"S-sila ang mga pambansang bayani natin! Mga Napili rin sila?!" Reaksyon kong pangfamas.
"Oo, pero kumalma ka at maupo. Ayoko nang tinititigan ako pababa."
"Huh? Ah ok paumanhin." naupo ako at kinalma ang sarili.
"Wala parin sa aking pagtanggap ang matawag na isang pambansang bayani, ginawa langamin ang nararapat." nagkibit balikat sya" pero oo Napili rin sila. Hindi ba inaasahan mo na iyon?" tanong nya sakin. Nung una hindi ko ito naintindihan hanggang sa napasangayon nalang ako.
"Pumasok na sa isipan ko yan dahil ang sabi sa akin ay ang mga Napili ay may katangi-tanging katangian... Ummm.. Parang ganun." sagot ko. "At nung nakilala ko ang Maestro Kwatro, GDP, pati narin kayo, naisip kong hindi malayo na Napili rin sila. Pero nakakagulat parin malamang tama hinala ko."
Nanghingi muna sya ng tubig sa pitsel sa may ref (oo may ref) na inabot ko sa kanya. Binasa ang lalamunang hindi sanay magamit ng ilang taon bago nagpatuloy.
"Ang herenasyon namin ang namumukod-tangi sa lahat, sumunod sa henerasyon nila Lam-ang. Mga halimaw ang mga iyon.Bawat isa amin ay may angking talento't kasanayan na magiging susi ng pagkapanalo sa gyera laban sa Organisasyon. Bukod dun, lima sa amin ang Pinili kabilang ako. Kami ang pinaka matapang, mahusay, matalino. Kaya ang henerasyon namin ay tinawag na-"
"Generation of Miracles?"
"Generation of Miracles. Huh?"
"Meron din ba kayong lihim na ika-anim na Pinili ng Bertud? Taga suporta lang ganun? Tagapasa ng bala ng kanyon?"
"Ulupong! Anong pinagsasabi mo? Ginintuang Herenasyon ang tawag sa amin."
Umakto sya na hahampasin ako pero hindi ito dumating. Siguro kasi hindi abot. Saka nakkatamad tumayo pa para lang dun.
Nagkibit balikat ako.
"Mas ok yung generation of miracles eh, pero sige lang ho tuloy nyo na yung kwento. Ay saglit, sino po pala yung mga Pinili sa inyo?"
Kumunot ang noo nya tumingin sa itaas. Sinundan ko ito ng tingin pero kandila lang ang nakita ko. Iyon pala nagiisip lang sya.
"Ako ang unang Pinili ng bertud. Sakin ang Bertud ng Katapangan. Sumunod si Pepe na Pinili ng Bertud ng Karunungan. Bertud ng Kadalisayan naman kay Mabini. Yung dalawa.... Hindi ko na matandaan, kailangan mo ba talagang malaman?"
Pinagisipan ko ito at umiling.
"Ok lang po kung di nyo matandaan, ganun talaga pag gurang--err matanda na. Hindi naman ko pa naman po siguro kailangan yung impormasyon na yun, itatanong ko nalang kay Maestro kapag nagkataon."
Matalim nya akong tinignan ngunit hindi pinansin ang kumento ko.
"Itinatag namin ang K.K.K.K. bilang isang samahan ng aming henerasyon na ang layunin ay lupigin ang Organisasyon at palayasin ang Kastila sa mayumi nating lupain. Kung bakit puro K ang ginamit namin, isinunod namin ito sa unang letra ng Kanlungan at ng mga bertud."
"Bakit naging K.K.K. nalang?"
"Nung lumaon naisip naming tanggalin ang unang K upang walang maiuugnay na kuneksyon ang Katipunan sa Kanlungan. Isa itong lihim na institusyon at pinapangalagaan naming hindi makalabas ang anumang impormasyon ukol dito. Maging ang pagiging Napili namin ay lihim. Mas lihim pa sa pagiging myembro ng Katipunan. Sa loob ng Kanlungan lahat kami ay magkakapatid ngunit sa labas na mundo, hindi kami direktang magkakakilala."
Bukod dun may naisip pa akong dahilan, ngunit baka nagkataon lang. Ang mahahalagang bagay ay madalas na nakagrupo sa tao. Tatlong kahilingan, tatlong hari, tatlong bibe, tatlong bituin sa bandila at higit sa lahat, tatlong bibe.

BINABASA MO ANG
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)
FantasyAnong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na...