"Hanggang ngayon hindi ko pa rin maatim yang kinakain mo." sabi ni Tifa habang nagtatype sa macbook nya.
"Anong masama rito? Masarap kaya." sabi ko sabay kagat sa baon kong pancake na may palamang mayo and corned beef.
"Yuck! Nawawalan ako ng gana kumain sayo eh."
"Iyan pala ang walang gana." tinuro ko ang dalawang footlong sandwich, dalawang waffle, at isang malaking baso ng milo(chocolate drink, hindi ako). Sa kanya lang lahat yun.
"At least hindi naman ako adik sa mayonaise kagaya mo. Ano yung huling baon mo, adobo with mayo? Kadiri! At saka kailangan kong kumain ng marami dahil marami rin akong activities." sabi nya habang nakatingin sakin nang hindi man lang bumabagal ang pagtatype.
"Kare-kare with mayo and bagoong yun."
"AARRGG!" biglang nagpokus sya sa pagtatype. Dumoble pa ata ang bilis, kung posible ba yun.
"Activities?" ulit ko nang bumagal nang siya ng kaunti.
"Uh-huh."
"Tulad ng ano? Facebook?"
"Excuse me! Nagpoprogram ako!" irap nya sabay kagat sa isang waffle.
"Nagpoprogram ng ano? At bakit sa canteen mo kailangang gawin yan, ang sikip na kaya sa table natin." reklamo ko.
Magkaharap kami sa table namin sa canteen, ang pinakamalayong table mula sa pintuan. Sa likod nya ang pader na dating green na ngayon ay dirty green na with matching natuyong spaghetti sauce sa ibat ibang bahagi. Sa likod ko naman ang ilan pang mga table na unting unting inuukupa ng mga pumapasok na istudyante. Ang table namin ay para talaga sa apat na tao, ang upuan ay pahaba at gawa sa kahoy tulad ng sa lamesa mismo. Pero dahil sa pagkain, macbook at iba pang gadget ni Tifa, masikip na ito sa saming dalawa pa lang. Kaya walang nakikitabi sa amin. Mabuti narin yun, hindi naman kasi kami close sa mga kaklase't schoolmates namin eh.
Kahit mag bestfriend kami mabibilang mo lang ang pagkakataon na kumain kami nang magkatabi. Siguro dahil ayaw nyang nakikita ko ang ginagawa nya sa macbook nya. Hindi na dapat sya nag abala. Sa mangilang beses na nakita ko ang screen ng macbook nya, puro numero lang ang nakita ko. Iyung tipong makikita mo sa computer ng mga hackers sa pelikula. Kahit kumain ako ng 2 terrabyte na hard drive di ko maiintindihan yun.
"Sikreto ko na yun." kitams, ayaw nya sabihin. "Wala akong time para gawin to sa klase kaya dito ko ginagawa. Saka ayaw mo nun, walang tatabi, may quality time tayong dalawa." sabi nya nang may ngiti sakin.
Hindi sa unang pagkakataon, nakita ko kung ang ganda ng bestfriend ko. Maliit lang siya, 5 flat, pero bumagay yun kanyang balingkinitang katawan. Kayumanggi sya. Bilugan ang kanyang mukha, tama lang ang kapal ng kilay. Hindi matangos ang ilong pero hindi rin pango. May buhok siyang hanggang balikat na kapag naaarawan akala mo buhok ng mais. At ang pinaka pansinin sa kanya ay ang kanyang bilugang matang kulay brown pag tinitigan mong maigi. Kapag tinititigan ka nya ng mata sa mata makikita mo ang talino sa likod nun na para bang sa pagtingin nya sa mata mo mapagaaralan nya ang pagkatao mo. Nakakapanlambot.
Gaya ng ginagawa nya sa akin nung panahong yun.
Mabuti nalang may suot siyang salamin, nabawasan yung impact. Walang grado yun, pacute lang. Para raw magmukha siyang henyo. Isang cute na henyo.
Tiffany Kush Mendez ang pangalan nya. Tifa for short. Sunod sa bombshell ng final fantasy 7. Ilusyonada, haha. Igoogle nyo kung di nyo siya kilala. (as if naman)
"Maniniwala na sana akong sincere ka kung hindi ka lang walang tigil sa pagpoprogram mo eh." diniinan ko yung "program". Umipekto naman dahil sinara nya na yung macbook pagkalipas ng mga labinglimang segundo.
BINABASA MO ANG
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)
FantasyAnong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na...