KABANATA IV - Ang Mabahong Aso, BOW!

13K 822 74
                                    

Ang unang nararamdaman ng istudyanteng nagka-cutting classes ay tuwa at excitement, dahil nakatakas sya sa responsibilidad at mga gawain sa eskwela. Para syang bilanggong nakatakas sa kulungan. Kulang na lang halikan nya ang sahig sa tuwa. Hindi ganoon ang naramdaman ko. Sa katunayan wala akong naramdaman, ni hindi ko alam kung saan ako pupunta, ang mahalaga lang ay makatakas ako sa naglulunduang biceps ni Tagurp at kay Tifa.

Si Tifa. Ano na kayang ginagawa nya? Katulad ko rin kaya syang nagiguilty? Ngayon lang kami nagtalo nang ganoon. Paalis na kaya sya ng canteen o naka alis na? Paano kung magkita kami sa labas?

Iwinaglit ko na lang kaagad sa isipan ko si Tifa. Nakalabas ako ng iskul at dapat kong gawin ang normal na ginawa ng katingero, ang magbunyi't magdiwang. Kaya nagdesisyon akong magpunta sa pinaka malapit na lugar kung saan pwede kong gawin yun. Sa Mall.

Inubos ko ang oras ko sa panonood ng sine na hindi ko rin  naenjoy dahil may katabi akong napakasarap sakaling spoiler na kinukwento ang mangyayari sa katabi nya at isang lalaking nakikipag-telebabad na para nasa sarili nyang home theatre system siya at walang kasamang manonood. Pagkatapos ay bumili ako ng pabango -- na sabi ni Tifa dati ay sobrang tapang na sabi ko naman ay sapakin nya kung natatapangan sya at naangasan --. nag-arcade, nag-feeling guitar hero, nag basketball shooting game, at nagwindow shopping.(although di ko alam kung bakit window shopping tawag dun, hindi naman ako nagshopping at lalo namang walang window, puro pinto at glass wall lang.). Nung nagutom ako nagpasya akong bumili mcdo sundae and fries at kumain ng jolly hotdog sa jollibee. Para sakin mas masarap kasi ang sundae at fries ng mcdo, at saka trip ko ring kumain ng mcdo sa jabee, makapang-asar lang.

Nung kumakain na ako may nakita ako sa labas na pumukaw ng atensyon ko. (nasa jabee ako na nasa gilid ng mall kung saan may pintuan tagusan papasok ng mall at nakikita mo ang mga tao sa labas dahil sa glass wall). Dalawang batang kalyeng tingin ko ay magkapatid, isang batang lalaking nasa walong taon na nakasuot ng maruming sando na may desinyong na Marimar at pulang bag at isang batang babae na nasa limang taon na nakasuot ng bestidang hindi nya sukat. Kitang-kita sa itsura nila ang gutom, ang nene pa nga ay nakapikit na parang nilalanghap ang amoy ng pagkain maibsan lang ang kalam ng sikmura. Pero kahit gutom sila hindi sila kumakatok sa salamin para manlimos o manghingi tulad ng ibang batang kalye. Ilang saglit pa hinatak na ng kuya ang babae palayo, kita sa lungkot sa mukha ng nene. Bago pa man sila makalayo ay hinabol ko na sila.

Malapit ang puso ko sa batang gaya nila, marahil epekto narin 'to ng pangungulila ko sa magulang. Tila gusto kung maging pansamantalang magulang sa tulad nila para kahit papaano maramdaman nilang hindi sila nagiisa. Kaya naisipan kong ayain silang saluhan ako sa pagkain, tutal wala naman akong matinong pagkakagastusan pa ng allowance ko.

Nung una ay natakot ang mga bata, ang nene pa na ay nagtago sa likod ng kuya nya, pero nang tinanong ko sila kung gusto nilang kumain kasama ko, dalawang napakatamis na ngiti kasabay ng di mabilang na tango ang nakuha kong sagot. Doon ko napansin na mali ang akala ko sa batang babae, hindi sya nakapikit para amuyin ang pagkain, nakapikit sya dahil bulag sya. Nakaramdam ako ng kurot sa puso.

Matapos akong makipagtalo sa security guard at tumawag ng manager para maipasok ang dalawa, nakabalik din kami sa mesa ko at naorderan sila ng dalawang chicken-spag, softdrinks at sundae. Bakas sa kislap ng kanilang mata ang tuwa habang nilalantakan ang pagkaing parang doon lang nila natikman. Na marahil ay doon nga lang nila natikman. Nakaramdam ako ng init sa dibdib nang sinubuan ng kuya ang kapatid, na-touch ako. Mabuti na lang talaga at inaya ko sila.

Sa buong panahong kasama ko sila tanging iling at tango lang ang sagot nila sa mga tanong ko. Kahit ang pangalan nilang paulit-ulit kong tinatanong, hindi nila ibinibigay. Ang hula ko ay ayaw nila magkwento ng anumang bahagi ng buhay nila. Nakakalungkot. Anong hirap kaya ang pinagdaanan nila para maging mailap sila sa tao. Ang dapat sa batang nasa edad nila ay ang mamulat sa buhay na puno ng ligaya at pagmamahal. Naisip ko tuloy na napakaswerte ko at may Tita Dora na nag-alaga sa akin, kung hindi ay siguro hindi kami nagkakalayo ng buhay ng dalawang batang ito.

Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon