Page 16

34.3K 1.1K 88
                                    

Page 16

Eclair's P.O.V

"Huy Eclair, alam kong gising ka pa, pansinin mo nga akong bruhilda ka." Nangungulit sa 'kin ni ate Elsie na inaalog alog pa ako.

Nakatalukbong kasi ako ng kumot dahil maliban sa malamig, naiingayan talaga ako sa daldalan nilang dalawa. "Huwag mo na kasing tinatawag tawag, kahit ano man ang gawin mong pagtawag, hindi ka niyan papansinin kaya manahimi--" hindi na naituloy ni ate Ericka dahil bigla akong sumigaw.

"P'wede bang MANAHIMIK kayo d'yan ate? Ang ingay ingay niyo, gabing gabi na nagdadaldalan pa kayo! Matulog na nga kayo!" Inis kong singhal. Kainis 'tong dalawang 'to. 10 o'clock na nga ng gabi tapos mga nagsisidaldalan pa!

"Hmm? Mayroon ka ngayon, Eclair?" Tanong ni Ate Ericka pero pumikit lang ako. Wala akong period pero gusto ko lang talagang matulog dahil ramdam na ramdam ko 'yung pag drain ng energy ko sa hindi malamang dahilan. Naramdaman ko lang talaga 'to pagkatapos akong hulaan ni Lola kanina, dagdagan mo pa na naglinis nga kami sa mga sulok sulok imbes na magpahinga na muna. Kaya ngayon, taob ako.

At isa pa, pinakielaman nanaman nila 'yong gamit ko. Tinago nila 'yong mga damit ko kaya iba ang suot ko ngayon kumpara sa usual na damit na sinusuot ko.
Naubos 'yung energy ko kakahanap.

"Ano ka ba naman Eclair, minsan sa mga pagkakataon na 'to, we should be enjoying ourselves... Hindi 'yong matutulog ka na lang," sabay alis ni Ate Elsie nung kumot na nakabalot sa akin. "...dyan!"

Napaupo ako at inis na tiningnan ang nakangising si ate Elsie habang 'yong isa naman ay natatawa lang. "Ang sexy naman." Sabay hawak ni Ate Elsie sa mga hita ko paangat dahilan para umurong ako at mabilis na hinablot ang kumot. Nakasuot kasi ako nang maikling shorts-- shorts talaga 'to ni Ate Elsie.
"Leave me alone!" Pabagsak akong nagtalukbong.

Sa kwartong ito, may isang Master Bed at single bed. Bale magkatabi kami ni Ate Elsie sa Master Bed habang solo naman ni ate Ericka 'yung single bed.

"Aww ~" Paggawa ng tunog nung dalawa, ramdam ko pa 'yung pag nguso nila.

Rinig ko ang muling pagtawa ni ate Ericka tsaka siya umalis sa kama niya para umupo sa edge ng kama namin. "Ano'ng problema, Eclair?" Tanong niya pero mas tinalukbong ko lang ang sarili ng kumot ko.

Ibinaba ko lang din ang tingin. "Wala. Wala akong problema. Gusto ko lang matulog. Iyon lang, kaya patulugin n'yo na ako." Sagot ko naman.

"Sure ka?" Paniniguro niya at pinindot pa ang tagiliran ko na nagpatalon sa akin.

Nagwala ako sa loob ng kumot. "ATE!" Humalakhak si ate Ericka sa tuwa at humingi ng pasensya.

"Pero sure ka? Wala ka talagang problema, ah? Nandito naman si Ate." Malambing na pag-aalala nito at humawak sa beywang ko.

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Mmh... Wala." Walang gana na sagot ko kaya tumayo na nga siya para bumalik sa pwesto niya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko para buksan at ipinunta sa message. Hinanap ko 'yong message ni ate Ella, natabunan na rin kasi dahil sa group message ng kung sino.

Sa totoo lang, magpapalit na rin ako ng number kasi kung sinu-sino na 'yong mga nagte-text sa akin, hindi ko naman kilala. Ewan ko ba kung kanino o paano nila nakukuha, hindi naman ako nagpapa-load ever since.

Naglabas ako ng hangin sa ilong t binuksan na ang conversation namin ni ate at nagsimulang mag type.

From: Ate Ella

Okay ka lang diyan, ate?

Sent.

Nilapag ko muna 'yong cellphone sa tabi at pumikit, mayamaya lang ay nag vibrate na ang phone kaya kinuha ko 'yon para basahin ang text.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon