KABANATA LV - May nanalo na! Binangisan eh.

8.4K 554 249
                                    

Maraming baitang ang antas ng kabaliwan, at ang pagtalon mula sa isang malaking ibon mula sa himpapawid pasugod sa Isang higanteng halimaw armado ng malaking panghampas ay malamang nasa bandang tuktok. Taliwas ito sa sintido-kumon ng karamihan, pero si Bangis di kabilang sa karamihan. May sarili syang sintindo-kumon sa ganung sitwasyon.

Ito ay ang umatake.

Bumubulusok siya una ulo pababa, mula sa likod ay handang ipanghampas ang kanyang pikomaso(pikong may maso) ngunit napansin sya ng kalaban kaya't sa kanya ibinaling ang paghampas na samin sana tatama. Sinabayan ito ng pag-atake ni Bangis at umalatiit(clash) ang dalawa nilang sandata....

At tumalsik si Bangis.

Well, duh! Ano pabang aasahan ninyo, mawawasak nya yung panghampas? Eh mas malaki pa sa kaniya yun.

Sa lakas ng pagkakatama pagbagsak nya ay gumulong-gulong siya sa lupa tulad ni Eugene nung sinpak sya ni Taguro(hindi yung guro ko). Lumikha ito ng guhit sa lupa't hanay ng kalaban na tumalsik nung nabundol niya na parang bowling pins.

"Bangis! Tony bumaba tayo, tulungan natin siya!" sigaw ko.

"Meh..."

"Ako na yung dedepen- Huh?"

"Abala masyado kung bababa pa tayo, kung nakakalimutan mo may sumusunod pa satin."

"Pero kailangan nya ng tulong natin!"

"Hahaha si Bangis, kailangan ng tulong natin? Bago yan ah."

Naguluhan ako sa kanyang reaksyon. Nasa panganib ang kapwa nya cabeza ngunit tinawanan nya lang ito. Bakit?

Marahil nabasa ang aking isip nagsalita siyang muli. "Makinig kang mabuti Maiko. Sa Tanggulan may isa kaming di sinsambit na batas na sinusunod ukol kay Bangis. 'Kung ayaw mong madamay, wag kang makikialam'"

"...Madamay saan?" lito ko.

"Makikita mo."

Isinenyas yan ang kanyang ulo sa ibaba kung saan nakatayo ang di makakailang pigura ni Bangis na maliban sa galos ay wala man lang pinsalang tinamo. Umabot sa amin ang kanyang tawa.

"HAHAHAHA! Ang saya non! Ulitin natin!" giliw nyang sigaw sa kalaban.

"BRAAHHHHHHGGGHHUUUUU!" ngalit na sigaw ng higante na ibig sabihin sa aswanese ay 'Ermegherd, he's like sooo buhay pa! I'm like sooo butterfly in my chest na! Kaba na me! #afraidbutnotalone #YOLO4ever'

Oo nga pala, ang higante ay isang Mangingilaw(*1). Malaking mala-unggoy na mabalahibong halimaw na may mahaba't maruming buhok. Ang mga ngipin ay dumaan na sa dark ages. At tulad ng iba, nakabaluti rin siya. Na parang salawal. Armored brief. Wow, demure si kuya.

Humakbang palapit si Bangis, walang pakialam sa daan-daang halimaw sa paligid nya. "HAHAHA sabi ko na nga ba natutuwa ka rin eh, tumatawa ka diba? Gusto mo rin bang malaman kung sino sa ating dalawa ang mas malakas?"

"GRAHH?" (like, W! Whateveeer!)

"Haha sangayon ka? Mabuti kung ganun, hintayin mo lang ako-"

Pinukpok sya ng bato ng isang nakabaluting Tarabusao(*2) sa ulo. Hindi siya nagsalita habang dahan-dahang nilingon ang namukpok. Ngumiti siyang madilim ang mukha.

Sabay hinawakan nya ito sa ulo at inangat sa lupa

"Hindi mo ba alam na masamang-asal ang namumukmok ng ulo habang may naguusap? Hindi ka man lang nagpapaalam."

Ahh hindi Bangis. Hindi talaga mabuti mamukmok ng ulo sa kahit anong dahilan, kahit maging magalang pa sya.

Napupumiglas ito ngunit hindi natinag ang kamay ni Bangis hanggang sa lumitaw ang ugat sa kanyang bisig at tila itlog na napisa ang ulo nito, ang katawan ay parang telang bumagsak nang huminto ang hangin

Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon