Page 28

27.8K 991 156
                                    

Page 28

Eclair's P.O.V

"Gusto kita" Salitang nagpatatitig sa akin.

Hindi ako nakaimik kaagad. Sa halip ay umiwas lang ako ng tingin at pilit na natawa. Pagkatapos ay malakas ko siyang binatukan na siya namang nagpahawak sa kanyang ulo na may dahan-dahang pagyuko. "Huwag ka ngang nagbibiro ng ganyan! T*ng ina mo naman, eh!"

"Pfft!" Rinig ko sa kanya bago siya humalakhak sa pwesto niya.
Mabuti na lang at tumigil kami rito sa pinaka gilid ng daan para hindi sagabal sa ibang mga sasakyan.

Napasandal na nga lang ako sa inuupuan ko. "Ngayon tatawa tawa ka? Akala mo talaga ang ganda ganda ng joke mo. Upakan kita, eh." Umakto pa ako na para siyang sasapakin.

"Paano kasing hindi matatawa, hindi ka ma-joke." Aniya kaya hinampas ko naman siya sa tiyan niya.

"Assh*le" Mura ko sa kanya at tumingin na sa harapan. Pinaandar naman na niya ang sasakyan ulit para puntahan 'yong sinasabi niyang gusto niyang kainan.

***

KANINA PA AKO tinatawag ni Richard pero hindi ko lamang ito pinansin kahit pa na nakahinto na ang kotse. Ito na yata ang sinasabi niya na pupuntahan namin?

"Hey, stupid" Hindi ko pa rin s'ya pinapansin at nagtulog tulogan lang ako. Masarap kasing matulog sa kotse niya. Hindi gano'n kabaho katulad ng kotse ni Vince.

Car Perfume pero mabaho, eh 'no?

Naramdaman ko ang paglapit ng bibig niya sa tainga ko. Nakaharap lang kasi ang ulo ko sa side window. "If you don't wake up, I'll do something mischievous to you" Tinulak ko kaagad 'yong mukha niya palayo sa akin.

"Parang tanga, ampota. Gusto ko pa matulog, eh." Inis kong sabi bago ako bumaba sa sasakyan niya. Isinara ko na ang pinto at nag-unat. May tumunog pa na buto buto kaya ang sarap sa pakiramdam. Isama mo pa 'yung malamig na hangin na humahampas sa balat namin.
Na sa gilid kasi kami ng dalampasigan. Kilala ang lugar na ito dahil sa puting buhangin na hindi lalayo sa siyudad. Para ka lang ding na sa ibang bansa. Maganda siguro rito sa gabi dahil marami-raming sabit-sabit na mga ilawan lalo na sa mga puno at poste.

Rinig ko ang pagsara ni Richard ng pinto tsaka siya tumabi sa akin. "Gusto mo na bang kumain? O gumala muna?" Tanong niya kaya kumunot-noo ako.

"Kaya nga tayo umalis sa H.U para kumain, 'di ba? Tsaka na tayo mag gala. Kung gusto mo, pagkatapos na lang para matunawan." Sagot ko. Nauna na akong naglakad kaya sumunod na si Richard. Hindi man lang siya humirit o kumontra, tahimik lang siya sa likod ko kaya hindi ko maiwasang mapatingala.

Takang-taka sa kinikilos ni Richard. Matagal na kasi kaming magkakilala kaya alam ko kung mood lang niya iyan o mayroon na talaga siyang problema.
At halata namang mayroon siyang iniisip pero ayoko rin naman siyang kulitin kasi baka mamaya, mas mairita siya. Kaya hayaan ko na lang muna.

Sasabihin naman niya kung gusto niya, eh. Huwag nga lang mapunta sa punto na mag-alanganin siya. Mahirap na kasi 'yon.

Sa paglalakad namin, napalingon na lang ako kay Richard dahil may dalawang babae ang lumapit sa kanya dahilan para mapahinto ito at mapatingin sa kumakapit sa braso niya.

Walang gana lang akong nakatingin sa kanya nang tingnan ko ang dalampasigan.
Sa lugar kasi na ito, kahit na nasa siyudad ka. Open ang magsuot ng mga bikini rito.
Sa side walk nga, may makikita kang naka two piece lang, eh.

Para kang na sa Sta. Maria Beach ng GTA kumbaga.

"Can we have your number, pogi?"
"What's your name, boy?"

Rinig kong mga tanong nila sa kaibigan ko kaya nginisihan ko si Richard at lalayasan na sana siya nang ipatong ni Richard ang kamay niya sa kanan kong balikat at tsaka niya ako inakbayan paharap sa dalawang babae na lumalandi sa kanya.
"Ho--"

"I've got a girlfriend. Back off."

Mabilis akong napatingin kay Richard. Ako 'yong nakonsensiya para ro'n sa dalawa na umalis na sa harapan namin. Tinulak ko naman siya. "Bakit mo 'yon sinabi?!" Bulyaw ko sa kanya.

Nagpamulsa siya at taas-noo na ibinaba ang tingin sa akin. "Ayoko na 'yong nagsasayang ako ng oras. Kukulitin lang ako ng mga 'yon." Aniya bago siya maglakad at lagpasan ako. "Tara na." Anyaya niya. Nakatulala lang ako sa pinanggalingan niya kanina bago ko siya nilingunan, hindi makapaniwalang napatingn sa kanya.

Napailing na lang akong sumunod sa kanya.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon