Page 4

53.9K 1.9K 161
                                    

Page 4

Eclair's P.O.V

Mabilis lamang na natapos ang klase at dahil may vacant ang iba sa amin, lumabas ang iba sa mga blockmates ko samantalang nanatili naman ang iba, malamang may iba sa kanila ang naghihintay sa susunod nilang subject. Hindi naman kami pare-pareho ng schedule.

"Tara! Labas na tayo, punta tayo sa bar ni Vince." Aya sa amin ni Arvin na ngayon ay nakapamulsa na naghihintay sa amin sa pintuan.

Isinabit ko na sa magkabilaan kong balikat ang backpack ko. Ano tingin n'yo sa akin? Magsho-shoulder bag? Siyempre, hindi. "Talagang ikaw pa 'yung nag-aya, eh 'no?" si Richard.

Bumungisngis si Arvin. "Gusto ko mag-isang shot." Labas ngipin na sabi nito tsaka ako tiningnan. "Kapagka knockout ako, hatid mo 'ko sa 'min, Eclair." Nilagpasan ko siya.

"Neknek mo."

Lumabas na nga rin ang iba sa classroom para makasunod sa akin. BlackCente ang pangalan ng mini bar nila Vince na pagmamanahan n'ya sa susunod kapag nakapagtapos na siya ng college. Balak din niyang I-renovate 'yon sa susunod at palakihin. Mayroon din silang resto sa kabila side, kumbaga ang gusto niyang mangyari, tuloy-tuloy ang business. May umaga, at may gabi.

"Pass. Matutulog ako sa bahay." Dagdag ko pang sabi habang naglalakad na kami sa hallway.

"Kahit naman matulog ka, hindi ka na tatangkad." Pang-aasar ni Richard dahilan para mamula ako.

Inis ko siyang nilingunan. "Hindi naman ako natutulog para magpatangkad!" Bulyaw ko.

Pumikit si Kyle. "19 ka pa lang naman, baka tumangkad ka pa kaya huwag mo masyadong alalahanin 'yan-- Ngh!" Mabilis ko siyang inakbayan para guluhin 'yung buhok niya.

"Iyan ang gusto ko sa'yo, eh!" Tuwang tuwa kong sabi tsaka mas lalo siyang inilapit sa akin. "Gayahin n'yo kasi si Kyle. Nagsasabi ng totoo."

"Inuuto ka lang niyan." Walang ganang sabi ni Richard habang para namang naaawa kung tingnan ako ni Arvin.
"Ayaw ka lang namin mabulag sa katotohanan, Eclair kaya sinasabi na namin ng maaga para 'di ka na masaktan." Biro ni Arvin kaya inalis ko na ang kamay ko sa pagkaka akbay kay Kyle.

"Say what?!"

"Oh, sakto. Pupuntahan ko na sana kayo sa classsroom, eh." Bungad ni Vince sa amin dito sa hallway kaya tumigil kami sa paglalakad. Ibinaba niya 'yung tingin sa akin. "Bakit nakabusangot ka nanaman?" Tanong nito sa akin.

Hindi ko siya sinagot at naglakad lamang ako. "Wala. Uuwi na ako." Sabi ko at inangat ang kamay ko bilang pagpapaalam. "Bye, suckers!" Hindi naman nila ako sinundan kaya mapayapa akong nakalabas.

Sa paglalakad ko, napatingin ako sa tatlong babaeng estudyante na sabay-sabay naglalakad. Kahit naka uniporme sila, makikita mo pa rin 'yung pagiging babae nila. Ang stylish, fashionable. 'Yung buhok nila na animo'y nagwe-wave habang naglalakad, parang kumikinang kasama sila.

Kumpara naman sa akin na buhaghag ang buhok. Ang luwag luwag din nung uniporme ko 'tapos iyong skirt ko, mas mahaba kumpara sa iba.

Mukhang napansin ng isang babae na tinitingnan ko sila kaya nag-iba ang ekspresiyon niya't animo'y parang nag-aalala na tiningnan ang kasamahan niya. "Girl, may kaaway ka? Sinusundan ka ng tingin, oh?"

"Weh? Wala naman akong kaaway." Sagot naman nung isa kaya nagmadali na lang silang umalis.


Walang gana ko silang sinundan ng tingin. "Hindi naman ako tumititig sa inyo ng dahil sa galit ako." Bumuntong-hininga ako. Nagagandahan lang ako, eh.

Lumakad na nga lang ulit ako nang makalabas na ako sa campus. Na sa side walk ako at didiretsyo na sana sa jeep terminal nang may huminto sa gilid ko dahilan para bigyan ko ang taong iyon ng napaka bored kong tingin. "Ano kailangan mo?" Maangas kong tanong.

Tinuro ni Arvin ang likurang upuan ng motorsiklo niya. "Labas tayo."

"Ayoko." Tanggi ko. "Bye." Paalam ko't muling naglakad.

"Hmm, paano kung ililibre kita ng doughnut," Pagkabanggit pa lang niya niyon ay napahinot kaagad ako habang dahan-dahan lang siyang pumapaabante kasama ang motorsiklo niya. "...sasama ka?" Dugtong niya.

Sandali muna akong hindi sumagot noong dahan-dahan akong humarap sa kanya pero nakaiwas pa rin 'yung tingin ko. "Doughnut, eh? Ano problema at bakit gusto mong lumabas? Ba't hindi sila Richard ayain mo?" Tanong ko at kumamot sa pisngi gamit ang tip nung hintuturo kong daliri. "Pero sige, payag ako kawawa ka naman, eh."

Tumawa siya. "Ayoko kasama 'yung mga 'yon," Kinuha niya ang extra helmet 'tapos pataas na ibinato iyon na sinalo ko naman kaagad. "Mas maganda kung ikaw para hindi ako lapit-lapitan ng mga babae." Ngisi niya kaya napasimangot ako.

"Ah, ginamit mo lang pala ako." Nakarating na ako sa gilid niya kasabay ang aking pagsuot nung helmet. "Tsaka imposible 'yung 'di ka lapitan kasi hindi naman babae tingin ng iba sa akin." At umangkas na nga ako. Hindi ako pa-side na umupo kundi paharap.

Nanatili lang ako sa ganoon nang lingunin ako ni Arvin. "Ganyan ka talaga uupo? Ayaw mo magpa-side?" Hindi niya siguradong tanong kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Kaya nga ako umupo sa ganitong porma, eh." Sagot ko naman. "And I will ask you to speed up again, gusto ko 'yung mabilis." Tukoy ko sa pagpapatakbo niya.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon