Page 2

74.3K 2.1K 273
                                    

Page 2

Eclair's P.O.V

I feel like I have... a very long dream. It is about letting myself drowned in water. Nakatingin lang din ako sa itaas habang bumababa ako paibaba.
They said, dreaming about letting yourself drowned is a sign that some circumstances might change you, however you want to protect it because you're scared and you're worried because it might go wrong.

But what is it that I want to protect?

Ramdam ko pa 'yung paglutang ko sa crystal clear na tubig nang bumalik din ako sa realidad.
Binuhusan ako ng demonyita kong kapatid ng malamig na tubig kaya nawala rin sa utak ko 'yung napanaginipan ko.

Kaagad akong napaupo sa pagkakahiga sa kama at asar na tiningnan si Ate Elsie. "Nakakainis ka naman! Bakit mo ginawa 'yon?!" Nanggagalaiti kong tanong sa kanya na ngayon ay nakataas ang kilay.

Inilapag niya iyong planggana sa sahig 'tapos ay tumayo na nang maayos, humalukipkip at medyo lumapit sa akin. "You're askin' me why? I'm trying to wake you up for almost 2-3 minutes already. Nilagyan na nga kita ng ipit sa kili-kili mo at sa kung saan ka may kiliti pero hindi ka pa rin magising gising, I thought you were dead."

"Sino may matinong pag-iisip na patay na 'yung kapatid niya?!" Hindi makapaniwala kong tanong at tumaas ang balahibo noong makaramdam ako nang kaunting lamig. "Maliligo na nga ako, ikaw magpalit ng punda ko, ah?!" Umalis na ako sa kama at kinuha ang tuwalya ko para makaligo na nga.

"Hey evil sister, ilakad mo naman ako kay Vincent!" At kahit hindi ko pa nakikita 'yung ginagawang mukha ng aking kapatid, sigurado akong nakanguso siya para mag pa-cute sa akin. Bahala siya diyan. Ilang beses ko na siyang pinagbibigyan pero sinasayang niya.

"Eclair!" Tawag niya dahilan para huminto ako sa paglalakad, papunta na kasi ako sa labas ng kwarto. Walang gana ko siyang tiningnan tsaka ngiwing humarap sa kanya.

"Hey, ate? For you, ano ang 143?" Tanong ko pa sa kanya. Tingnan nga natin kung ano ang magiging sagot niya.
She put her index finger on her chin and hummed, tila para bang nag-iisip ito. "I miss you?" Umiling ako.

"I like you? I love you?" Umiling ulit ako. "Ah! Alam ko na!" itinaas ko ang dalawa kong kilay habang naghihintay sa kanyang sagot.

"Sige, ano?"

"I-Hate-You! Kasi hate mo 'ko" napa-bored look na ako, mga walang kwentang sagot talaga. "Alam ko 'yon evil sistah! Pero masyado akong matalino para tanungin sa mga ganyang bagay" pagmamalaki pa nitong sabi dahilan para mapasapo ako sa sariling mukha. Hindi ko alam na may shunga shunga sa pamilyang Lockwood.

"Ang landi mo, ate... It's One Hundred Fourty Three, duh? Ano pinagsasasabi mo? Kung 'yan ngang simpleng bagay, hindi mo masagot nang maayos, ano pa kaya kung gawin ko pa 'yung gusto mo kay Vince? Edi hindi mo nanaman magagawa nang matino. Huwag na, manigas ka diyan." At lumabas na nga ako sa kwarto, gusto ko na talagang maligo dahil medyo nilalamig na ako.

"Tsk! Tomboy!" Rinig ko pang tawag niya ngunit hindi ko na lamang ito pinansin at bumaba na lamang.

***

NATAPOS NA akong maligo at magbihis kaya pumunta ako kung saan nakalagay ang mga nakahandang pagkain. Maliit lang ang dining room namin ngunit sapat na para sa aming magkakapatid.

Kumuha lang ako ng tinapay na nilagyan ko ng Strawberry and Butter, tapos umalis na ako. "Eclair, dito ka na kumain!" si Ate Ericka. Huminto ako sa pagtakbo at lumingon sa kanya.

"Late na ako kaya aalis na 'ko. Bye!" At binuksan ko na 'yong pinto at lumabas.

"Eclair! Saglit lang!" Sigaw ni Kuya Erick at nakigaya sa akin. Kumuha lang din siya ng tinapay niya't kaunting palaman bago sumunod sa akin buhat buhat ang bag niya ng isa niyang balikat.
"Oh my gosh, you two! Don't tell me patatakbuhin n'yo nanaman ako? Goodness!" Maarteng daing ni Ate Elsie pero sumunod na nga lang sa amin.

Kumuha kaming tatlo ng tricycle. Papunta pa lang ako sa may likuran ng tricycle ay inunahan na ako ni Kuya Erick. Doon daw ako sa loob dahil baka masilipan daw ako lalo na't naka skirt ako.

Hello? Nakasuot nga ako ng jersey short. Ano masisilip nila ro'n? Pero 'yung pang volleyball na shorts 'yung suot ko, hindi 'yong pang basketball. Pero kahit na!

"Huwag ka na makipagtalo, male-late na tayo." si Kuya.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon