Page 1

102K 2.6K 411
                                    

Page 1

Eclair's Point of View 

Page 1

Eclair's P.O.V

Sa buong buhay ko ng pagiging bata ay ako iyong tipong babae na hindi mahilig makisali sa mga babae, gusto ko sa lalaki lang ako sumasama dahil nandoon ang mga gusto kong laruin at gawin. Katulad na lamang no'ng baril-barilan, mga takbuhan o kaya naman ang mga trip nila sa pambabato ng bato sa rooftop ng kapit-bahay namin, o kaya'y ang pagpindut ng doorbell sabay takbo. Mga gawaing 'di madalas gawin ng mga kababaihan.

Wala rin sa kagustuhan ko 'yung maglaro ng luto-lutuan o ng mga manika sa mga kapatid ko na babae. Maliban kasi sa mayroon akong Pediophobia ay hindi naman sila kaaya-aya sa paningin ko. Oo, Pediophobia, takot ako sa mga manika kasi pakiramdam ko lilingon sila sa akin kapag hindi ako nakatingin kaya kikilabutan ka na lang.

Kung makikipaglaro man ako, sa pangatlong panganay ko lamang na kapatid
Kaya nga madalas din akong sabihan na 'tomboy', isama mo pa sa rason na lalaki rin ako pumorma. Gayun din sa sisiga siga kong paglalakad.
Nagtataka nga 'yung nakararami kasi puro babae naman daw 'yung kapatid ko, kaya bakit daw ako nagkaganito kung ang may malaking potensiyal na bumaluktok ay si Kuya Erick.

Hahh... P*tangina. Hindi naman kasi ako lalaki.

"Hoy! Mga p*tangina n'yo! Hindi ako nakipaglaro sa inyo para matalo lang, ah? Ayusin n'yo-- ano 'yan, Arvin?! Ang bobo mo! Alam mo na ngang may ambush diyan sa bush-- Gag*! Namatay ako?!" Asar na sabi ko sabay hampas sa mouse. Namatay 'yung hero ko.

Kyle leaned on the seat while Richard let out a sigh.

Ang totoo niyan, may mga kanya-kanya talaga silang gaming computer sa kani-kanilang bahay pero dahil sa gusto rin nila akong samahan ay napa computer shop na rin sila. Amoy putok nga raw 'yong katabi ni Arvin kanina.

"Chill! Lag, eh. Siyempre, matatalo talaga tayo." Tumayo siya mula sa pagkakaupo. "Sino 'yung nagyo-YouTube diyan?" Tanong ni Arvin habang sinisilip 'yung ginagawa ng mga tao rito sa computer shop.

Hinawakan ni Kyle ang ilalim ng damit ni Arvin pababa para mapaupo siya. Wala naman siyang sinabi at tuloy-tuloy lamang ulit sa paglalaro niya.

"P're, huwag mo kaming ipahiya rito." Sabi ni Vince habang hindi inaalis ang tingin sa screen.

"Hoy, gag*! Buff ko 'yon, eh!" Tulak ng nasa tabi kong si Richard kay Vince.
Hinintay ko lang ma-resurrect sa game bago ulit ako makapagsimula sa nilalaro namin.

Siguro, sa edad ko na ito ay hindi na dapat talaga ako nandito't naglalaro sa computer shop lalo na't babae pa ako. But what can I say?
I don't have a female friend who I can hangout with because of the thought na baka magustuhan ko raw sila. Ang foolish, 'di ba? Kaya hinahayaan ko na lang din kung ano 'yung gusto nilang isipin sa akin, masaya naman ako kahit itong mga ugok na ito madalas kong nakakasama. Walang hard feelings, kaysa naman sa mga babae-- pero hindi ko naman nilalahat pero karamihan sa kanila. Napaka balat-sibuyas.

"Oy, hindi pa ba kayo hinahanap sa inyo? Mag gagabi na." Tanong nung nagbabantay sa computer shop.

"Hindi naman na kami bata." si Richard.
"Ayaw mo ng may customer?" si Arvin
"Bakit, kuya? Magsasara ka na?" si Vince

Nandito kami madalas kapagka wala talagang gagawin. Hindi naman ako pabaya sa pag-aaral ko dahil may hiya rin naman ako sa nag-papaaral sa akin. At ang ate ko iyon. Nagta-trabaho siya sa napakagandang kumpanya kaya napag-aaral niya kaming tatlong magkakapatid, si Ate Ella. Iyong isa naman, siya naman ang nagbabayad ng kuryente, si Ate Ericka.

May laman naman ang banko na iniwan sa amin ng late mother ko. Pero ginagastos na lang namin iyon para sa pagkain o sa emergency para hindi kami mahirapan kung magka problema man.

"Ikaw, Eclair? Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong nung tagabantay.

Hindi kaagad ako nakasagot. Sa totoo lang ngayon ko lang talaga napansin na mag gagabi na. Masyado akong nawili sa paglalaro kaya pati oras, 'di ko na namalayan.

Napatingin na ang mga kaibigan ko sa akin gamit ang kanilang gilid ng mata. "Hindi ka nagpaalam, 'no?" Hinala ni Vince.

Sumimangot ako. "Shut it. Kapag sinabi ko namang kayo ang kasama ko, okay lang 'yon sa kanila--" Tumunog bigla ang phone ko na nakapatong lang din sa ilalim nung monitor.

"Luh ~ Iyan na! Hinahanap na!" Sabay-sabay talaga silang nagsabi niyan.

Umismid si Richard para asarin ako. "Uwi na, Little Gurl, este bo--" Inapakan ko kaagad 'yung paa niya kaya hindi na niya natuloy 'yung sinasabi niya. Kinuha ko na lang ang phone ko't sinagot ang tawag ni Ate Ella.

Ibig sabihin, na sa bahay na siya at kailangan ko ng umuwi.
"A-Ate?" Nauutal kong tawag sa kanya.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon