KABANATA L - Ang Mamatay nang Dahil Sayo

8.3K 645 237
                                    

"Paano nyo nalaman na pinanganak ako?" tanong ko

"Naramdaman ko sa pamamagitan ng bertud. Bigla itong nagising, nanumbalik ang dati nitong kapangyarihan. Bukod dun umaangkla ito sa isang tiyak na direksyon. Dun ko nalaman na iyon na ang tamang panahon. Dumating na ang bagong Pinili. At tinuturo ng bertud ang kanyang lokasyon." wika nya.

Nakuha nun ang buo kong atensyon. Kahit sino naman marahil, kung magkakaroon ng balita tungkol sa nakaraan nyang hindi pa natutuklasan ay magiging lubos na interesado.

"Teka, kailan po nangyari yun?... Sa totoo lang kasi hindi ko alam kung kailan ako ipinanganak. Ang alam ko lang iniwan ako sa pintuan na ang tangan lang ay ang bertud, at isang papel na nakasulat ang pangalan kong Milo."

Totoo yun. Dahil hindi namin alam kung kailan ang kaarawan ko ang ipinagdiriwang nalang namin ay ang araw kung kailan ako natagpuan sa labas ng bahay. Isang matagal nang biro na ang tawag namin rito ay 'foundday'. Na medyo nakakailang lalo na nung nakaraang na kinantahan ako ni Tifa ng 'happy foundday to you~' sa paaralan.

Umiling ito.

"Hindi ko tiyak ang araw kung kailan. Hindi na kasing klaro ng dati ang aking memorya. Bukod dun, sa lugar na ito hindi mo makikita ang pinagkaiba ng araw sa gabi. Lumilipas lang ang araw nang hindi mo namamalayan."

Nanlumo ako sa kanyang tinuran. Dun ko lang napuna kung gaano ako nasasabik na magdiwang ng kaarawan. Di ito pumapasok sa isipan ko, o marahil iniiwasan ko itong isipin. Kaya para isang atake ng katotohananang aking narinig. At hindi ito nakatakas sa atensyon ng Supremo.

"Ramilo." sambit nya.

"???"

"Ramilo dapat ang tunay mong pangalan. Ramil kapag pinaikli."

Tumindig ang balahibo ko sa leeg.

"Dapak! Kinilibutan ako grabe! Tenkyu nalang po, mas ok na ako sa Milo." Niyakap ko ang sarili ko na parang giniginaw. Ramilo? Watda? "Saan naman po nanggaling yang pangalan naman? Ang baduy naman."

"....Ako ang nagbigay sayo ng pangalang yun." sagot nya.

"Abay ok naman pala eh, punumpuno ito ng damdaming sumisimbulo sa kagandahan ng mundo... Pero hindi rin eh. Korni parin. TEKA!" napalingon ako muli sa kanya. "Tama ba ang narinig ko? Ikaw ang nagpangalan sa akin nun? P-paano?"

"Nung naramdaman kong ipinanganak ka lumabas ako ng yungib na ito na nagsilbing tahanan ko ng isang siglo. Kasama si Emil at gamit ang bertud bilang tangkaw ko upang mahanap ka naghanap kami para sa isang paglalakbay. Anong gulat nung natagpuan kita... Sa labas lamang ng bukana ng bundok na ito. Kung sino ang nagiwan sa iyo, kung gaano katagal ka nang naruroon, kung paano ka napadpad doon ay ang sanggol na ikaw na parang inosenteng naghihintay sa aking pagdating ay isang katanungan na bumabagabag pa rin sa akin hanggang sa ngayon. Nagkataon lang o sinadya, tingin ko isa ito at tinakda ng tadhanang mangyari. O itinadha ng bertud."

"Kung ganun, ang aking magulang... Hindi nyo alam kung sino?" maharan kong tanong.

"Ikinalulungkot ko, ngunit wala akong alam na impormasyon ukol sa kanila." umiling sya. "Ngunit nung nakita kita isang damdamin ang numukal sa aking puso. Itinuring kitang anak. Dahil ako na siguro ang pinakamalapit bilang ama sa iyo. At nakita ko rin sa iyo ang aking anak na pumanaw." nakangiti nyang pagamin sa akin. Nakaramdam ako ng init sa dibdib ko.

"...Mukha rin akong patay ganun?"

"Sasampalin kita."

"Wag po papa."

Parehas kaming kinilabutan. Never again.

Nais ko sanang tanungin sya tungkol sa anak nya ngunit tila ayaw nya itong pagusapan. Hindi rin naman ito nabibilang sa mga dapat kong malaman kaya hindi ko na isinulong.

Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon