KABANATA LVIII: Karibal, Kasangga, Kapatid.

10.3K 534 299
                                    

Kumaripas ng takbo ang mga wirwir sa hindi inaasahang bilis. Bilis na hindi mo makikita sa anumang hayop sa normal na mundo. Kung hindi ako nakakapit malamang nahulog na ako. Para kang sumakay sa crossbreed ng cheetah at zombing aso sa resident evil(na laging dobberman. Wala pakong nakitang zombing shitzu o chihuahua). Lumabo ang paningin ko sa umaandar na kaligiran, tanging pigura lamang ng mga tao ang aking naaninag. Paminsan-minsan tumatalon ang aking sinasakyan upang iwasan ang ibang hadlang, biglang lumiliko sa mga nagulat na nakaharang para di mabangga pero kahit minsan hindi bumagal ang aming takbo. Sa mata marahil ng mga tagapanood isa kaming kagulat-gulat na tanawin, mga mandirigmang nakasakay sa mga wirwir na parang kabayo, ang isa ay nakabalanse pa. Ang awesome siguro naming tignan. Ahihihi.

Hindi nagtagal at naabutan na namin ang hulihan ng hukbo. Nung una nagulat sila ngunit humawi sila ng daan para samin. Sumigaw kami ng mga babala sa kanila at sinubukan silang pahintuim ngunit sinagot lang nila ng hiyawan, nagalak sa akala nilang pagsama namin sa pag atake at pagdala ng karagdagang pwersa. Sa ingay hindi nila kami marinig, tulad ng mga tawag sayo ng pinagkakautangan mo. Kahit anong panaghoy namin ay tumatama lamang sa bato. Ang tanging solusyon lamang ay ang pigilan ang unahan.

Sa dami ng aming hukbo naghiwalay kami ng dereksyon, bawat isa ay pupusisyon nang palaktaw sa unahan ng hukbo upang masakop namin ang buong hanay. Kung isang parte lamang ang aming mapipigilan at ang iba'y magpapatuloy dahil hindi nasabihan mawawalan rin ng silbi ang aming pagsusumikap. Mas naging mahirap ang pagusad, iba ang sitwasyon kung napapalibutam ka ng mga tumatakbo. Para kang nakikipagkarerahan sa isang stampede. Dagdag pa roon na bawat nakakasabay ko ay kumakaway sakin na para akong teen star na nagmotorcade. Hindi ko ito kinatuwa. Nakakangalay kayang kumaway, kumindat at magflying kiss pabalik.

Nang lumaon naabutan ko ang hanay ng mga elementong residente. Medyo weird kasi iba-ibang nilalang ang mga ito, may isa pang mukhang tao pero pabaliktad kung tumakbo na parang nakashabu. Nakakailang dahil nakatinginan kami nang matagal dahil dun.

Hanggang sa nalampasan ko ang buong hukbo, napasinghal ako nang makita kung gaano na kami kalapit sa pader na wala sa isang minuto ay mahahawakan na namin ito. Sa malapitan tumambad sa akin ang kabuuan nitong mas matanggad pa sakin. Iba't-ibang katawang mistulang nagtirintasan kalamay, tulad ng nakakakilabot na kumpulan ng langgam. Tinayuan ako ng balahibo sa ideyang bawat isa sa kanila ay nagpapanggap lamang na patay, naghihitay sa aming pagdating.

Gumawa pa ako ng distansya sa hukbo at nang matantyang sapat na ang layo tinapik ko si Alistair Kingley at naintindihan niya ang nais kong mangyari. Bahagya syang lumundag at umikot sa ere, lumapag kami na nakaharap sa hukbo, sa likod ang nakakasuklam na pader, humukay ang paa nito sa pagpreno ngunit umabot parin ng ilang pulgada bago kami tuluyang tumigil. Si Ashford Fulbright na hindi lumayo sa tabi ko sa buong sandali at ibang wirwir ay sumunod sa aming ehemplo. Kumalat sila't huminto pahanay, bumuo ng barikadang haharang sa lahat ng darating. Humigop ako ng hangin saking dibdib at sa abot nang aking makakaya sumigaw ako nang buong lakas.

"IHINTO NINYO ANG PAGSALAKAY!"

Umagak ang mga wirwir at narinig ko rin ang kaparehong sigaw ng aking kasamahan sa kabilang panig. Hindi agaran ngunit umipekto ito,  bumagal ang hukbo hanggang tuluyang tumigil. Bakas sa mukha ang mga tanong at pagtataka samin kinilos. O sa kung bakit tunog pato ang mga asong malnourish.

Habul hininga akong humarap sa kanila ngunit naubos ang aking hangin sa pagsigaw kaya't hindi ko mahanap ang aking boses. Ilang segundo segundo pakong humangos hanggang nagsalita na ang isang lalaki sa hukbo.

"Mga kasama, narito ata ang kumandante upang bigyan tayo ng talumpati! Talumpating nunukal ng katapangan sating mga kaluluwa, tutubog ng ginto ng kagitingan sating dugong dadaloy sating mga pusong gutom sa paggupo sa mga tampalasang nangangahas yumurak satin tahanan at sariling buhay. Narito ang walang kasing buong loob nating pinuno upang pangunahan tayo sating tagumpay, at samahan tayo sating kamatayan sa harap ng kabiguan. Ang ating kumandate, si Milo!"

Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon