Page 32

24.2K 941 165
                                    

Page 32

Eclair's P.O.V

"I wanna kiss you. Love me, baby ~!" Intro ng kanta na siyang nagpasigaw sa nakararami gayun din ako na hindi naman talaga palasigaw. Napatayo pa nga ako pero mabilis din akong iniupo ni Kyle pagkapatong pa lang niya sa balikat ko kasi marami nga rin naman talagang nanonood sa likod.

Hindi ko nga rin kamo inaasahan na nandito rin 'yung Tokyo Sports Champion na si Mirriam Garcia. Kasama niya 'yung asawa niyang psychologist na si Jasper Kyle Villanueva at katabi ko lang din silang pareho.
Subukan kong magpa-picture sa kanilang dalawa mamaya, tutal mukha silang nag e-enjoy rin sa concert.

Inangat ko ang dalawa kong light stick. "ThePeggies!!" Labas sa baga kong sigaw dahil na rin sa excitement. Nabuo 'yung ThePeggies way back 2011 pero dahil sa naging kanta nila sa isang animation series ay nag boom ang kanta nila worldwide.
Pero hindi ako nanonood ng anime, 'yong mga kaibigan ko lang. Nagkataon lang na fan ako ng mga Japanese OST. (Original Sound Track)

Puno nang malalakas na tugtugin ang paligid, hiyawan at tilian. Mararamdaman mo rin ang pag vibrate ng sahig.
At kahit puno ng aircon ang paligid, maiinitan ka dahil na rin sa init na lumalabas galing sa bibig ng libo libong tao rito sa stadium.

Nag e-enjoy lang ako sa pinapakinggan namin nang mapatingin ako kay Kyle na hindi ko inaasahan na kinukuhanan ako ng litrato gamit ang digital camera niya. Ibinaba naman niya iyon kaya sinuntok ko siya sa balikat niya. "Huwag mo nga akong kunan ng litrato!"

Nakatitig lang siya sa akin nang iangat niya ang dala niyang digital camera at ipakita sa akin 'yong mga kinuhanan niyang litrato. Lahat ng mga iyon ay stolen pero sa totoo lang, napamangha ako sa kadahilanang ang ganda kong tingnan doon.
Makikita mo 'yung pagkinang ng mga mata ko habang nakatingin sa stage.

At hindi lang iyon! Nakatingin din pala si Mr. Jasper at Mrs. Mirriam sa camera't naka peace sign kaya napatingin ako sa kanilang dalawa na nakaharap ang tingin. Pero napansin yata nila ako kaya pareho silang lumingon sa akin at nginitian ako. "Enjoy-in natin 'yung concert." Labas ngipin na sabi ni Mr. Jasper kaya lumapad ang ngiti ko at tumango.

"This feeling that I just remembered,
I'll hug you,
Don't lose,
Don't disappear. I wanna kiss you, love me baby!"

***

GINABI ANG TAPOS nung concert kaya habang papalabas kami ng stadium ay nag-unat ako't pagkatapos ay humawak sa aking lalamunan. "Mukhang mapapaos ako, ah?" Sabi ko sa sarili ko bago ako abutan ng tubig ni Kyle. "Salamat." Kinuha ko na nga ang bottled water at binuksan ang takip para inumin.

"Sinong mag-aakala na marunong ka pala talagang tumili?" Pang-aasar ni Kyle kaya kunot-noo na nagsalubong ang kilay ko na tiningnan siya habang isinasara ang tubig ko ng takip.

Nahiya ako. "Forget it."

Humagikhik siya at kinuha ang kamay ko na siya namang nagpatikum sa akin. "Nag enjoy ako," Ngiti niyang sabi. "Ikaw? Nag enjoy ka naman?" Paglapit pa ng ulo niya sa akin kaya ako naman itong napaurong at naglayo ng tingin.

"Y-you're close." Nauutal kong sabi pero naramdaman ko lang 'yung pag ngisi niya bago siya umayos nang tayo. Dumiretsyo na kami sa labas para kumain ng mga street foods.

Huminto kami sa kung saan-saang tusok-tusok at sinubukan ang bawat pagkain sa food stalls. Nagpalitan kami ng kinakain na hindi ko napapansin na medyo nawawala na 'yung hiyang nararamdaman ko sa kasunduan na nagaganap sa aming pareho.
Pero kung may bagay siguro akong hindi magagawang makasanayan, iyon 'yong mahigpit na paghawak niya sa kamay ko.

Iyong pakiramdam na para kang secured? Iyon. Iyon 'yung parang hindi ko magagawang makasanayan. Hindi ko magagawang maging kampante kasi alam naman naming pareho na hindi naman 'to totoo.
At kahit na binigyan na ako ng reassurance ni Kyle sa pwedeng mangyari, I can't helped but to feel bad.

"Hmm? What's wrong?" Tanong ni Kyle pagkahinto pa lang niya. Nakalingon siya sa akin samantalang tumigil din ako sa paglalakad. Nakatungo lang ako nang tumingala ako para makita siya.

"Kyle, okay lang ba talaga sa'yo na gawin 'to?" Tanong ko na mukha namang ipinagtaka niya pero nginitian din ako pagkatapos.

"By any chance, are you worried that I might expect something?" Tanong niya na nagpalayo sa akin ng tingin.

Humawak ako sa batok ko. "Iyan din... pero--"

"Let's say oo, umaasa nga ako." Tugon niya kaya umangat ang tingin ko sa kanya. "Pero hindi ko rin magagawang lakihan 'yung expectation ko. I know you a lot, Eclair.
Kung madali lang sa 'yo ang magmahal, matagal mo na sanang nagawa. At isa sa amin, baka may nagugustuhan ka na." Paliwanag niya at umiling. "Kaso nakikita ko na kaibigan lang din ang turing mo sa amin kaya hindi ako magugulat kung wala ka pa rin talagang nararamdaman sa akin matapos ang ilang linggo." Mahabang litanya niya at humarap mismo sa akin. Humakbang siya at hinawakan ang pisngi ko na nagpamula sa akin. Ipinatong niya ang noo niya sa akin kasabay ang kanyang pagpikit samantalang nakatingin lang ako sa kanya. Ramdam ang kanyang mainit na paghinga.

"That's why I want to treasure this moment." Aniya at idinilat ang mata para titig din ako pabalik. "It is something that I want to keep forever."

Nagsalubong ang kilay ko. "Kyle..." Tawag ko sa kanya bago ko siya marahan na itinulak palayo sa akin. "Bakit ako?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Hindi pinapansin 'yung mga tao sa paligid na napapatingin sa amin.

Ngumiti siya. "Pangalawang beses mo na 'yan natanong sa akin."

Umiling-iling ako. "Kasi wala pa rin talaga akong naiintindihan." Gulong-gulo kong tugon. "Ang daming mas magaganda diyan, maraming sexy, maraming mas mabait at--"

Hinawi niya ang hibla ng buhok ko at iniipit sa aking tainga. "Eclair, those things doesn't even matter to me. And you're actually beautiful yourself, wala ka lang confidence sa sarili mo." Aniya. "And you, telling me all of these makes me feel at ease. Kahit na sabihin nating kilala na kita, I can tell that you're honest."

Nakaangat pa rin ang tingin ko at hindi umiimik. "At kahit sabihin mo pa 'yung mga flaws mo, hindi na 'yan tatabla kasi ilang taon na tayong magkasama." Humawak siya sa kanan kong kamay. "Pero kung sakaling magagawa mong maibalik 'yung nararamdaman ko sa'yo, makikita ko pa 'yung mga bago mong mukha."

Namilog ang mata ko hindi dahil sa mga sinasabi niya kundi na-realize ko na ito yata ang kauna-unahan na dumaldal siya nang ganito, ang hahaba ng mga sinasabi niya kaya hindi ko maiwasang magulat.
Kung hindi kasi tipid, hindi talaga siya nagsasalita. Tsaka lang siya sasagot kapagka kinakailangan.

Tumalikod na siya sa akin ng hindi inaalis ang tingin sa akin. "Tara, mag gala pa tayo kung hindi ka pa pagod." At iginiya niya ako sa lugar kung saan niya ako gustong dalhin habang nakatitig lang ako sa likuran niya.

Ginawa namin ang pakikipag date ng ilang araw. Kapag wala kaming klase, lalabas kami. Hindi ko sigurado kung nahahalata kami nung tatlo pero wala naman silang sinasabi kaya siguro hindi naman.

Bumili kami ng tokens nang makarating kami ni Kyle sa arcade. Dito lang kami sa mall ngayon at hindi lumayo kasi katatapos lang din ng klase at medyo hapon na. Nag-aya talaga si Kyle na umuwi na muna pero sabi ko maglaro muna kami kaya pumayag naman siya.

Isang linggo't apat na araw na ang lumipas, pero wala pa rin talaga akong kahit na anong nararamdaman para kay Kyle.
At naisip ko, kung matatapos ang dalawang linggo na wala pa ring nabubuo, I will end up hurting him. Baka may mabago kapag nagkataon, and I don't want that.

Pumunta kami sa may baketball arcade na walang gumagamit tsaka namin inalis ang tig-isang token sa maliit na supot.

Magkatabi lang kami at hawak na ang ihuhulog na token. "Sabay tayo, ah?" Sabi ko sabay tapat nung token sa insert coins.

"1...

2...

3!" Hinulog na namin ang token at pinindot 'yung button para bumaba 'yong bola. Nang bumaba ang mga ito ay nagsimula na kaming magshosho-shoot. Tawa nga ako nang tawa kasi ang bilis niya! Hindi man lang s'ya mangalay ngalay!

Ang dami pang nasho-shoot, lamang siya ng 20 points kumpara sa akin.

Dahan-dahan kong iniikot-ikot ang braso ko habang nakahawak ang isa kong kamay sa aking brasong iniikot ko. "Ano ba'ng inaasahan ko sa taong madalas sa arcade?" Taas-kilay kong ngiti.

Umismid siyang nagpameywang na animo'y proud.

Pumunta naman kami sa drum thing na kung tatawagin ay Taiko. Tatlo lang iyon, isa sa kaliwa't kanan at gitna.

Hindi ko pa talaga 'to nasusubukan kaya nakatingin lang ako ro'n.
"Wanna try?"

Tumabi ako sa kanya nang kaunti at umiwas nang tingin. "M-medyo nahihiya ako" Hiya kong sambit. Tumawa s'ya kaya napatingin ako sa kanya lalo pa noong hawakan niya ang aking pulso.

"Try it." Hinila nanaman niya ako para puntahan ang Taiko.

Umupo ako sa stool, si Kyle ang pumili ng instrumental songs para sa akin. "Hulog ko na, ah?" Tukoy niya sa token at wala pa nga akong sinasabi ay hinulog na niya kaya nagsimula na 'yung beatmap. Bumababa na 'yung pula, dilaw asul na linya-- at sandali! Ba't ang daming bumababa?!

"T*ng ina mo! Expert yata 'tong pinili mo, eh!" Sigaw ko habang natataranta na pinapalo 'yung drum.

Nakita ko sa peripheral eye view ko ang pagtango-tango ni Kyle. "May future ka pa lang maging drummer. Sandali, nasaan na ba 'yung camera ko?" Hanap niya sa camera niya na hindi ko inaasahan na hanggang dito ba naman ay dala-dala pala niya?!

"Hoy! Huwag mo 'kong kuhanan ng litrat--" Hindi ko pa nga natatapos ay narinig ko na ang pag click nung camera. "Gag*!" Mura ko sa kanya pero nginisihan lang niya ako.

Yuuki's P.O.V

"Orange, 'di ka pa tapos diyan? Medyo nagugutom na ako. Dalian mo, huwag kang pili nang pili diyan kung hindi mo susuotin." Suway ko kay Orange na nandoon sa harapan ko't nag I-swing swing habang nakapatong sa kanya 'yung damit na gusto niyang bilhin.

Samantalang nakaupo naman ako rito sa waiting area habang pinapanood lamang siya.

Hindi niya ako pinansin at inalis lamang ang damit sa pagkakasabit. "Look, Yuuki! Ang cute nitong damit na 'to, oh? Picture-an mo nga ako?" Sabay abot n'ya sa akin ng cellphone niya.

Inirapan ko s'ya. "Stop it, para saan pa at pi-picture-an kit--Wait, don't tell me may nagugustuhan ka ng lalaki?" Bigla kong pag pokerface.

Siya naman ang inirapan ako. "Excuse me, I'm doing it for myself, kung magkakaroon man, siguro nagpapa-cute ako kay Eclair." Pag puppy eyes niya bigla na siya namang nagpabuntong-hininga sa akin.

"Give up already, she's straight."

"Edi gagawin ko siyang LesBi. (Lesbian/Bisexual)." Sagot niya kaya napaabante ako bigla.

"Dream on!"

Sinimangutan niya ako. "Geez. Tsaka 'di ba p'wedeng mag selfie because ang ganda no'ng damit na binili ko?" Tukoy niya sa mga damit na hawak-hawak niya.

Humalukipkip ako. "Edi dapat 'yung damit mo na lang iyong picture-an mo kung 'yong damit mo ang maganda" Pamimilosopo ko. Sumasakit na 'yong paa at pwet ko kahihintay sa kanya.

"Gaga ba you? 'Yong face ko rin ang maganda, hindi lang 'yong damit!" Nilakihan ko lang 'yong ilong ko at mataray na tumayo't tumalikod para ako naman ang magtititingin ng damit.

Ang tagal naman kasing mamili, umabot pa ng siyam siyam.

Naglakad ako sa isang side at nagtititingin pampalipas oras nang mapatingin ako sa labas kung saan parang nakikita ko yata sina Arvin kasama ang isa niyang kaibigan na si Vincent.

Napakunot-noo ako. "What the hell are they doing here?" Tanong sa sarili na hindi ko naman napansin na nasa likuran ko na pala si Orange.

"Who?" Tanong ni Orange habang hawak-hawak ang dalawang dress. Tinuro ko naman iyong dalawang ka-blockmate namin sa hindi kalayuan. "Luh! Fiance mo 'yong isa, oh?" Turo niya kay Arvin kaya walang gana akong napatingin sa kung saaan. "Siraulo 'yon, ah! Naghahanap ng chics?!" Hindi niya makapaniwalang sambit.

Kiuha niya ang pulso ko't pabagsak na ipinatong sa kung saan ang mga damit na pinili niya. "Sundan natin sila!" Salubong ang kilay na wika niya at iginiya ako.

"O-Oy! Teka lang--!"

Damn you! I'm a Girl! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon