"Sigurado naba talaga kayo sa gagawin natin? Pag nalunod tayo mababasa tong mga gadgets at laptop ko." Paninigurado ni Tifa.
"Wag kang mag-alala, pag nalunod tayo, di lang yang gadgets mo poproblemahin mo. Saka kaya nga bumili tayo ng ziplock bags para dyan diba. Pero seryoso Jazz, di ba delikado to? Di ako marunong lumangoy." Tanong ko.
"Sino ba? Manok ako, di ako bibe. Maligo nga di ako gaano marunong, lumangoy pa kaya? Pero wag kayong mag-alala, ligtas yan(ata)... Saka nandyan naman ang binibini para sagipin tayo pag may nalunod."
"Pass. Kung malulunod kayo, do it yourself, wag nyo akong idamay. Hassle pa kayo sakin." Sagot ng masungit.
Malunod yourself? Bago yun ah.
Nasa gitna kami ng Crater Lake, o yung lawa sa bunganga ng bulkang taal. Nakasakay kami sa bangkang de motor na nakahinto kung saan may liwanag na nagmumula sa ilalim ng lawa.
Kung nagtataka kayo kung paano kami napunta run at bakit? Teka simulan ko.
Dumating kami sa Tagaytay nang magtatanghali na, na ayon kay Jazz ay masyadong maaga. Maaga ng kalahating araw to be exact. Hatinggabi pa raw kasi namin magagamit ang lagusan.
Dahil puyat, umarkila kami ng kwarto na pinarerentahan sa gilid ng Picnic Groves(maraming agent na magaalok sa inyo papasok pa lang). May sariling kwarto ang mga babae at lalake, na panigurado di kinaaliw ng dalawa. Yung sa amin ni Jazz, ok na sana eh, kaso imbes na humilik, tumitilaok sya sa pagtulog. Sarap kurutin sa esophagus eh.
Dahil may oras pa pagkagising namasyal muna kami (yehey) sa People's Park, na dating raw Palace in the Sky. Maganda naman, kung di mo lang papansinin yung mga parteng napabayaan na mula nung napaalis si Marcos. Pati na rin yung mga nageextort para bumili ka ng harinang may konting espasol.
Pagbalik sa Picnic Groves, namili kami ng pagkain at nagpicnic nga run sa isa sa cottage na nasa parang hagdanan pababa. Ang sarap ng kain namin nun habang tinitignan ang magandang view ng taal volcano, hanggang sa maalala naming di pala kami nagpunta run para magsyesta.
Pagdating ng hapon lumapit kami sa isang guide na madadala samin sa Taal Volcano. Sumakay kami ng bangka at pagdaong sa isla na nguso ng bulkan, sumakay naman kami ng asno(donkey) na kasama tour package namin paakyat. Pagdating sa tuktok, natulala ako.
Isang kagilagilalas na tanawin ang bumulaga sa mata ko.
Napakaganda ng lawa sa gitna ng luntiang islang kinatatayuan namin. Para kaming nasa paraiso. Makapanindig balahibo sa kariktan.
"Dun manggagaling ang guide natin." Turo ni Jazz sa nagiisang maliit na isla sa isang bahagi ng Crater Lake. Vulcan Point ang tawag sa islang yun.
Marahan kaming bumaybay pababa hanggang marating namin ang pampang kung saan may nakadaong na mga bangka.
"Ano nang gagawin natin? Pupunta tayo sa isla?" Tanong ko.
"Hindi. Maghihintay tayo." Sagot nya habang tinitignan ang paglubog ng araw.
Nung una ayaw pa kaming iwan ng gabay namin, sino ba namang tour guide ang papayag na iwan ang kliyente nya? Ngunit nang kausapin sya ng tresurer naming si Makie, ngiting aso nya kaming nilayasan. Teka, paano ba ngumingiti ang aso?
Sumilong muna kami at nagpalipas ng oras hanggang lumubog ang araw at tuluyan nang maggabi. Muntikan na akong makatulog nang bigla dumating ang hinintay namin.
"Ayun!" Turo ni Jazz sa may kalayuan.
Napatayo ako at kinilabutan sa nakita ko.
May lumulutang na bolang apoy na nagmula sa Vulcan Point.

BINABASA MO ANG
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)
FantasíaAnong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na...