Page 22

26.1K 930 88
                                    

Page 22

Orange's P.O.V

"Don't trust men just because they looked sincere, you understand? Men can't be trusted nowadays."

Niloko. Sinaktan. Iniwan

Tiningnan ko si Mommy. "Lahat sila manloloko?" Tanong ko na tinanguan naman ng ina ko. Sa gulang na anim, kami na lang talaga ni Mom 'yung magkasama.
Dad left when I was 5.

Hinawakan nito ang pisngi ko at tumango. "Kaya huwag kang papasok sa isang relasyon hangga't hindi ka pa sigurado, anak." Tumatak sa utak ko 'yung sinabi ni Mom sa akin, ngunit 'di ko inaasahan na darating sa punto na magde-desisyon ako na babae lang ang dapat kong maging ka-relasyon. However, it's not my mom's fault. It was my decision to begin with.

When I was in elementary, I courted a girl but ended up avoiding me. Nang mag Grade 6 naman ako, I told my crush that I liked her kasi ang ganda niya at mabait. Sinabi rin naman niyang crush niya ako pero noong time na sinabi ko na kung p'wede ko ba siyang ligawan, doon na s'ya lumayo.

Hindi ko alam kung bakit sila lumalayo kapag gusto ko silang maging girlfriend, pero nang makatungtong ako ng High school, doon ko na-realized na ang pangit pa lang tingnan sa babae ang nanliligaw.

Kaya rin lumalayo 'yung mga babae sa akin sa kadahilanang nagiging creepy ako sa paningin nila. Kumalat din iyon sa buong campus kaya talagang walang nagbalak na kausapin ako. As a kid, malaki ang impact niyon sa akin, tipong halos ayoko ng ipakita ang mukha ko sa buong tao.
Ngunit palaging tumatatak sa isip ko 'yung sinasabi ni Mom. Hindi ko magagawa ang gusto ko kung papakinggan ko ang sinasabi ng iba. Kaya palagi ko nilalabas sa tainga ang sinasabi ng iba, pinili ko ring maging manhid, and it actually works.

Naging mag-isa nga lang ako sa ilang taon na iyon, but it's okay sabi ko sa sarili ko. Hindi ko naman sila makakasama sa kung ano ang mangyayari sa akin sa future. Kung may mananatili sa kung sino ako, edi masaya. Kung wala, edi okay.

Nakatuntong ako ng 2nd year of high school. I finally met Itsuka Yuuki. She's sporty and a refine beautiful woman. Na-mesmerized kaagad ako sa kagandahan na mayroon siya lalo na 'yung maganda niyang chinitang mata. Pero kahit na ganoon, hindi ako nagbalak lumapit sa kanya dahil sa baka mamaya ay pati siya, layuan din ako. Doon ko na-realize na nagkaroon ako ng anxiety at conscious talaga ako deep inside. Medyo nawala lang nang kausapin ako ni Yuuki araw-araw.

"Gusto mong kumain sa rooftop?" Unang pakikipag-usap niya sa akin sa classroom kung saan nagbigay kaagad ng mapanghusgang tingin ang nakararami. Subalit hindi iyon ang naging rason para pigilan ko 'yung gusto ko. Kaagad-agad akong pumayag sa kanyang pag-aalok, hindi nagdalawang-isip sa aking desisyon.
Step by step kaming naging close hanggang sa dumating na nga 'yung araw na mas lalo ko na siyang hinahangaan.

Kaya wala sa oras na sinabi ko bigla sa kanya na gusto ko siyang maging girlfriend. Medyo expect ko na 'yung pwedeng mangyari kung sakali mang hindi niya magagawang ma-reciprocate 'yong nararamdaman ko, pero nagulat na lamang ako noong matawa siya kaya ako naman itong nagtataka na tiningnan siya.

"Why are you laughing?" Tanong ko at tumungo. "I'm serious." Dagdag ko. Gusto ko na rin kasi malaman 'yung sagot para wala na 'kong aasahan.

Nginitian niya ako. "No, it's nothing. I actually knew you liked me but I didn't expect that you will say it straight to my face. I'm just amazed." Labas ngipin niyang ngiti kaya inangat ko na nang kaunti ang ulo ko para tingnan siya.

"So...?"

"I can't." Sagot niya. "After all, I only see you as a friend." She rejected me in a slow and good way.

Mapait akong ngumiti. Ito na nga 'yong hinihintay ko, she'll leave me.
I thought to myself but, she held both of my cheeks para iangat ang ulo kong nakatungo. Nakangiti pa rin siya sa akin. "I will give you options, you can make a distant if you feel like I'm going to hurt you," Panimula niya. "But if you can grant my selfish wish, can we become best friends in the future?" Tanong niya sa akin dahilan para may kung anong kuminang sa mga mata ko.

That was the very first time that someone accepted me as who I am.
Hindi napigilan ng mata ko 'yung mapaluha kaya nagulat si Yuuki at kaagad-agad na kumuha ng panyo para ipunas sa mga mata ko. "S-Sorry! I'm..." Kita sa mata ni Yuuki kung gaano siya nakokonsensiya pero inilingan ko siya.

"No," Pag-iling ko at humagikhik. "It makes me happy." Dugtong ko.
Nakatitig lang din siya sa akin ng taas-kilay niya akong nginitian.

"I don't get it but," Bingyan niya ako nang matamis na ngiti. "Thank you. I'm glad."

Simula ng araw na iyon ay mas lalong naging maganda ang relasyon namin bilang magkaibigan. Hindi ko lang din mapigilan minsan na biruin siyang pumayag na maging girlfriend ko pero palagi lang niya akong binabatukan o kaya'y babarahin. And that is what I like about her. Also, she is the most influential person that I've ever known, sometimes I felt that I like men but actually not. I still don't know.
May identity crisis pa rin ako nung mga araw na iyon, hindi ko sigurado kung kabilang ako sa bisexual o ano pero hindi ko na lang masyadong pinagtuunan ng pansin.

The only important to me is I have a friend who will find me whenever I'm lost.

"Twin Star!"

Ang tawag sa 'min nang makatuntong kami ng college matapos naming makalipat ng skwelahan.
Iyan ang naging title naming dalawa dahil sa... ewan ko. Maliban sa hindi kami mapaghihiwalay, maganda raw kami.

Maiintindiha ko siguro kung si Yuuki dahil maganda naman talaga siya.
Para nga siyang Madonna ng campus, eh.
Kaya hindi ko rin ma-gets kung bakit ako nakasama? Pero iniisip ko rin, baka influence 'to ni Yuuki.

Napatakip ako sa bibig ko dahil doon. "May superpowers ka bang tinatago na hindi ko alam?" Mangha kong tanong habang naglalakad kami ni Yuuki sa hallway.

Tinaasan niya ako ng kilay. "What are you saying?"
"Bakit nila ako sinasabihang maganda? Dati naman noong hindi kita kilala, walang nagsasabing maganda ako."

Pumaharap siya ng tingin at nagbuga nang hininga. "Paano ka sasabihang maganda? Eh, marami kang issue sa dati nating school?"
Napahawak naman ako sa baba (chin) ko't ibinaba ang tingin sa sahig. "May point ka, hindi ko 'yon naisip." Sabi ko at inangat ulit ang tingin sa kanya. "So maganda talaga ako?"

Natawa siya. "Matagal ko ng sinasabi sa'yo, 'di ba? Ayaw mo lang maniwala?"
"I thought it's your way to make me feel better." Sagot ko kaya hindi naman siya makapaniwalang napatingin sa akin.
"Is that what you think of me for 2 years?"

Iwinagayway ko ang dalawa kong kamay sa tapat ng aking dibdib. "No, no. That's not it."

"Ang ganda nila, 'no? Palagi pang magkasama, makakasabay ko kaya silang maglakad?" Bulong ng lalaki habang naglalakad kami sa hallway ni Yuuki.
Siniko ng isa ang kaibigan niya. "Try mo. Ligawan mo rin 'yung katabi nung korean."

Ngumiwi si Yuuki. "Hindi naman ako koreana." Mahinang sabi ni Yuuki na akin namang narinig.
No one knows that instead of guys, I'm interested in GIRLS. Only Yuuki, my best friend knew about my secrets. Not until when I confessed my feelings to Eclair.

***

"Orange" Nilingon ko ang taong tumawag sa akin. Nandito ako sa kwarto ni Yuuki at hinihintay siyang magpalit para sa importanteng okasyon niya para sa gabing ito.

"What took you so lo--" When I turned around to looked at her. My jaw had almost dropped. She's so stunning! As if parang may kumikinang talaga sa paligid niya sa mahabang puting dress.

Lumapit ako sa kanya tapos hinawakan ang dalawang kamay niya, "Para kang ikakasal." Pagpa-puppy eyes ko habang nakatingala ako sa kanya. Matangkad kasi talaga siya. "Ang pretty mo!" Puri ko sa kanya kaya umiwas siya ng tingin.

"Gosh, stop it. You're making me embarrassed." Nahihiya niyang reaksiyon.

Binitawan ko na siya. "Geez, sa ilang ulit na pagpupuri ko at ng ibang tao sa'yo, nahihiya ka pa rin?" Tanong ko pero namula lang siya kaya humagikhik ako sandali bago ako mapa seryoso. "You think you'll be okay?" Tanong ko sa kanya na mag pag-aalala sa aking boses.

Narinig ko ang paglabas niya ng hangin mula sa ilong. "I have no any other choice, settled na, eh." Sagot niya kaya nagsalubong ang kilay ko.
Hawak ni Yuuki ngayon ang braso niya habang nakalayo ang tingin. "Although I really do want to find a partner who I can fall in love with." Nalulungkot niyang sabi kaya pati ako ay nalulungkot.

Hinawakan ko ang isa niyang kamay. "Basta kapag may ginawa siya sa'yo habang hindi pa kayo kasal o tingin mo bina-black mail ka niya, sabihin mo sa akin."

Napatingin siya sa akin samantalang inilapit ko naman ang mukha ko sa kanya. "Please, no secrets! Please." Pagmamakaawa ko. Yuuki is my best friend, lahat ng mga iniisip o nararamdaman niya sinasabi niya sa akin. Para na kaming mag kapatid, pero alam ko sa sarili ko na hindi lahat ay kaya niyang sabihin. At naiintindihan ko iyon, pero sana kahit sa sitwasyon lang nila ng mapapangasawa niya, sabihin niya sa akin.

Napapikit ako nang mariin dahil hindi pa rin sumasagot si Yuuki pero napamulat din noong ipatong niya ang kamay sa aking ulo. "Best friends tayo, right?" Tanong niya kaya inangat ko ang tingin sa kanya. "I'll tell you everything, wala akong itatago sa 'yo."

Nakabuka lang ang bibig ko nang lumapad ang ngiti ko bago ko siya yakapin. "Yuuki!" Tawag ko sa kanya kasi pakiramdam ko, maiiyak na talaga ako.

"Geez, calm down. Baka masira 'yung dress."

"Much better para hindi ka matuloy sa party na 'yan." Nguso ko pero naramdaman ko lang ng pag ngiti niya nang pilit. Humiwalay na ako sa kanya.
"Umupo ka na," Turo ko sa dresser stool, "Me-make up-an na kita tutal ako na ang nag volunteer, pero hindi kita pagagandahin masyado."

Natawa siya. "Gaga ka talaga."

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon