Page 39

19.7K 832 78
                                    

Page 39

Yuuki's P.O.V

Hindi makapaniwala kung tingnan ko 'yung mga litrato na nakapaskil doon sa bulletin board. Pareho kaming natulala ni Orange noong dali-dali siyang nag martsa palapit doon para alisin iyon at punit-punitin.

She also crumpled it and put it in her pocket.
Nanatili lang akong nakatayo nang magsalubong ang kilay kong tiningnan ang mga estudyante nanonood lang. "Who did it?" Tanong ko at tukoy sa mga litratong nakapaskil doon kanina sa bulletin board. Walang nagsalita o sumagot sa naging tanong ko.

Ngunit makikita rin sa kanilang mukha na nag-aalanganin sila kaya malalaman mo rin na may alam sila sa nagdikit ng litrato nila Eclair.

Lumapit ako kung nasaan si Orange nang hindi inaalis ang masamang tingin sa mga estudyante. "Let's go." Aya ko sa kaibigan ko pero hindi siya sumunod at magkadikit lang din ang kilay na nakatingin sa mga estudyanteng nandito. Bumuntong-hininga ako bago ko hawakan ang kamay niya't iginiya siya sa kung saan . "Come on." Muli kong pag-aaya.

***

BINUKSAN KO ANG takip nung cola at inabot iyon kay Orange na nakaupo lang din sa bakanteng upuan dito sa canteen. "Na-text mo na?" Tanong ko at umupo sa tabi niya. Ite-text daw kamo niya si Eclair.

Ipinasok na niya sa bag ang selpon niya na kanina'y tinititigan niya. Tila hinihintay ang reply ni Eclair. Tumango siya bilang sagot. "Mmh. Hindi pa siya nagre-reply." Sagot niya. Marka sa mukha niya ang pag-aalala. "Nandito na kaya siya?" Tanong niya na hindi ko sinagot dahil hindi ko rin naman alam.

Binuksan ko lang din 'yung cola in a can ko't tinungga ang laman. "It's true that I misunderstood Eclair's sexual orientation. But did they have to go this far?" Concern pa ring tanong ni Orange kasabay ng aking pagbaba ng aking iniinum bago ko siya lingunin

"Hmm... Hindi ko pa masyadong kilala si Eclair, but I know she'll be okay." Pagtango ko para mapanatag si Orange. "I don't think siya 'yung tipong babae na pinapatagal 'yung mga ganoong issue."

"Tinutukoy mo ba sarili mo?"

Namilog sandali ang mata ko bago ako matawa. "Well, we're kind'a the same kaya parang nasasabi ko, pero hindi rin naman natin alam kasi magkaiba pa rin naman kami ni Eclair."

"Let's think na magkapareho kayo, but if that'll be the case. Hindi siya okay ngayon."

Tumango ako. "Parang ganoon na nga." Labas sa ilong akong tumingala. "Tsaka alam mo kasi, hindi naman madaling hindi pansinin 'yung mga ganoong issue lalo na kung maraming tao ang parang against sa'yo." Tukoy ko sa mga litrato kanina. "But if we're talking about Eclair. Mas malaki ang chance na hindi siya aamin na hindi siya okay." Pagkibit-balikat ko.

Binigyan ako ng walang ganang tingin ni Orange. "Wala akong ideya kung si Eclair ba talaga 'yung tinutukoy mo o sarili mo."

Pilit ko siyang nginitian. "Masyado mo lang akong kilala kaya akala mo sarili ko tinutukoy mo." Paismid akong ngumiti. "Bullying, eh?" Sambit ko sa sarili ko.
Kind'a brings me back. Ewan ko kung maiinis ako o matatawa na lang din.

Flashback:

Elementary. Hindi na bago 'yung fact na kilala ako sa skwelahan dahil na rin sa mga nagiging activities ko na pati titser ay tuwang-tuwa sa 'kin.
Masaya rin kung makipag-usap sa akin ang lahat ng estudyante pero may iba rin na takot lumapit sa akin kesyo matalino raw ako ganyan ganito and so on.

At may iilan naman na hindi ako gusto sa kadahilanang ayaw nilang nahihigitan sila.

Nagbabasa ako sa library niyon nang may huminto sa tabi ko. Tumingala ako para makita siya. Si Angelica, kaklase ko iyon nung 5th grade. "Just as what we expected sa numero unong Yuuki sa campus." Sarkastiko nitong pagkakasabi. Umupo siya sa tabi ko. "Yuuki, matalino ka naman. Baka naman gusto mo 'kong tulungan sa mga homeworks ko?" Paglabas niya ng notebook at inilapag sa harapan ko.

Ipinagdikit niya ang mga kamay niya. "Please? Hindi ko kasi alam, eh." At binigyan pa niya ako ng puppy eyes.
Wala kami masyadong interaction ni Angelica pero nagkakaroon kami ng pag-uusap kapag may nangyayaring groupings sa loob ng classroom pero hindi kami ganoon ka-close. Kaya iniisip ko that time na baka itong pagpapatulong niya 'yung paraan ng pag acknowledge niya sa akin gayun din ang kagustuhan niyang maging kaibigan ako.

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon