Page 43

23.9K 855 232
                                    

Page 43

Eclair's P.O.V

Tunog ng marker lang ang naririnig namin sa tahimik na silid-aralan gayun din ang ingay na nagmumula sa aircon.
Huwebes (Thursday) at half day lang kami. 'Yong nangyari nung nakaraan ay tila parang hindi nangyari dahil hindi na nila ako binibigyan ng mapanghusgang tingin at wala naman na akong naririnig na kahit na anong chismis pa tungkol sa akin.

Kaya hindi ko na masyadong iniisip.

Ibinaba na nung professor 'yung kamay niya pagkatapos niyang tuldokan ang huling linya ng kanyang isinulat. "Prepare for a summative exam this Saturday." Pagkasabi pa lang niya iyon ay nag react na ang klase habang nakasalong-baba lamang akong nakatingin sa harapan at bumuntong-hininga.

Summative Exam, eh.

Inurong ni Yuuki ang upuan niya sa akin. "May gagawin ka later?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya samantalang inilipat ko naman ang tingin kay Orange nang iurong din niya ang upuan palapit sa akin.

"Tambay kami sa bahay mo." Segunda ni Orange kaya umayos ako nang upo.

"Wala kayong magagawa sa bahay--" Inangat ni Orange ang baba (chin) ko gamit ang hintuturo niyang daliri.

Mayroon siyang suot suot na smug gaya ng madalas niyang ginagawa. "Mayroon tayong gagawin, kung gusto mo ro'n tayo sa kwarto mo para--" Hindi na niya naipagpatuloy 'yong sasabihin niya dahil pinitik na siya sa noo ni Yuuki.

"Geez, huwag mo ngang takutin si Ecliar." Suway ni Yuuki habang hawak-hawak lang ni Orange ang noo niya.

"Hindi naman, ha?" Inilabas niya ang uno cards niya. "Maglalaro tayo nito sa kwarto niya!" Turo niya ro'n sa hawak niyang uno cards na tinawanan ko nang kaunti bago ako mapatingin kay Richard na wala man lang pasabi at umalis na lang kaagad sa classroom. Ilang araw na talaga siyang dumidistansiya at wala naman akong ideya kung bakit.

Wala naman siyang sinasabi kung ano pinagkakaabalahan niya.
Tsaka nagka ganyan na siya simula noong makita ko siya nung gabing iyon na may kasamang babae. Iniisip ko na girlfriend niya, and it turns out na baka tama nga ako.
"Pupunta kayo sa bahay ni Eclair? Sama ako--" Hindi pa nga natatapos 'yung sinasabi ni Arvin na ngayo'y papalapit sa amin ay mabilis na hinila ni Yuuki si Arvin sa braso para ilapit sa kanya.

May nakaguhit na ngiti sa labi ni Yuuki pero hindi mo mahahalatang pilit dahil nandoon pa rin 'yung tamis na nakaukit sa kanyang labi. "Babe, baka gusto mo muna kaming bigyan ng time para makapag girl hangout? Puro na lang kayo ang magkasama."

Ngumiti rin si Arvin at inilapit ang mukha kay Yuuki. "N-Natural lang naman na magkakasama kami dahil magkakaibigan kami." Sagot ni Arvin.

Iniharap na ni Yuuki ang mukha niya kay Arvin. "That shows na mas pipiliin mo 'yong kaibigan mo kaysa sa akin. What a terrible thing to do as my fiance." At umakto pang nalulungkot si Yuuki

Bumulong na nga si Arvin. "Hoy, baka nakakalimutan mong uma-acting lang tayo."

Nagsalubong ang kilay ni Yuuki tsaka sila nagtalo sa harapan namin.

***

DUMIRETSYO nga kami sa bahay dahil dito nga raw sila tatambay. Nandito na ba isa sa mga kapatid ko?

Nakasimangot si Yuuki na pumasok habang nag-aalis ng heels niya. "Bakit kasi sumasama sama ka pa rito?"

Lumingon si Arvin sa kanya habang hawak ang strap ng backpack at nag-aalis ng sapatos. "Nakabantay 'yung agent kanina!"

Humarap sa kanila si Orange na may kasamang pagpapameywang. "Kapag talaga magkasama kayo, hindi nawawala 'yang bangayan n'yo. Baka gusto n'yo munang manahimik sandali, ano?"

Dumating si Ate Ericka. "Oh, nandito ulit mga kaibigan mo..." Pagkakita pa lang ng kapatid ko kila Yuuki at Orange ay napatigil siya't napatulala.
Napatitig din sa kanya sina Arvin bago ibalik ni Ate Ericka ang tingin sa akin kaya ako naman itong napataas ang kaliwang kilay. "Bumigay ka na talaga?"

Namula ako. "Hindi nga ako tibo!" Pangunguna ko.

"Hi, Teh. Nandito ulit ako." Labas ngiping ngiti ni Arvin bago pumasok para dumiretsyo sa kusina dahil naririnig kong naghahanap ng pagkain. Kapal talaga ng mukha.

Pareho namang nag bow sila Orange at Yuuki. "Hello po."

"Oh, mga Korean?" Manghang tanong ni Ate Ericka habang naglalakad na ako para lagpasan siya.

"Hindi, Japanese at half american 'yong isa. Mag best friend." Sagot ko.

"Orange po." Ngumiti siya nang matamis.
"Good afternoon, I'm Yuuki." Magalang na pagpapakilala ni Yuuki sa sarili niya. Just what I expected to refine Japanese woman.

Pero ako lang ba o pareho silang nakakasilaw sa paningin ko. Ibang-iba sila kapag na sa harapan ng ibang tao.

Huminto ako pagkalagpas ko kay Ate Ericka. "Si Ate Ericka." Paglalahad ko ng kamay kay ate Ericka para ipakilala siya.

Ngumiti naman ang kapatid ko. "Ngayon lang talaga nagdala ng babaeng bisita itong kapatid ko kaya nagulat ako. Pasensiya na sa tanong ko." She have a gentle voice pero minsan talaga, nandoon 'yung aura na parang matatakot ka na lang dahil parang may kahulugan talaga 'yung mga hagikhik siya.

Dinala ko na nga 'yung dalawa sa dining table para magluto ng pwedeng maluluto pero may nakahanda na pa lang pagkain sa lamesa at nangunguna si Jasper kaya binigyan ko siya ng nakamamatay na tingin. "Hoy!" Siga kong sigaw sa kanya na nagpatigil naman kay Arvin na magtanggal ng balat ng chicken.

"Nakakahiya ka, patay gutom ka talaga, 'no?" Walang ganang tanong ni Yuuki.

"Luh! Masarap kaya 'yung Chicken!" Tugon niya at tinapat pa sa amin 'yong kinakain niya. "Gusto n'yo?"

Inurong ko ang upuan bago ko lingunan ang pinanggalingan ni Ate Ericka na papasok na rin dito. Umupo na 'yong dalawa sa pwede nilang mauupuan. "May bisita ka, ate?"

Umiling siya. "Wala, hindi sila natuloy. Kaya sakto na nandito mga friends mo." Ngiting sagot niya kaya nakaramdam ako ng inis. Malakas pakiramdam ko na boyfriend niya nanaman 'to. Hindi na 'yon nadala!

Hindi pa rin natatanggal 'yong tingin ko kay Ate Ericka pero sa paraan ng kanyang pagtingin ay parang sinasabi niya na mamaya na lang kami mag-usap.
"Kain lang kayo diyan, ha? May aasikasuhin lang ako sa kwarto ko."

Nagpa-salamat naman sina Orange samantalang tuloy-tuloy pa rin ang kain ni Arvin.

***

MATAPOS KUMAIN ay pumunta na kami sa kwarto ko para ro'n tumambay.
Mabuti na lang kamo at nakapag-ayos ako bago ako umalis sa bahay kanina. "Oh, this is not what I'm expecting." Animo'y namamangha na sabi ni Yuuki habang sabik namang pumasok si Orange para mangielam ng gamit.

"Excuse me." Paalam ni Orange at binuksan isa-isa ang cabinet ko.

"Wala kang makikita diya-- Itago mo nga 'yan!" Nilabas kasi niya 'yung panty ko at ibinandera pa.

Patalon namang humiga si Arvin sa kama ko kaya siya naman ang tiningnan ko. "Matutulog na muna ako, kayong mag girls hangout kuno kayo lang diyan." Kinuha niya ang isang unan at humikab. "Good night." Niyakap niya ang unan ko kaya nagmartsa ako papunta sa kanya para agawin iyon sa kanya.

"T*ng ina nito, umayos ka nga!" Mura ko sa kanya pero ngumuso siya.

"Gusto ko lang matulog!" Parang bata kung magmaktol.

Humawak si Yuuki sa mga tuhod niya para tingnang mabuti 'yong family picture naming magkakaibigan. "Wow, ang liliit n'yo pa rito, oh? Ang cute n'yo." Ngiting wika nito kaya umupo mula sa pagkakahiga si Arvin at nagpameywang.

"Cute talaga ako--"

"Maliban sa'yo" Kontra ni Yuuki habang pinapanood ko lang silang tatlo sa ginagawa nila.

Hindi ko inaasahan na iingay sa kwarto ko. Kung pupunta kasi sila Richard dito, hanggang sa sala lang talaga kami.
Kaya iba 'yong experience na may tumambay ngayon sa kwarto para lang makipag hangout.

Hindi ko namalayan na napatingin si Arvin sa akin na may ngiti sa labi niya bago niya ibalik ang tingin kay Yuuki. "Eclair, huwag kang ngumiting mag-isa riyan, tulungan mo 'ko! Inaaway ako ng monggoloid." Pang-aasar nito kaya hinampas siya ni Yuuki ng unan.

"Wala akong ginagawa sa'yo, ah?!"

Napahawak na lang ako sa labi ko dahil hindi ko napansin na nakangiti na pala ako. Tumikhim ako bago ako magpameywang. "Ano kayo? Grade school?"

"Siya nga pala, Eclair. Saan ka magki-Christmas? Dito rin?" Tanong ni Yuuki habang busy pa rin sa paghahalungkat 'yung best friend niya. Wala naman siyang makikita pero hindi ko mapigilan na hindi siya tingnan tingnan.

Humalukipkip ako. "Hmm, hindi ko pa sigurado pero baka sa Lola ko."

"Ah, do'n ka na mag celebrate ng birthday mo?" Tanong ni Arvin kaya napatingin ulit sa akin si Yuuki habang namimilog ang mata.

"Birthday mo rin?" Gulat na tanong ni Yuuki kaya pati ako namilog ang mata.
"Birthday mo?" Tanong ko naman.

"Ah, oo nga pala 'no? Pareho kayo ng birthday, ngayon ko lang naalala." Sabay hawak sa batok ni Arvin.

"Balak kasi talaga sana kitang imbitahin lumabas, tayo tayo sana ni Orange sa umaga kaso wala ka pala rito." Sambit niya kaya napahawak ako sa likurang ulo.

"Hindi pa naman 'yon sure, eh." Sagot ko at umupo sa carpet. "Gusto n'yong mag truth or dare?"

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon