"Nasabi nyo nang kung gaano ito kalaki kanina, pero hindi ko inaasahang ganyan. Higit ito sa inaakala ko."
"Hindi. Higit syang mas malaki kumpara noong nakaraang araw." Tugon ko kay Lam-ang
Ang higanteng katawang tila ahas ay bumalot sa isang bahagi ng kaparangan, pumapaimbulot sa pulang kalangitan na animo'y buhul-buhol na lubid na nais bigtiin ang dumudugong buwan. Halos dumoble ang laki magmula nung nakaarang ko itong nasilayan. Ang kilabot na nadarama ko'y tila kumalakat sa buo naming samahan. Iisa lamang ang nasa isipan.
Hindi namin ito kayang talunin.
Ang subukan ito'y tiyak na kamatayan.
Sinilip ko si Lam-ang at nakita ko ang isang ekspresyong hindi ko pa nakikita sa kaniya... Takot. Na madali niyang pinawi nang namataan niya akong nakamansid. Hinawakan nya ako sa balikat. Walang salitang binitawan upang patibayin ang aking loob. Marahil hindi rin nya ito mahanap sa sarili niya.
Ang katahimikang bumabalot sa aming kampo ay nakakahiwa, tila sapat na upang makapatay. Makapatay ng pag-asang tila baliw naming pinanghahawakan.
Walang kumikilos, lahat napako sa lupa, maririnig mo ang paglagok ng laway ng ilan. Hindi ko sila masisi, sa unang pagigikita halos sa bakunawa ay halos maihi ako sa salawal. Ngayon pa kayang nakita nila ito sa mas malala nitong anyo.
Isang malakas na palakpak ang bumasag sa katahimikan at lahat kami'y napatingin sa pinanggalingan nito.
"Ayun na nga..." Ani Noli. "Dito na tayo mamatay."
Mas lalo pa kaming napatahimik. Hindi alam kung ano ang itutugon ang bigla siyang tumawa.
"Ang papangit ninyo tignan." Bungisngis nito. "Para kayong bulateng hindi matae. Kung nakikita niyo lang ang sarili ninyo."
Sumeryoso ang kanyang mukha.
"Marahil nakakaramdam kayo ng takot, wag kayong magalala, parehas tayo. Takot ba akong mamatay? Oo. Takot mabawasan ng bahagi ng katawan? Oo. Takot na malamon nang buo ng higanteng ahas na iyo. Oo. Pero alam ninyo ang mas kinakatakot ko?" Lumingon siya sa tahimik niyang mamamansin. "Natatakot akong hindi ako ang taong makakapatay sa bakunawa."
Nagkaroon ito ng epekto sa mata ng mga tao.
"Ang karangalan na lumaban para sa inyo, ang ipagtanggol kayo laban sa manggugupo, sa kampon ng kasamaan na nais sumira sa ating pamilya, ang pagkakataong makaganti ako sa mga panahong nawalay ako sa ating tahanan, ang humarap sa imposibleng hamon at magwagi para sa inyo, iyon lang ang tangin nais ko."
"Ngunit tignan ninyo ako. Isa nalang akong balat ng kahapong nakalipas. Hindi na ako kasing lakas tulad nang dati. Hindi ko na kayo kayang ipaglaban."
May ilang bumoses ng kanilang alam na pinatahimik niya ng kanyang kamay.
"Alam kong alam ninyo ang katotohanan ng aking mga salita. Naisin ko man, sa aking kalagayan, hindi ko kayang talunin ang bakunawa. Dahil mahina na ako... Dahil ako'y magisa."
Tumingin siya nang may apoy sa mata.
"Ngunit hindi TAYO nagiisa. Narito tayong lahat, sama-sama. Sa panahong ito, walang Magdiwang, Magtagumpay, Walang-tinag, Magdalo at Magwagi. Iisa lamang ang tawag sa atin. Mga Napili. Mga Napiling tagapagtanggol ng Kanlungan laban manlulupig." Itunuro niya ang hanay ng mga kalaban. "At wala nang hihigit pang kaligayahan ang karangalan na ipagtangol ang ating lupain, ang ating mga kapatid hanggang sa kaduluhan."
"Hindi pa huli ang lahat, may panahon pa tayo. Hanggat hindi pa nakakaangat ang bakunawa sa kalangitan ng Kanlungan upang kainin ang buwan, may pagkakataon pa. Sa tulong ng ating mga bagong kasangga at mga sandatang handog nila, magbabago ang direksyong ng alon.Walang tayong nating kayang gawin kapag tayo ay sama-sama, kaya't sa pangkakataong ito tayo naman ang mangunguna, itangan ninyo ang inyong mga sandata and dalhin natin sa kanila ang gyerang hinahanap nila! Dahil tayo ang Kalungan, tayo ang mga Napili, at tayo ang magwawagi!"
BINABASA MO ANG
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)
FantasyAnong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na...