KABANATA LI - Refrelevator

8.5K 627 372
                                    

Once upon a time, in a faraway land,
May lagi akong napapanaginipan.
Ngunit ngayo'y lumipas ang panaginip.
At ang boses sa isipa'y tuluyang nanahimik.

Kung kaya ngayon wala akong masabe.
Kaya pabili nalang ng kamote.
Teka wala nang sense,
...Condiments?

Sinubukan kong magsulat nang makababag damdaming tula bilang pagpugay sa buhay ng Supremo pero naalala kong basura ako gumawa ng tula. Siguro mula sa kabilang buhay binabato nya na ako ng mga cedula. Pero totoo rin namanang nilalaman ng tula, bukod dun sa kamote thingy(kamothingy?). Totoong ngayon tumigil na ang mga panaginip kong paulit-ulit. Teka mali yun. Tumigil ang panaginip ko na may patungkol sa Supremo. May ilan pakong panaginip, karamihan sa kanila ay premonisyon sa hinaharap na pagsubok, pero iyon ay ibang kwento na. Pati ang boses nya sa aking isipan na gumagabay sakin kapag ako'y nasa kagipitan, nawala naring lahat. Pakiramdam ko nagiisa na ako... Na mas ok na, kasi kung naging dalawa ako paksyet baka umihi ako na tumatambling.

Hindi ko namalayan kung gaano ako katagal nakaluhod at nakatingin lang sa kanya nang hindi sya nakikita. Pahapyaw kong naaalala na binuhat ko ang magaan nyang katawan at inihiga papag na higaan sa may gilid. Blanko ang isipan ko matapo yun. Naghalo ang lungkot at lito, na nangyayari kapag sa harapan mo nawalan ng buhay ang isang importanteng tao. Hindi sa unang pagkakataon, pinagdudahan ko kung tama ba ang pinasok ko. Kung kaya ko ba ang ang kinakaharap kong pagsubok. Oo alam kong nakasalalay ang aming buhay at sa isang maling hakbang pwede itong bawiin sa amin, handa naman kami run.

Pero iba na kapag may namatay na sa inyo.

Para kang sinampal ng katotohanan na hindi isang laro ang iyong ginagawa. Na ang kamatayan ay hindi lang isang salita o banta, bagkus ay isang malamig na aninong nakatago sa kanto at anumang oras ay hahagkan ka, gustuhin mo man o hindi.

"Ijo..." isang kamay ang lumapat sa aking balikat. Sumagot ako nang hindi tumitingin.

"...Wala na sya ginoong Emilio. Ipinamana nya sa akin ang bertud, kahit alam nyang kapalit nito ang buhay nya. Hindi ito patas..."

Lumingon ako at doon ko nakitang lahat ng aking kasamahan ay nasa loob na, dala-dala ang malungkot na ekpresyon sa kanilang mukha.

"Ito ay kagustuhan ng Supremo. Hindi lang ito tungkulin para sa kanya. Wala syang ibang hinangad kundi ang tagumpay mo at linaan nya ang lahat para sa katuparan nito." marahan na tugon sa akin ng katipunero.

"Pero hindi ba mas marami pa syang magagawa kung nabubuhay pa sya? Mas nagtutulungan nya akong magtagumpay kung nandito pa sya."

"Nandito parin naman sya eh. Patay nga lanhummrpp."

Tinakpan nila Tifa at Noli ang kanyang bibig para hindi na makapagsalita pa nang insensitibong bagay. Pero ayos lang naman, alam kong wala syang ibang ibig sabihin na masama sa kanyang sinabi. Nagpapaka-Jazz lang sya. Mas naalibad-baran ako sa sumunod na eksena. Ang resulta kasi, naglapat ang kanilang kamay at nagkatinginan sila. Ngumiti si Noli na sinuklian naman nang mahiyaing ngiti ni Tifa.

Tapos may nagsayawang mga duwende sa bulaklaking kaparangan na lumitaw sa background habang may mulawin na lumilipad kumakanta ng 'ikaw nga'. SUNUGIN!

"Ehem excuse me-"

"Sige dumaan kana." sabat ni Ever, pinanliitan ko sya ng mata.

"Mawalang galang na, nagmomoment ako rito, nalulungkot ako diba, ayan oh may tutulo na ngang luha konting kembot nalang. Mas maaapreciate ko kung hindi kayo maghoholding hand sa bibig ni Jazz." irita kong sabi.

"Huy grabe ka! Hindi naman kami naghoholding hands! Magkapatong lang kamay namin tapos..... Umm.... Oo nga noh? Tehehe." aliw na tawa ni Tifa.

"Syang tunay binibini, pasensya ka na hindi ko rin kaagad napuna hahaha." tugon ni Noli.

Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon