"Ikaw ang bahala sa kaliwa, ako na sa kanan." Mahinang bulong sakin ni Makie. Sabagay, may malakas bang bulong?
Mukhang sila pa lang ang nakapansin samin, hindi pa sila tumatawag ng iba. Marahil di rin nila inaasahan na may tao sa pwesto namin. Isang pagkakataon yun para patumbahin sila nang di parin mamamalayan ng iba na nandun kami.
"Sige...... Pero sang side nga yung kaliwa?" Tanong ko. Hirap ako sa left and right minsan eh haha.
Nirolyo nya ang mata nya. Singbilis ng kidlat na hinawakan nya ang katawan ng sibat sabay tayo, umikot at yumakap ang mga binti katawan ng nasa kanan mula sa likod. Nag-sleeper hold sya sa leeg nito. Hindi makahinga sa sakal ang lalaki.
Kasabay naman nito nagulat yung katabi nya kaya minabuti kong agawin at itapon ang sibat nya. Sinuntok ko ito pero mas alerto sya kumpara sa kasama nya kaya nakailag ito at nakaganti. At magsimula ang umaatikabong palitan namin ng aksyon.
Pero unti-unti bumagal ang kilos namin hanggang tuluyan kaming huminto.
Nakatingin kami sa kasama nya na napaluhod na habang sinasakal parin sa akap ni Makie.
"........Pre di ba tayo maglalaban?" Tanong ko habang di umaalis ang mata ko sa dalawa.
"........Mamaya na siguro kapatid. Nanonood pa ako eh." Wala sa loob na sagot nya.
".........Sangayong ako dyan." Lunok laway na sagot ko.
Kahit nakikitang nahihirapan yung lalake sa kanyang sitwasyon, nakipagtagisan pa sya ng tingin sa aming dalawa. May ningning sa kanyang mga mata na naiipunan ng luya ng kagalakan. Nakuha pa ngumiti at mag thumb's up bago tuluyang mawalan ng malay. Niluwagan na ni Makie yung akap.
"A-ako naman!" Nanginginig na sabi nung lalaki habang aktong papalapit sa diwata. Pinukpok ko sya ng arnis sa ulo. Gagu sya. Balak pakong unahan.
"Dali, hatakin natin sila at itago sa damuhan habang wala pang nakakapuna sa atin." Utos nya.
"Ok." Pagsangayon ko habang hinahatak silang dalawa. Ganun yung bersyon nya ng 'hatakin natin'. Ako maghahatak at sya moral support.
"Wala ka nabang ibibilis pa dyan?" Reklamo nya.
"Wow hah. Kung tatanungin mo ako speed of light na itong kilos ko..... Kung gusto mo ng mas mabilis pa, but di muna tayo humingi ng tulong sa kanila." Turo ko sa harap.
May apat na lalaking nakakita sa amin. Napapunas ng mukha si Makie sa inis.
"HOY! ANONG GINAGAWA NYO DYAN?!" Sigaw nung isa.
"Ummm... Wag nyo kaming pansinin. Pusa lang kami." Sagot ko.
"................."
".......Meow?"
"TAGUMPAY YANG MGA YAN!" Sigaw nung isa pa. "HULIHIN SILA AT ○○○○ SA ○○○○"
"Pakyu! Walang ganyanan!" Sigaw ko.
Sumugod silang lahat sa amin na may pakay na wasakin kami. Siguro nabagot sila na walang aksyon sa kampo nila kaya natuwa sila sa aming pagdating. Kung aksyon ang hanap nila, nagkamali sila ng tutunggalian.
Nagpakawala ng mga kutsilyo si Makie at tumusok ito sa lupa dahilan para matalisod at gumulong ang isa habang nahatak nya pabagsal ang isa pa. Napalingon yung dalawa sa gulat, ginamit ko yung pagkakataon na yun para salubungin sila at hambalusin sa bodega ang isa. Bumaluktot ito at namilipit sa sakit.
Aatakihin ko na sana ang isa pero batid nya na ang presensya ko kaya inunahan nya akong undayan mula sa taas ng hawak nitong bolo baliktad ang talim. Nasangga ko ito pero tinutulak nya ito pababa. Kung katawan at pwersa ang paguusapam dehado ako sa kanya, kaya naman nagulat ako nang biglang nawala ang pagpwersa nya at bigla nalang tumumba. Kinarate chop pala ito ni Makie sa leeg. Ganun din ginawa nya sa isang lalaking tumatayo mula sa pagkakadapa.
BINABASA MO ANG
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)
FantasyAnong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na...