Ti Biag ni Lam-ang
'Ang Buhay ni Lam-ang'
Isang lumang epiko tungkol sa isang magiting na mandirigmang mula isilang ay biniyayaan na ng kakaibang lakas at kapangyarihang ginamit nya upang lipulin ang masasamang tao, halimaw at elemento.
Kung tutuusin marami nang mga pahiwatig.
'Liam Angara Store' -ang paobyus na pangalan ng tindahan na tumutukoy sa pangalan nya na napaka lame.
Ines(Kannoyan) -ang magandang asawang nakuha nya sa matinding pagsuyo. Gaano katindi? Niregaluhan daw nya ng mga bangkang puno ng ginto at kayamanan. Beat that!
Ang mahiwagang aso at tandang - mga kaibigan nyang kasama nya sa pakikibaka. (Rocky at Blues ang pangalan nila. Jazz naman yung bantam. In fairness astig pangalan nila, napagisipan di gaya nung pangalan ng tindahan.)
Ngipin ng buwaya - mula sa buwayang ginapi ni Lam-ang gamit lamang ang kamay nung naliligo sya sa ilog. Nagsisilbing agimat laban sa kapahamakan.
Ulo ng berkaran(yung nasa taas ng pinto) - isang uri ng isdang mala pating na minsang pumatay kay Lam-ang. Nabuhay sya muli sa nang ipunin ni Ines ang mga buto nya(na honestly para sakin ay nakakadiri), binalot sa seda, at dinasalan ng tandang at aso.
Pagkatapos niresbakan nila yun berkaran, gagu raw eh.
Mababasa mo lahat ng yan sa libro o sa internet kung wala kayong pambili o tinatamad kayo tumambay sa National BookStore. Medyo iba iba lang ang mga bersyon pero sa kabuuan pareparehas lang ang kwento.
Ang hindi mo lang mababasa run ay ito:
Isang Napili si Lam-ang at ang lahat ng kapangyarihang ipinamalas nya ay dahil sa naging tagapangalaga sya ng isa sa mga bertud.
Nalaman ko yan nung kinukunpirma ni Tifa yun kay Lam-ang. Mukha ring nastarstruck siya, sabagay sino ba naman makapagiisip na makikilala namin ang sinasabing pinakamagiting na mandirigmang nabuhay sa Pilipinas.
Correction. Nabubuhay parin pala.
Naging imortal daw sila ni Ines dahil sa gantimpala ng isang diyos sa kagitingang ipinamalas niya.
Pero di tulad ng asawa nyang napanatili ang kagandahan sa loob ng ilang dantaon, mula sa isang makisig at matipunong madirigma, naging kahawig nya si Mang Dagul ng pugad baboy.
Kung bakit, ewan ko. Baka nasobrahan sa lechon.
Pero kung sya nga ang magiting na si Lam-ang, walang duda sya nga ang makakatulong sa amin.
"Hindi. Pasensya na binibini, pero hindi ko kayo matulungan dyan."
At iyon na nga, di nya raw kami matutulungan, paksyet lang.
"Anong hindi! Nangako kang tutulungan mo ako di ba? Sabi mo pa nga 'sa abot ng aking makakaya binibini', tapos ngayon tatanggihan mo ako?"
"Kung proteksyon ang hanap nyo mula sa organisasyon, pwede kayong manatili sa pamamahay ko kahit gaano katagal. Napapalibutan ito ng enkantasyon kaya hindi ito mapapasok basta-basta. Bukod pa run handa kaming ialay ang buhay namin para proteksyonan kayo mula sa kanila pero sa hinihiling mo, patawad binibini pero hindi ko yun kayang gawin."
Ang sinasabi nyang kahilingan na di nya pwedeng gawin ay ang turuan akong gamitin nang tama ang bertud na labis nya ngang tinatanggihan.
Pero bago yan, rewind muna tayo ng konti, mauuna yung kwento ko eh, excited lang.
Ilang minuto pagkatapos kaming ipakilala, pumasok ng main house si Ines para maghanda ng rarang na kakainin namin. Ewan ko kung ano yun, pero isda raw yun na paborito ni Lam-ang. Ok nako basta may mayonaisse. Ang magasawa aso at tandang(ang weird talaga pakinggan) ay tumulong maghanda. Pero tingin ko sadyang iniwanan lang nila kami para makapagusap ng masinsinan tungkol sa kalagayan namin.
BINABASA MO ANG
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)
FantasíaAnong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na...