Kapag inaalala ko ang mga pangyayaring tulad nito noon, natatawa na lang ako. Ang mga pakikipagtunggali ko kay Bon Jovi at mga ulupong nyang alagad ay parang away-bata na lang kumpara sa impyernong kinakaharap ko ngayon. Na totoo naman talagang away bata lang talaga kung pagbabasehan mo ang edad namin, (well... sure akong fourteen lang ako, sya ewan ko na lang) at ang kababawan ng pinagaawayan namin. Hindi ko alam kung bkit ang init ng dugo namin sa isa't isa, ewan ko ba, sa unang pagkikita namin pa lang akala mo matagal na kaming may hidwaan.
Una kaming nagkita nung unang linggo ko sa iskul na ito noong bagong tansfer pa lang ako.. Naglalakad ako sa pasilyo papuntang canteen kasabay ang ilan pang estudyante nang harangin ang mga istudyanteng nauna ng ilang hakbang sa akin ng isang grupo ng mga lalaking pinangungunahan ni Bon Jovi. Ang akala ko noon ay nagtatanong lang sila ng kung ano man hanggang sa kikilan nila ang mga kawawang bata ng tigpipiso. Kotong ang premyo ng umangal. Bakit? Kasi lumagpas daw sila linyang gawa sa chalk na iginuhit nila sa sahig. Mga abnormal. May ilan akong bagay na kinakatakutan, pero hindi kabilang dun ang sigang kagaya nila, kaya ang ginawa ko humakbang ako sa linya, dumukot ng barya sa bulsa bago pa man ako kikilan, sabay hinulog ko sa sahig sa tapat nila na para bang pulubi silang nanlilimos sa kalsada. Pagkatapos nagkatitigan kami ni Bon Jovi, nagkasukatan, at nang akmang magsasapakan na dumating ang isang guro para suwayin ang mga kumag sa ginagawa nilang pangongotong. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ako na ang paboritong pagtripan ni Bon Jovi. Siguro dahil hindi ako nagpapasindak sa kanya.
Isang dahilan kung bakit tumitiklop ang karamihan sa kanya ay dahil miyembro sya ng isang frat. Correction, gang lang pala. Anong pinagkaiba? Eto:
-Ang frat ay isang samahan o organisasyon ng mga istudyante o kabataan na nagsamasama para sa isang layunin, ang tumulong pamunuan ng isang paaralan o isang lipunan para sa ikabubuti ng mga istudyante at mamamayan.
-ang gang (sa pilipinas) ay samahan ng mga duwag na nagpapanggap na matapang sa pamamagitan ng pagtatago sa likod ng bilang nila, pakikipag-yabangan, pakikipag-awayan at anu pang mga bagay kadalasang di ginagawa ng mabuting mamamayan. Hindi ko nilalahat, may ilan pa rin naman sigurong gang na matino pero karamihan sa kanila ay dumadagdag lang sa problemang kinakaharap ng ating pamahalaan.
Ewan ko ba kung bakit parang nagpaparamihan sila ng mga gangwars na dinadaluhan at buong pagyayabang pa nilang kinukwento sa iba. Hindi naman nila maipagmamalaki at mapakikinabangan yun balang araw. Wala namang lugar sa biodata kung saan tinatanong kung ilan na ang mukhang nabasag nila. Nakakapagpataas lang yun ng ego, pero nakakapagpababa rin ito ng pagkatao.
Pero lumalayo na naman ako sa kwento ko eh. Nasaan na ba ako?
Ayun! Marami ngang takot sa kanya dahil sa gangmember sya pero ako hindi blah blah blah, yada yada yada. Kaya nung panahon na yun sa canteen, habang papalapit siya table namin kasama ang dalawa nyang goons, naghahanda nako para sa panibagong yugto ng epicserye naming pagbabangasan. Pero di na dapat ako nageffort dahil di ako ang pinagtutuunan nya ng pansin, kundi si Tifa. Matagal na syang manliligaw ni Tifa. Blech! Pero wala man sakin ang atensyon nya, hindi pa rin nya napalampas ang pagkakataong "aksidenteng" masiko ang likod ng ulo ko. Bwisit."Hallow miss beautiful. Kamusta araw natin ngayon?" tanong nyang parang walang nangyari. Hallow talaga ah?
"Maganda sana kaso dumating ka." yes! Ganyan nga Tifa, basagin mo ang kumag na yan para sakin!
"Wag ka namang ganyan sakin cutiepie, if i know kinikilig ka rin sakin kapag nasisilayan mo ang aking kakisigan at kagandahang lalake, hindi ba boys?" nakakakilabot nyang tugon. Kung ilalarawan ko ang itsura nya sa inyo, ang salita gwapo ay hindi kabilang sa pang-uring gagamitin ko sa kanya. Pwede siyang sumali sa feeling pogi ng eat bulaga o sa ginoong lakas ng loob pageant pero kung sa mr. pogi, malamang sa pila pa lang disqualified na sya. Matangkad sya ng kaunti sa akin, na normal lang sa tingin ko, kasi maliit lang ako, 5'5 lang ata. Lagi syang nakabrush up na mukhang naka pomada pero malamang oily lang talaga para maitago ang haba ng buhok nya na bawal sa skul. Minsan naman naka bumbu-cap sya gaya ng goons nya nung araw na yun. Bumbu-cap yung tawag ko sa cap na sinusuot para takpan lang yung bumbunan, swag daw kasi. Mukhang tanga lang. Kayumangging medyo sunog ang kulay nya at may choco na batok sya. Meron din syang colony ng tigyawat sa ilong kung saan namumuhay sila ng mapayapa at nagpapalawak ng nasasakupan. Itim na rin ang labi nya dahil sa lipstick nyang ginagamit, nicotine. Kaya Bon Jovi the Windbreaker tawag ko sa kanya minsan. Kasi kapag nagsalita sya nasisira ang natural freshness ng hangin sa paligid. Minsan naisip ko nga nakakabutas ng ozone layer ang hininga nya pero baka sapantaha ko lang yun. Overall, pangit sya. Mapanlait ba ako? Masasanay din kayo bwahahaha.

BINABASA MO ANG
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)
FantasiAnong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na...