Page 34

22.5K 794 75
                                    

Page 34

Eclair's P.O.V

Pumasok pa rin ako sa university kahit nag-aalanganin ako. 'Di pa rin kasi talaga ako handa na makita si Kyle matapos ang nangyari kahapon pero nagpasya pa rin ako na harapin siya dahil ayoko rin namang patagalin 'yung isyu dahil ako rin naman ang naghihirap. Hindi ako madaling makatulog kakaisip. Iyon ang pangit sa akin, hindi ako kampante kapag alam kong may problema kami ng taong malapit sa akin.

Malapit na ako sa classroom kaya bumagal na 'yong paraan ng aking paglalakad.
Nandoon din 'yung kaba sa dibdib ko kaya nararamdaman ko 'yong panlalmig. Ta's nung makarating ako sa pinto ay humarap ako ro'n at hindi na muna pumasok.

Huminga lang muna ako nang malalim tsaka iyon ibinuga bago ko itulak at pumasok.
Nakababa lang ang tingin ko kasi baka mamaya nandiyan pala si Kyle. Eh, naghahanap na muna ako ng timing na makausap siya.

Sa paglalakad ko, dahan-dahan kong iniaangat ang ulo ko para makita ang mga kaklase kong nandito at pasimpleng hinanap si Kyle. Ngunit dahil sa 'di ko siya makita ay umayos na nga ako nang tayo at lumingon-lingon.

Nagbuga rin ako ulit ng hininga. Parang natanggal 'yung tinik sa dibdib ko. Phew.

Umupo ako sa bakanteng upuan at ini-relax ang likuran ko. Hahh... Sana huwag muna siyang tumabi sa akin mamaya.

Dumating na iyng dalawa kong kaibigan na sila Arvin at Richard kaya nag lean ako't ipinatong ang siko't kamay sa aking lamesa. "Oh, buti nakarating kayo. Late na kayo." Nagsalita 'yung late.

Tumabi silang dalawa sa akin. "Wala 'yung prof. kaya hindi considered late." Umagang-umaga, nagsusungit nanaman 'tong Richard na 'to.

Itinulak ni Arvin ang upuan niya't umupo na rin kaya siya naman itong nilingunan ko. "Oh? Ba't ganyan 'yung mukha mo? May problema?" Tanong ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin.

Marka sa mukha niya 'yung pagtataka, nandoon din sa paraan ng pagtingin niya na parang may gusto siyang sabihin pero dumating na 'yong prof namin kaya tumayo na kami para batiin siya. Pagkatapos ay umupo rin.

Hindi rin ito nagpaligoy-ligoy kasi kinuha rin niya kaagad 'yung attendance namin. "Dela Cruz." Pagtawag nung prof sa apilyedo ni Arvin na sinagot naman niya ng 'present'
Mayamaya pa nung tawagin na nung prof. 'yung apilyedo ni Kyle. "Parker... Hmm... Nasabi nga pala kanina sa office," Panimula nito kaya lahat ng tainga ng mga kaklase ko ay biglang bumaling sa kanya. "Mawawala si Parker ng isang taon dahil kailangang bumalik sa Korea para sa business nila." Nagulat ang lahat kasama ako. Natulala sa aking nalaman kaya napatingin si Arvin sa akin.

"Hindi man lang tinapos na muna 'yung isang semester. Sayang." Pag-iling ng prof. Namin habang may kanya kanyang reaksiyon pa rin ang mga kaklase ako.

***

BREAK TIME. Tahimik akong lumabas ng classroom samantalang sinundan naman ako nung dalawa. "Eclair. Saan ka pupunta? 'Di ka sasabay sa 'min kumain?" Tanong ni Arvin kaya tumigil ako.

"Mukhang walang sinasabi si Kyle sa'yo tungkol sa pag-alis niya." Hula ni Richard na parang alam niya ngang aalis pala talaga si Kyle. "Nag-away ba kayo?" Tanong pa niya na hindi ko kaagad nasagot.

Mapait akong ngumiti. "Hindi kami nag-away." Sagot ko at lumingon sa dalawa na nanatili pa ring nandoon sa tapat ng pinto. Nginitian ko sila. "Hindi lang niya sinabi sa akin kaya nagulat ako, pero naiintindihan ko naman kasi baka iniisip niya na aawayin ko siya." Humalukipkip ako at bumuntong-hininga. Paraan ko na rin para mailabas 'yung bigat doon sa dibdib ko. "Pero gag* nga, eh. Hindi sinabi sa akin, mas nagtatampo tuloy ako." Pagtatampo tampuhan ko bago ko ibinaba ang mga kamay kong nakahalukipkip.

Iniangat ko ang kanan kong kamay bilang pagpapaalam. "Mauuna na muna ako, hindi muna ako sasabay kasi may gagawin pa ako sa bahay." Sabi ko bago ako tuluyang tumalikod sa kanila at nagsimulang maglakad.

***

SA BAHAY. Pabato kong inihagis ang backpack ko sa gilid ng kama tsaka ako lumapit doon para pabagsak na dumapa. Na sa sahig lamang 'yong tuhod ko, ramdam na ramdam ang sobrang pagod kahit wala naman kami masyadong ginawa para sa araw na 'to.

Ngunit ramdam na ramdam ko 'yung pagka drain nung energy ko.

Iniharap ko ang mukha ko sa kanang bahagi at binuksan ang phone kong hawak-hawak ko.
Pumunta ako sa Facebook at tiningnan ang timeline ni Kyle. Hindi pa siya active mula kahapon.

Pinatay ko na lamang ang phone at pumikit. Medyo naiirita ako, umiinit din ang ulo ko pero kapag naiisip ko 'yung huling usapan namin kahapon. Hindi ko maiwasan kundi ang makaramdam ng lungkot.

Umalis kaagad ako ng hindi pinapatapos si Kyle sa gusto niyang sabihin. Siguro kung hindi lang ako kaagad umalis, nasabi na niya.

Pero...

"You can stop now." Naalala kong sabi ni Kyle kahapon na nagpaisip sa akin.
Kaya ba niya nirarason 'yung mga sinasabi niya sa akin kahapon dahil talagang concern siya sa akin o sadyang paraan niya iyon para itigil na namin 'yong kasunduan dahil aalis siya?

Nagsalubong ang kilay ko at isinalpak na nga ang sarili sa kama para makapwesto.
Kinuha ko ang malambot kong unan at niyakap. "T*ng ina mo, Kyle." Mahina kong mura kasabay ang paghigpit ng aking pagyakap.

***

"ECLAIR! GUMISING ka na d'yan! Tanghali ka na!" Alog sa akin ni ate Ella. Nakatalukbong ako ng kumot kaya 'di niya alam na gising naman na ako.

Wala s'yang pasok kaya s'ya iyong nanggigising sa akin ngayon. "Eclair, bawal pinaghihintay ang pagkain, alam mo ba?" Pangongonsensiya niya kaya ako naman itong napairap sa kawalan bago ko alisin ang kumot na nakabalot sa akin tsaka umalis sa kama.

Kumamot ako sa ulo ko nang makatayo ako't nang maisuot ko ang mga tsinelas ko. "I get it. Bababa na ako pagkatapos ko lang mag-ayos." Inaantok kong sabi habang nanatili pa ring nakatingin si Ate Ella sa mukha ko.

"Mukha kang zombie. Nagpuyat ka?" Tanong niya sa akin at sinilip pa ang mukha ko. "Laki ng eyebags."

Tumalikod ako nang hindi iminumulat ang mata kong nakapikit. Grabe, ang bigat. "Oo, ate. May ginawa lang." I lied.

Kinuha niya ang pulso ko't hinila ako para yakapin ako. Sinubsob niya ako sa dibidb niyang napakalaki. "Awieeh. Ang sipag sipag naman ng kapatid ko na 'yan. Ito premyo mo. Hug ni ateee!" Malambing nitong wika na inis at marahan ko namang tinulak.

"Geez. Stop it. Labas ka na nga nang makapag-ayos na ako." Iritable kong sabi habang naniningkit pa rin ang mata ko.

Tumawa naman ito. "Sige, sige. Masarap pagkain natin sa baba." Aniya bago lumabas sa kwarto ko. Sinundan ko lang siya ng tingin bago ako pumunta sa banyo na nasa labas para maghilamos.

Binuksan ko ang ilaw ng banyo at napatingin sa mirror. Oo nga, mukha akong zombie.

Hinawakan ko ang mata ko na mugtong mugto dahil sa pag-iyak ko bago ako humikab. Binuksan ko na nga lang ang gripo para talsikan ng tubi ang mukha ko.

***

ISANG LINGGO ANG lumipas. Wala pa rin akong natatanggap na kahit na anong message mula kay Kyle tungkol sa pag-alis niya kaya iniisip ko kung galit ba siya, masama ba loob niya o ano. Gusto ko naman siyang I-message pero kung gagawin ko 'yon, ano sasabihin ko?

Na sa sala lang ako at nakasalong-baba na nanonood ng TV. Katatapos ko lang din maglinis ng bahay at ako ang naka-assign sa general cleaning, nagpapahinga lang ako bago ko gawin 'yung susunod na trabaho.

Sa kalagitnaan ng panonood ko ng NBA sa TV ay may nag doorbell. Napatingin ako sa pinanggalingan niyon bago ako tumayo at pinagbuksan ang taong iyon.

In-upgrade ni ate Ella ang tunog nung doorbell para sure na maririnig ng mga tao sa loob ng bahay.
Iyong dati kasi, kinakailangan pa kami minsan tawagan sa phone para lang mapagbuksan 'yung mga taong na sa labas na panay ang doorbell.

Lumabas na ako at sinilip ang buwisita.
"Halloh..!" Bati at kaway ni Arvin sa labas ng gate kaya binigyan ko siya ng walang ganang tingin.

"Luh. Ba't ka nandito?" Bungad ko kaagad sa kanya nang makatapat ako sa gate.

"Eh? Hindi ka ba natutuwang nandito ako?" Parang hindi makapaniwala kung tingnan ako ni Arvin.

"Ba't naman ako matutuwa? Eh, ang dalas dalas mong pumunta rito. Nasasawa na ako sa pagmumukha mo." Sagot ko naman at nagpameywang. "Tsaka general cleaning ng Lockwood family ngayon, 'no? Kaya umuwi ka na." Pagpapalayas ko sa kanya na may kasama pang pag gesture.

Tinuro niya ang sarili niya gamit ang kanyang hinlalaki. "I'll help!" Alok niya kaya sinimangutan ko siya bago ko pagbuksan ng gate ang mokong.

Pumasok naman siya sa loob na may ngiti sa labi niya.
"Great. Wala sila Ate rito, kaya laking tulong ka." Sabi ko at kinuha ang walis tingting sa gilid. Inabot ko 'yon sa kanya na kinuha naman niya. "Okay, linisin mo 'yong bakod, maraming dahon dahon doon."

Hinawakan niya ang dibdib niya at umaktong parang servant ko. "Yes, milady."

"P*ta." Mura ko.

***

HINDI NGA nagbiro si Arvin at tinulungan niya ako sa trabaho na dapat ako lang talaga ang gagawa.
Kaya nung kalagitnaan, nilapitan ko siya. Nagdidilig siya ng halaman.

"Oy, hindi ko pa pala natatanong pero bakit pala pumunta ka rito?" Taka kong sabi kaya napatingin siya sa akin. Pero ibinalik din niya sa mga halamang dinidiligan niya.

"Gusto lang kitang guluhin." Sagot niya.

"Seryoso kasi." Pamimilit ko. Hindi ako naniniwala na iyan lang pakay niya.

Bumaba ang tingin niya sa akin. "Iyon nga, guguluhin lang talaga kita." Sagot pa niya at humarap sa akin. Ibinaba niya ang hose.
"May rason ba dapat para puntahan ka rito?" Tanong niya kaya iniiwas ko ang tingin.

Bakit ko ba tinatanong? Eh, palagi naman talaga silang nanggugulo rito sa bahay.

"Gusto mo bang uminum?" Tanong niya sa akin kaya napatingin akong muli sa kanya. "May alam akong resto bar, pwede ka ring kumanta, baka gusto mo lang naman?" Pag-aaya niya dahilan para mapatungo ako.

"Pass." Pagtanggi ko.

"Ako na lang samahan mo." Aniya pero tumanggi lang ako kaya humawak siya sa magkabilaan kong balikat para alug-alugin ako. "Gusto kong kumanta!"

"Oo na! Oo na! Sasamahan na kita!" Napipilitan kong sagot kaya napasuntok siya sa ere sa saya habang mabigat akong napabuntong-hininga. Subalit namilog ang mata ko nang ipatong ni Arvin ang kamay niya sa ulo ko.

"You can tell me everything, you know? Para hindi ganoon kabigat 'yan." Tukoy niya sa nararamdaman ko. "Baka kasi mamaya, sa kakakimkim mo, hindi mo na malaman kung ano 'yung gusto mong mangyari. Tsaka mas maganda na rin 'yung may taong magbibigay sa'yo nang kaunting advice kahit alam naman nating hindi ako makakatulong." Paghawak ni Arvin sa likuran ulo niya.

Lungkot kong ibinaba ang tingin.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon