yung apat pero nakaramdam din ng pagka conscious na hindi ko alam kung saan galing kaya nanahimik kaagad ako. Pero ibinalik din ang tingin sa kanila. "Ano'ng ginagawa n'yo rito? Huwag n'yong sabihing dito kayo tatambay?" Tanong ko.

"Hi, Eclair." Pangungunang bati ni Vince.
"Nagdala ako ng doughnut mo! Kain tayo." Masiglang aya ni Arvin.
"May breakfast din akong dala." Blanko lang nung sabihin iyon ni Kyle.

Na kay Kyle ang huli kong tingin bago ko inilipat kay Richard na nakabaling sa kung saan. Napansin niya iyon kaya tumingin siya pabalik sa akin. "Baka gusto mo kaming papasukin?" Maangas niyang tanong.

Nakaawang-bibig lang ako noong simangutan ko silang apat. "Uwi."

Simpleng sabi ko pero laking gulat nila. Nagkanya kanya rin sila ng tanong kung bakit subalit humalukipkip ako. "Una, anong oras pa lang pero nandito na kayo para makigulo. Pangalawa, gusto ko pang matulog pero heto't nanggugulo kayo. Pangatlo, hindi ba't sinabi kong sabihan n'yo ako kung pupunta kayo dahil wala nga akong energy makipag-usap kung araw-araw ko na lang kayo NAKIKITA?!" Matigas na sabi ko sa huli.

Itinaas ni Kyle ang kanan niyang kamay. "Pero ngayon mo lang ako nakita kaya pwede naman siguro akong pumunta rito?"

"Pwede ba kitang hampasin ngayon ng kaldero?" Ngiti kong sabi pero umatras lang siya ng isang hakbang.

Dumating naman si Kuya Erick. "Oh, bakit hindi mo papasukin mga kaibigan mo rito?"

"Oh, si balong na nagsabi, ah? Papasok na kami." Si Vince habang nakangiti nang malapad.
"Sorry for the intrusion." si Kyle.
"May dala kaming pagkain, boii!" si Arvin habang angat angat ang dala niya samantalang tahimik lang na pumasok si Richard.

"Uy! Salamat, ah!" Pagpapa-salamat ng kapatid ko at inilipat ang tingin kay Kyle. "Nandito ka na rin pala Kyle! Long time no see!" Nakipag bro fist pa si Kuya Erick kay Kyle.

Nanatili lang ang tingin ko sa pwesto ng mga kaibigan ko kanina nang mapapikit ako nang mariin sabay harap sa kanila na nagsisiupo na sa mga sofa. "Kuya!" Pasita kong tawag sa kanya na ngayo'y kumukuha ng doughnut na dala ni Arvin. Gag*!

"Oh, sumisigaw ka?" Takang taka na tanong ni Kuya. Wala ka talagang pakiramdam!

Huminga ako nang malalim para mapakalma ang sarili. Kalma ka lang, self. Alam mong marami ka pang kailangan na sabihin sa kanila pero habang magkakasama silang apat, kailangan mo munang umaktong normal para hindi maging awkward.

Yep. Let's go that.

"Hoy, Eclair! Hindi ka ba masaya na nandito kami?" Tanong ni Kyle na animo'y nang-aasar pa nga.

Ngiti akong humarap sa kanila na nakatingin sa akin. Mas masaya pa nga akong wala kayo rito.
"Wala naman akong sinasabi." Sagot ko habang sinusubukang ngumiti sa kanila.

"Hmm? 'Di ba madalas mong sabihin, 'Sinong sasaya na makita kayo ritong mga gunggong kayo?' O kaya," Panggagaya ni Kuya Erick sa akin. "...'P*tang ina n'yo ba? Palagi ko na nga kayong nakikita, gugustuhin ko pang nandito kayo?"

Tumaas ang dugo sa mukha ko lalo pa't hindi pa natatapos ang panggagaya ng kapatid ko sa akin kaya binato ko na sa kanya 'yung tsinelas na suot ko. "Umalis ka na nga rito! Sumasapaw ka, eh!" Pulang pulang pagpapaalis ko sa kanya dahilan para humalakhak itong lumayas. Tumikhim ako at naglakad. "Kukuha lang ako ng inumin n'yo, kung hindi pa kayo kumakain ng umagahan n'yo. Pumunta na kayo sa dining room." Sabi ko habang papunta ako sa kusina.

Nakarating na ako sa kusine pero hindi kaagad ako kumuha ng pitchel at pagod lamang na napahawak sa sandalan ng upuan.

Kung tutuusin, masaya naman ako dahil kumpleto ulit kami. Ang tagal na rin kasi bago kami nagkasama ulit, kaso ilang ako sa kanila dahil na rin sa mga nangyari.

Tinakpan ko ang bibig ko. "Kaibigan ko sila pero hindi iyon ang tingin nila sa akin." Bulong ko sabay baba ng aking kamay na nakatakip sa bibig ko.
Lumingon ako sa lugar kung nasaan sila. "Well, hindi ko lang alam kay Richard, ayokong mag assume pero mukhang ganoon din siya. He's not the kind of person who will admit what he truly feels.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon