Page 54

18.3K 701 170
                                    

Page 54

Eclair's P.O.V

Binuksan ng kasambahay ang gate tsaka kami pumasok ni Arvin sa malaki nilang bahay.

"Huwag mong sabihin pati ikaw gusto rin ako?" Naalala kong tanong sa kanya kanina. Wala siyang sinagot at hinila na lang ako basta papunta sa motorsiklo niya para makarating kami rito na pati si Ate Elsie, halos habulin na kami kanina.

Pasimple kong tiningnan si Arvin na diretsyo lang ang tingin at medyo seryoso.
Ano 'yan? Pwede naman niyang sagutin 'yung tanong ko kanina bakit kailangan ko pang pumunta sa bahay niya?

Namilog ang mata ko nang may ma-realize ako dahilan para mabilis akong mapatungo't mapatakip sa bibig para maiwasan ang pagsigaw. Gag* sandali! Hoy! Hindi naman niya siguro ako ipapakilala sa magulang niya bilang sagot niya sa tanong ko kanina, 'di ba?!

Eclair's Imagination

Tinuro ako ng ina ni Arvin habang lukot lukot ang mukhang nakatingin sa akin. "You knew my son is engaged yet you still dare to seduce him?!" Ibinaba niya ang kamay niya at humalukipkip. "Slapsoil. Lumayas ka rito! Kahit gaano ka kamahal ng anak ko, hindi kita matatanggap! Layas!"

Pabagsak akong napaluhod bago ako mapaupo sa malamig na simento. Masakit sa pride na sinabihan ako ng mga ganitong salita kahit wala naman talaga akong gusto sa anak niya.

End of Imagination

Mabilis akong lumingong muli kay Arvin, malapit na kami sa pinto nila.
Ano gagawin ko?!

Natataranta kong tanong sa aking isip bago kami makarating sa mismong pinto nila. Tila nag slowmo iyong paglapit ng kamay niya sa doorknob nung pinto habang napapabuka sara ang aking bibig sa sobrang takot na makita ang ina niya knowing na hindi talaga ako gusto no'n. Palagi kayang masama 'yung tingin no'n sa akin.

Kaya paano pa'yung ama ni Arvin?! Hindi pwede! Hindi kaya iyon ng pride ko sabihan ako ng kung anu-ano!

Hinawakan ko ang pulso ni Arvin para pigilan siya sa pagbukas ng pinto. "Arvin! Sandali! Paano si Yuuki?!" Mariin kong pagpikit kaya bumaba ang tingin niya at taka akong tingnan.

Naguguluhan sa aking sinabi't reaksiyon. "Huh?"

Bumukas bigla ang pinto kaya pareho kaming napatingin ni Arvin doon. Lumabas ang hindi ganoong katandaan na lalaki, nakasuot lang din ng pambahay na suot at may hawak-hawak pang kape. Parang dito yata sana siya sa labas iinum.

Dahan-dahan kong iniaangat ang tingin sa mukha niya. "Arvin?" Tawag niya kay Arvin bago lumingon sa akin. Nang makita ako ay nanlaki ang mata niya. At alam ko kung bakit.
Walang imik lamang akong nakatitig sa kanya. Sinusuri ang bawat kanyang mukha.

I see...

Matagal-tagal din ang kanyang titig bago siya pagalit na napalingon kay Arvin. "Bakit mo siya dinala rito?"

Nanatili lang na nakaawang ang bibig ni Arvin nang dikit-kilay siyang humarap sa lalaking na sa harapan namin. "Dad. You told me to wait, pero wala ng oras. I have to tell you something before it's too late." Mas lalo pang naging seryoso ang tinign ni Arvin. At sa tingin niya na iyon, may ideya na ako kung ano ang kanyang sasabihin, kaya I was about to say something noong sabihin na niya. Hindi inaasahan na iyon pala ang lalabas sa kanyang bibig. "I wanna marry your daughter."

Nanahimik kami ng ilang segundo ng lalaking na sa gilid ko bago kami magulat sa sinabi ni Arvin.

***

PABAGSAK NA humiga sa kama ang aking katawan nang makauwi ako sa amin. Ipinatong ko ang likurang palad ko sa aking noo at huminga nang malalim para mailabas ang kung ano mang bigat sa dibdib ko.

Pakiramdam ko nga lalagnatin nanaman ako sa sobrang pagod.
Parang ang daming nangyari kahit ganoon lang ang nangyari. Ta's pinagalitan pa ako ni Ate! Kung alam lang talaga niya!

Flashback

Hindi pa rin makapaniwala na nakatingin ang lalaking iyon kay Arvin nang mapailing siya nang dahan-dahan. "H-Hindi ba sinabi mong si Yuuki ang gusto mo?"

Nakita ko ang pagyukom ng kamao ni Arvin. Medyo alanganin pa siyang sabihin pero nagawa niya ring ilabas sa kanyang bibig 'yung iniisip niya. "It's not real." Sagot niya habang nanatili lang din ang tingin ko sa kanya. Hindi alam ang sasabihin dahil napaka biglaan ng nangyayari.

Tumingala pa nang kaunti si Arvin para diretsyong tingnan ang lalaki. "Hindi totoo lahat ng kung ano ang mayroon sa amin ni Yuuki. Ginawa ko lang iyon kasi..." Bumaba ang tingin ni Arvin. "...para hindi na ako ipagtulukan ni Mom sa kung sinu-sinong babae."

Nakanganga ang lalaki nang mapahawak siya nose bridge niya. Animo'y parang sini-sink in pa niya 'yung sinabi ni Arvin. "Naiintindihan ko pero hindi ko alam 'yong sasabihin ko." Ibinaba ng lalaki ang kamay niya. "Hindi ko muna sasabihin 'yan sa Mommy mo. Mag-usap tayo mamaya." Aniya bago ako lingunin. "Pero bakit kailangan mo pa siyang dalhin dito?" Tanong niya na medyo bastos ang dating para sa akin.

"Dad--" Hindi ko pinatapos si Arvin sa pagtawag niya ro'n sa lalaki nang magsalita ako.

"Hindi ako hihingi ng pasensiya sa 'yo dahil nakita mo ulit ako pero humihingi ako nang pasensiya dahil mukhang naisturbo ka pa yata dahil sa pagdala sa akin ni Arvin dito."

Nakita ko ang kaunting panlalaki ng mata ng lalaking iyon bago niya ako tiningnan nang diretsyo. "Eclair..." Tawag niya sa pangalan ko.

Pabuntong-hininga kong iniyuko ang ulo ko sandali bago tumangu-tango tsaka ko ulit binalikan ang tingin sa sarili kong ama. Hindi pa rin niya inaalis 'yung tingin niya sa akin.

"Aalis na ako." Tumalikod na ako bago pa man sila may sabihin. Pero hinabol ako ni Arvin at hinawakan sa pulso.

"Eclair--"

Pinutol ko 'yung pagtawag niya nang alisin ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa aking pulso. Lumingon ako sa kanya sandali at tiningnan siya nang masamang tingin na parang sinasabing bigyan niya ako ng space.
Dahan-dahan naman niyang inaalis ang hawak sa akin kaya nagsimula na akong maglakad ulit paalis sa lugar na iyon.

End of Flashback

Ano kayang magiging reaksiyon ng mga kapatid ko kapag sinabi kong nakita ko si Papa?

Tumagilid ako ng higa. "Pero gusto pa kaya nilang makita si Papa?" Bulong ko sa sarili ko bago mag vibrate ang phone ko na nasa tabi ko lang.
Tiningnan ko iyon at nakita ang pangalan ni Arvin sa screen kaya naalala ko iyong sinabi niya kanina.

"I wanna marry your daughter."

Naalala kong sabi niya na may seryoso sa kanyang mukha.
Kinuha ko ang unan ko para yakapin nang mahigpit.

Tanga, kapag pinakasalan mo 'ko hindi gaganda buhay mo.

"I like you in a way that I want to marry you." Bigla ko rinig sa boses ni Kyle sa utak ko dahilan para makaramdam ako ng pag-init sa mukha. "You can't never control your feelings when the one you like is in front of you." Isa pa niyang linyahan na pumasok sa utak ko dahilan para umiling-iling ako.

Hoy! Tumigil ka nga, Eclair! Hindi naman ito 'yung panahon para isipin 'yang mga 'yan!

Sumunod naman iyong kay Vince noong corner-in niya ako ng gabing iyon noong nag bakasyon kami kila Lola. "Wala ka talagang kinatatakutan, ano?" [Chapter 16] Tanong niya tsaka niya dahan-dahang idinadaan ang mga palad niya sa braso ko habang inilalapit ang labi sa aking tainga. "Kapag ba niligawan kita papayag ka?" Naalala ko pang sabi ni Vince. Pabiro lang niyang sinabi iyon pero may mga hints na siya. "Gusto kita."

Humawak ako sa ulo ko. Ang dami daming babae diyan...

Vince's P.O.V

Titig na nakatulala lamang ako sa mga maliliwanag na bituin habang hawak ng isa kong kamay ang mainit na kape. Samantalang ang isa namang kamay ay nakapasok sa isa kong bulsa.

"Pakiramdam ko kasi mas inuuna mo 'yong nararamdaman ng ibang tao kaysa sa sarili mo kahit mawala pa 'yung dahilan ng ikasasaya mo. Kaya iyon." Naalala kong sabi ni Elsie sa akin dati. Unti-unti kong ininum ang kape ko bago ko ilabas ang cellphone ko para tingnan ang litrato ni Eclair na nandoon sa home screen ko.

Nakatalikod siya habang ngiting nakalingon sa camera. I took a candid photo during school festival last year. Sa lahat ng litrato niya, ito iyong gandang ganda ako na hindi ko kailan man made-delete, o kaya'y magsasawa.

Naglabas ako ng hangin sa ilong bago ako mapait na mapangisi.

Eclair's P.O.V

Pagod akong lumabas sa bahay kahit wala naman talaga akong ginawang kahit na ano para mapagod ako. Pero 'yung energy ko ramdam kong ubos na ubos ngayon pa mang balik nanaman ako sa H.U.
Ang tagal tagal ko ng nawala, parang ang awkward sa akin na magpakita ulit pagkatapos ng ilang araw na hindi ako present.

Isinara ko ang gate, hindi ko kasabay sina Ate Elsie dahil mamaya pa iyong schedule ng pasok nila kaya ako ang napaaga ang alis ng bahay. Pero wala rin naman kaming pasok sa first subject dahil wala raw 'yung professor pero kailangan kong pumasok para humiram ng notes. Kailangan kong maghabol.

"Eclair."

Napatigil ako sandali bago ako mapalingon sa taong tumawag ng pangalan ko. Laking gulat nang makita ko kung sino ito.

Nakapormal na suot siya. Puting polo at brown na slack pants. Iyong eye glasses niya, nakasabit sa poketa ng kanyang polo sa kaliwang dibdib. Tinitigan ko ang mukha niya, naalala ko sila Kuya Erick at Ate Ella.

"Ano'ng ginawa n'yo rito?" Tanong ko.

Diretsyo niya akong tiningnan sa mata. "Bakit? Ayaw mo bang makausap ang Papa?" Tanong niya na hindi ko inimikan. Hindi ko mawari kung sarkastiko 'yung pagkakasabi niya o nagpapaka martyr na gustong marinig mula sa akin na ayoko siyang makita.

Hindi naman siya nagpakita sa amin ng ilang taon, wala man lang pakumusta o ni hindi nga niya kami dinalaw para makita kami.
Ta's ngayon na malalaki kami, tsaka siya magpapakita. Sa ibang paraan ko pa nalaman kung nasaan siya. Ang lapit lapit lang pala niya sa amin. Parang nakakainis lang sa parte ko.

"It's hard for you to talk to me, Eclair. I'm aware of that. But will you give me a chance to explain everything?" Tanong niya kaya dahan-dahang nagdikit ang kilay ko.

"Pa, wala naman akong masyadong sama ng loob sa'yo maliban na lang sa sinabi mo kahapon na parang ayaw mo 'kong makita pero kung ipapaliwanag mo 'yung side mo para lang iparating na masama si Mama, huwag na lang. Ayaw naming marinig dahil tapos na." Mahaba kong sagot sa kanya na hindi niya natugunan kaagad.

"Eclair, kung bisita siya. Ano ang una mong dapat na gawin bago kayo mag-usap dito sa labas?" Pareho kaming napalingon sa nagsalita.
Na surpresang si Ate Ella pala ito.

"Ate." Tawag ko kay Ate Ella. Ngayon lang siya nakauwi. Inumaga na sa trabaho.

Tiningnan niya si Papa. "It's been a long time, Pa." Blanko kung sabihin ni Ate Ella iyon dahilan para mapatitig sa kanya ang ama namin. Nakita ko rin ang paglungkot ng mata niya pero nagawa niyang ngumiti pagkatapos.

Lumingon pabalik si Papa at tumango. "Ang laki mo na."

*****




Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon