Page 8

46.5K 1.5K 133
                                    

Page 8:

Eclair's P.O.V


Nakahalukipkip akong nakatingin sa apat na narito sa labas ng pintuan. May kanya kanya silang tayo ro'n habang nakasimangot lang din ako. "Ano kailangan n'yo? Ba't hindi pa kayo umuwi?" Tanong ko.

Humawak si Arvin sa likurang ulo niya. "Ah, balak sana naming kumain sa labas bago umuwi kaso iyon nga, pumunta kami rito para ano--" Hindi pa nga niya natatapos ay akma ko na sanang isasara ang pinto ko nang iharang ni Richard 'yung paa niya kaya hindi ko na maisara.

"Hoy, kinakausap ka pa, eh." Iritable nitong pagkakasabi pero dikit-kilay ko lang siyang tiningnan.

"Wala ako sa mood makipag-usap. Uwi!" Pagpapauwi ko sa kanila.

"Kain muna tayo sa labas, para medyo lumamig 'yong ulo m--" Binigyan ko kaagad nang masamang tingin si Kyle kaya hindi na siya nakapagsalita at nagsuot na lamang ng headphone niya.

Ngumiti naman nang pilit si Vince. "Nakausap na nila 'yung titser n'yong pinalabas kayo--" Siya naman 'yung sinagot ko kaagad.

"Kahit naman nakausap nila kung nangyari na, eh." Sagot ko. "Nakakabuwisit naman 'tong mga 'to, umuwi na nga kayo! Badtrip kayo, eh."

"Ayaw mo talaga, ah?" Lumingon si Richard sa tatlo. "Maghuhubad tayo rito sa labas kung ayaw niyang sumama sa 'tin." Nang blackmail pa!

"Huh?!' Hindi makapaniwala kong reaksiyon tsaka binawi ni Richard 'yung kamay niya para manguna. Nandoon siya sa gitna at tapat ng pinto at nagsisimula ng mag-alis ng sinturon niya gayun din 'yung tatlo.

"Hoy, seryoso kayo?" Nanlalaking mata kong tanong at napatingin sa labas ng gate dahil sa mga babae na pabagal nang pabagal ang paglalaka dahil nakasilip dito sa bahay. Nataranta ako kasi baka mamaya, iba pa isipin ng mga iyon kaya binuksan ko na nga ang pinto.

"Ito na! Ito na! T*ng ina ng mga 'to! Hindi n'yo na ako pinagpahinga kahit na isang araw lang!" Giit at inis kong sigaw sa kanila.

Tinuro ni Kyle si Arvin. "Eh, kasi siya." Parang bata nitong turo kay Arvin na ginantihan naman niya hanggang sa magpasahan silang apat.
Napabuntong-hininga na lang akong napakamot sa ulo ko bago ako tumalikod para makapagbihis. Pinaghintay ko lang sila sandali.

"Hindi mo ba kami papapasukin?" Tanong ni Vince.

Hininto ko ang pagsasara ng pinto at tiningnan silang apat na nakatingin lang din sa akin. Walang gana ko lang silang tinitingnan ng isara ko na nga lang ang pinto at hindi pinansin 'yung mga daing nila sa labas.

***

PARE-PAREHO silang mga nakatitig sa pinuntahan naming kainan. Nakapameywang lang ako habang proud na nakangiti ro'n habang nag-aalanganin naman 'yung apat. "Sigurado ka talaga rito tayo kakain?" Hindi siguradong tanong ni Vince.

"Sa'n mo kami dinala?" Parang kinakabahan namang tanong ni Arvin dahilan para tingnan siya mula sa peripheral eye view ni Kyle.
"Bro, ikaw 'yong nag drive ng sasakyan ni Richard." Si Kyle.

"Hoy, babae! Wala ka namang balak na I-sabotage kami, 'no?" Mapanghinala namang tanong ni Richard dahilan para bigyan ko silang lahat ng walang gana kong tingin.

"Iyan 'yung dahilan kaya ayoko kayong dalhin dito." Sagot ko at umabante. Humarap ako sa kanila pagkatapos para ibuka ang mga kamay at braso ko upang ipagmalaki itong resto na pinuntahan namin ngayon. "Ito ang DJBIC Resto-- o ang tinatawag sa Don't-Judge-By-It's-Cover Resto na pagmamay-ari ni DJ Bicario! Kung alam n'yo lang kung gaano kasarap mga putahe nila rito!"

Namuo ang kuryosidad sa mukha ni Kyle habang napahawak naman sa baba (chin) si Vince. "Ba't parang narinig ko na 'yan sa kung saan?" Pag-iisip ni Vince.

"Kahit na ano pa'ng sabihin n 'yo, mukha pa ring haunted building!" Turo niya sa gusaling na sa likod ko. "Tingnan n'yo naman 'yung kulay ng pintura? Halos mabura na. Tpos may tumutubo ng halaman sa gilid-gilid! Sino naman magkaka interes na pumasok sa loob?" Takang sabi ni Richard.

Tinuro ni Arvin 'yung mga tao sa kaliwang bahagi. "Marami. Maraming tao, eh."
Pare-pareho nilang tiningnan 'yong tinuturo ni Arvin. Mahaba talaga ang pila rito. "Paano kung maraming ipis sa loob?!" Nandidiri pa nitong daing kaya napabuntong-hininga ako. Hindi naman talaga choosy 'tong mga 'to KUNG dadalhin ko sila madalas sa isang lugar na malayong-malayo sa pagiging mayaman nila.

So this is not the first time na aarte si Richard ng ganito. Siya kasi pinaka maarte sa kanilang apat kaya buwisit na buwisit din ako sa kanya kung minsan. Nung una nga ayaw niyang kumain ng isaw kasi mukha raw'ng uod.
Pero nung dumikit na sa dila niya, siya pa nakaubos ng iilang stick at hindi na kami tinirhan.

Sinimangutan ko si Richard. "Nagtatanong tanong ka kung saan magandang kumain ta's ngayon sinagot ko't nakarating dito, mag-iinarte ka. Edi doon ka sa mga mamahaling resto!" Tiningnan ko rin 'yung iba, "Kung gusto n'yo, kayo rin! Salamat na lang sa pagsama sa akin dito. Kakain ako tutal nandito na rin naman ako."

At mauuna na akong maglakad nang hawakan ni Arvin at Vince ang braso ko. "Sasama kami!!"

***

SABAY-SABAY na bumuka ang mga bibig ng mga kaibigan ko nang makapasok kami sa resto. Malayong malayo kasi ang itsura nung loob sa labas.
Sa loob kasi, checkered 'yong floor ta's may iba't ibang doodle designs ang wallpaper. 'Yung mga nakapatong sa taas ay mga recycled can and bottle pero magaganda silang tingnan. Pasti ang mga gamit ay mala recycle din tulad ng serving water na Green transparent wine bottle ang gamit, iyong lalagyan ng spoon and fork ay lata. Iyong mga upuan naman ay yari sa kahoy na may polishing.

Napaabante si Kyle sa pagkamangha habang tuwang tuwa namang nag-iingay sa tabi ko si Arvin. "Whoa! Bakit ngayon mo lang kami dinala rito?!" Parang bata kung mag react na nginiwian ko lang.

"Hmm, maganda rito kaso iyon nga. Marami ring tao." Sabi ni Vince habang nakatingin sa mga crowd.

Dumating naman ang kakilala kong nagta-trabaho rito. "Oh, Eclair. Nandito ka ulit, ah?" Pare-pareho kaming mga humarap sa pinanggalingan ng boses na iyon.
Si Kuya Ubaldo ito, isa sa mga matatagal ng empleyado sa resto na ito.

"Buti talaga may isa akong pinapa-reserve na upuan para sa'yo." Ngiting sabi nito sa akin at inilipat ang tingin sa mga kaibigan ko. "Mga boy friend mo?" Tanong niya na tinanguan ko.

"Oo, kuya." Sagot ko kaya pare-parehong mga nag react 'yong tatlo, tahimik lang si Kyle doon sa gilid pero namilog din ang mata.

"B-Boyfriend?" Nauutal na sambit ni Richard habang nakataas ang kilay.
"Hindi ko alam na pinagsabay-sabay mo kami." Pagtatakip ni Arvin sa bibig niya gamit ang likurang palad. Natawa lang si Vince.

Binigyan ko sila nang masamang tingin. "Gag*, lalaking kaibigan kasi." Mura ko sa kanila at muling ibinalik ang tingin kay Kuya Adrian na nakangiti lang din.
"Alam mo usually 'yung kinakain ko pero pahiram muna ng menu para ma-try ng mga kaibigan ko 'yung masasarap n'yong PUTAHE." In-emphasize ko talaga dahil iniinsulto nila 'tong isa sa paborito kong resto.

Tumawa si Kuya Ubaldo. "Walang problema, upo na lang kayo sa dating pwesto."

Pumunta nga kami sa favorite spot ko sa second floor. Malapit lapit lang ito sa hagdan at na sa pinakagilid katabi ng aircon at medyo malayo-layo sa iba pang mga customer kaya kumportable rin dahil makikita mo rin 'yung labas mula rito sa hagdan.

Pabagsak akong umupo sa upuan. "That's what I'm talking about." Humarap ako kay Richard na umupo sa tabi ko. I leaned towards him na nagpaurong naman sa ulo niya habang taas-taas nanaman ang kaliwang kilay. "So what do you think of the place? Maganda, 'di ba?" Proud kong tanong at lumayo na sa kanya para humalukipkip. "Matitikman mo rin 'yung mga putahe nila rito. Mapapaungol ka sa sarap."

"You seem proud. Mukhang matagal ka na talaga rito." Ngiting sabi ni Vince.

Sinuntok ko ang dibdib ko. "Matagal pa sa inaakala n'yo. Naabutan ko pa 'tong ma-renovate."

"Na-renovate na 'to sa lagay na 'yan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Richard habang lumilinga-linga.

Hawak ni Kyle ang siko niya habang 'yong isa namang kamay ay naroon sa baba (chin) niya. "Maganda rito tumambay kapagka walang tao. Pwede rin ditong mag group study kasi chill."

Ipinatong ko ang mga siko ko sa lamesa. "Hmm, hindi pwede kasi 2-3 hours lang ang limit na pwede kang tumambay rito."

"Ay, weh? Boring naman pala rito." Kontra naman ni Richard kaya inis ko siyang tiningnan.

"Mas boring ka!"

Nakatalikod lang siya sa akin nang lingunin niya ako. "Boring ako?" Sabay corner niya sa akin sa pader na nagpagulat sa tatlo habang nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Masama 'yong tingin niya sa akin. "Baka kapag may ginawa na ako sa'yo, bawiin mo 'yang sinabi mong boring ako." Mula sa aking labi ay inakyat din niya ang tingin sa mata kong masama rin ang tingin sa kanya.

Hinampas ni Kyle 'yong ni Richard ng panyo kaya umayos nang upo si Richard. "Umayos. Baka iba isipin ng iba." Suway ni Kyle.

Dumating naman na si kuya Ubaldo para ibigay sa amin 'yong menu. "Mayroon pala kaming new dessert Eclair, baka gusto mong subukan? May discount ka."

Tila para namang kuminang ang mata ko sa sinabi niya. "Talaga?! Yown! Gusto ko 'yan, gusto ko 'yan!"
Pumili na nga kami ng mao-order namin. Sa aming lima, si Kyle naman ang mabagal kung pumili ng pagkain at umaabot pa ng siyam siyam bago makapag desisyon.

Si Arvin naman 'yong tipong picture muna bago kain kaya natatagalan kami sa pagkain.
Si Richard, siya nga 'yong pinaka maarte sa amin tipong ang daming napapansin pero siya rin naman nakakaubos ng pagkain pagkatapos. Si Vince, wala akong problema sa kanya kasi kahit na ano naman ay kinakain niya. Neutral lang siya at madaling maka-appreciate ng mga bagay-bagay.

Pini-picture-an ni Arvin 'yung dumating na 'sharing' na pagkain nang kumuha na ako ng slice nung Bagnet Pizza. "Hoy, hala! Hindi pa ako tapos kuhanan!" Gulat na reaksiyon ni Arvin.

Kinagat ko 'yong Pizza ng hindi inaalis ang tingin sa kanya. Ngumuya at nilunok. "Eh, kanina ka pa! Nagugutom na ako!"

"Sayang 'yung memories nung pagkain!" Hirit pa niya kaya inis kong kinuha 'yung cellphone niya. Itinapat ko ang sarili kong kumakain ng slice ng Pizza sa mismong Pizza at nag selfie. Nang makuhanan ko ang sarili ko kasama ang Pizza ay binalik ko na kay Arvin 'yong cellphone niya.

"Iyan, may memories na 'yung Bagnet Pizza mo."

Nakatingin lang siya sa screen nang tumingala siya para makita ako. "Ang pangit." Sinabi niya iyan ng straight ang mukha kaya sinipa ko ang tuhod niya tutal ay magkatapat lang naman kami.

"Shut it."

"Hoy, Arvin! Burahin mo 'yan! Baka magka virus." Pang-aasar ni Richard na nagpameywang sa akin.

"Kapag binura mo, may sumpa na darating sa'yo." Biro ko naman.

Nag lean si Kyle papunta kay Arvin. "I-bluetooth mo sa'kin, p're. Para may blessing ako." Biro rin naman niya kaya bigla akong nahiya.

"Hoy." Sita ko kaya nagtawanan kami. Sa pagku-kwentuhan namin ay pare-pareho kaming napatingin sa katabing table kung saan naghaharutan 'yong dalawang mag jowa habang magkaakbay.

"Sanaol." Kumento ni Arvin.
"Ba't hindi ka pa mag jowa?" Tanong ni Vince.
"Ang papangit ng ibang babae, eh." Rason naman ni Arvin.
"Ano ba 'yung maganda sa paningin mo?" Tanong naman ni Kyle.

Inalog-alog ni Richard si Kyle. "Gag*!" Mura niya kaya naintriga kami't napatingin pa ro'n sa katabing table. Nagulat kami kasi may live p*rn na pala rito.
Mabilis na pumunta si Arvin kung nasaan ako para takpan ang mga mata ko.

"Wahh! Bata ka pa, Eclair! Bawal sa mata mo!" Hinawakan ko ang kamay niya para alisin iyon sa mata ko't nilingon siya.

"Ano ba 'yan!"

Bumuntong-hininga si Vince at uminum ng latte niya. "Hindi talaga tayo makakatambay nang maayos dito."

"Get a room." Pagpikit ni Kyle at sinuot ang headphone niya.
Pero kinabahan na kami dahil naglalampungan na sila't naghahalikan na sa table nila kaya mabilis na naming inubos 'yong mga pagkain namin para makalayas.

Nakalabas na kami sa building, hindi na ako nakapagpaalam kay kuya Ubaldo dahil busy na siya ro'n sa mga customers niya.
"Hindi ko tuloy na-enjoy 'yong pagkain ko." Sabi ko pagkalabas pa lang.

"Pero taga H.U 'yung babae, 'di ba?" Tukoy ni Vince sa Hojas University. Bale, H.U. acronym lang nung school.

"Kalalaki mong tao, chismoso ka." Biro ko kaya napatingin kaagad siya sa akin.
"Hindi, nakita ko lang 'yung I.D niya na nandoon sa lamesa pagkadaan natin sa kanila."
"Wala, chismoso ka lang." Pang-aasar ni Richard na dinugtungan naman ni Kyle kaya sa huli, pinag-isahan namin si Vince.

***

NAKAUWI NA AKO sa bahay nang maabutan ko si Ate Ella na nandoon sa sala at may kausap sa telepono.
Inalis ko ang sapatos ko't paakyat na sana nang marinig ko ang paulit-ulit na paghingi ng pasensiya ng kapatid ko kaya huminto ako't sinilip siya.

"Sige po, uulitin ko na lang po. Pasensiya na po ul--" Napatigil siya at dahan-dahang inalis ang telepono sa tainga niya. Mukha siyang binabaan.
Bumuntong-hininga siya at napasuklay na lamang sa buhok niya bago humarap sa gawi ko kaya napansin na niya ako. "Oh, nandito ka na pala. Sakto may mainit na tubig sa banyo, maligo ka na muna. Mamaya na ako habang maghahanda ako ng pagkain natin."

Naglakad na siya't nilagpasan ako para pumunta sa kusina nang tawagin ko siya kaya naramdaman ko ang paglingon niya sa akin.
Nanatili lang din akong nakatalikod sa kanya nang humarap na ako para tingnan siya.
Ang stress niyang tingnan, ang itim itim ng eyebags at namamayat na.

"Ate, you don't have to push yourself too hard. Kung kailangan mo na may tutulong sa'yo, I will--"

Umiling siya at ngumiti. "You have nothing to worry about, Eclair. Ginusto ko 'to, and I already promised Mom that I will take care of you-- my siblings" Humarap siya sa akin. "Nandiyan din naman si Ate Ericka mo para tulungan ako sa bahay. Kaya mag pokus ka lang sa dapat na gagawin mo habang nag-aaral ka."

Umawang-bibig ako at akmang may sasabihin pa nang hindi ko na lang ituloy. "Magluluto na ako, hindi pa ako nakakapag prepare. Maligo ka na rin, baka lumamig pa 'yung tubig." Tumalikod na nga siya sa akin para dumiretsyo sa kusina.

Nanatili lang akong nakatayo sa hagdan nang mapatungo ako. 

Arvin's P.O.V 

Nakatingin lang ako sa selfie na ginawa ni Eclair kanina kasama 'yung pizza na in-order namin habang nakatambay lang ako rito sa veranda, tinatapatan ng maliwanag na buwan. 

Nakangiti lang ako noong biglang bumungad sa screen ko ang pangalan ni Mom kaya unti-unting nawawala 'yung masayang linya sa labi ko at napalitan ng seryosong tingin. Sinagot ko ang tawag. "Pumunta ka sa address na ibibigay ko sa email mo. I-meet mo 'yong sinabi ko sa'yo nung nakaraan. Huwag ka ring male-late. Nakakahiya sa ama niya, naiintindihan mo?" 

Wala man lang kumu-kumusta, eh 'no? 

"Yes, Mom." Sagot ko. 

"Good. Iyon lang, I need to go. Bye." Paalam niya at hindi na ako hinintay na magsalita dahil pinatayan niya na kaagad ako ng tawag. 
Nanatili lang na nakataas ang kamay ko nang ibaba ko't tingnan ang pag call ended. Mapait na napangiti bago pumasok sa aking kwarto. 

 







Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon