KABANATA X - Unang Digma

11.2K 804 90
                                    

Sa itaas ay ramdam ang tensyon sa ere. Lahat ay nagaabang sa mga susunod na mangyayari. Wala pa si Ines sa kwarto pero sila Rocky at Blues ay nandun na. Si Makie nakaupo sa counter at naglilinis ng kuko gamit ang kutsilyo nya.

Nilapitan ko si Jazz at Tifa. Ang una nilang napansin ay ang Bagwis. (Na sa aking pagka-uyam, mas trip nilang tawaging Balisword) Gustong hiramin ni Tifa na kumikislap na ang mata pero di ko muna binigay. Lalo syang naglaway nung iniyabang ko kung paano ito lumiliit at lumalaki pag sinasara at binubuksan. Pero halatang nililibang lang namin ang sarili namin para di kabahan sa nakaambang panganib.

Sumitsit si Lam-ang at sumenyas na tumahimik kami, animoy nakikiramdam sa paligid. Humarap sya sa pinto at nag-diamond formation sila ng mga bata nya kung saan nasa unahan siya at likod si Jazz

"Napili." Sabi nya habang nakatalikod sa amin. "Panoorin mong maigi kung paano kami lumaban. Itatak mo ito sa isipan mo at gawin mong repleksyon sa mga laban mong darating sa hinaharap."

Tumango ako. Hindi ako makasagot. Dahil habang tinitignan ko ang likuran nya, diko maiwasang mamangha. Napakatikas ng likod nya. Yun ang likod ng isang tunay na mandirigma. Ang likod ng taong handang mamatay at pumatay, maprotektahan lang kami. Lihim akong nagpasalamat sa kanya.

Tinaas nya ang kamay nya at tinitiklop ang daliri sa pagka countdown.

Apat

Tatlo

Dalawa

Isa

BRAAGGGKKKKKK!!!!!!

Nawasak ang pintuan at mga pader. At biglang naglabasan ang mga kahindik hindik na nilalang.

Ang mga unang lumabas ay parang mga walking dead wannabees. Zombies kumbaga, complete with agnas na mukha, putol na parte ng katawan, eyeballs na naka bungee cord sa uka ng mata atbp, mas realistic lang kasi amoy patay na daga. O tao. Kasi tao sila. O zombie. Amoy zombie. Watever. Mas pormal lang sila, kasi karamihan sa kanila nakabarong at amerikana, na parang aattend lang ng SONA.

Sabagay wala pakong nakitang nakaburol na naka pang ghettos o lady gaga attire. Ang cool sana nun.

Pero malamang di sila nakaattend ng SONA, dahil sa isang matulin na taga ng kampilan ni Lam-ang naging alikabok ang tatlo sa kanila. Dahilan para mapatigil sa paglusob ang iba at magdalawang isip. Na kaduda-duda. Kasi yung ilan sa kanila literal na walang utak. Paano sila magdadalawang isip?

"W-wow... Ang galing... Natalo nya kaagad yung tatlong zombies." Kahit nanginginig tuhod sa takot, di ko parin maiwasang mamangha.

"Amalanhig(*1)." Lutang na sagot ni Tifang parang excited na excited sa nakita.

"Huh?"

"Amalanhig! Ano ba yan, di mo ba alam yun?!" Tanong nyang parang common knowledge lang yun. "Technically zombies sila. Pero dito sa Pinas, Amalanhig tawag sa kanila. Mas paborito nilang mangagat ng leeg kaysa ibang parte ng katawan. Ang good news nyan, di ka magiging amalanhig kahit makagat ka nila."

Good news nga yun. Yung mga tipong nginangatngat ng amalanhig ang leeg ko, bumubulwak dugo, tapos magtathumbs up ako at sasabihin 'OK lang ako! Di naman ako magiging zombie eh! Yahoo!'

"At yung mga yun, ang tawag naman sa kanila, Amomongo(*2)." Turo nya.

Sa bandang likuran ng mga amalanhid, may mga nilalang na mukhang crossbreed ng unggoy at ni Wolverine. Malaki, mabalahibo at mukhang mabaho. Ang itsura nila ay parang unggoy na constipated, may pang pating na mga ngipin, at mahahaaaaaabang kuko. as in mahaba, parang si Wolverine nga. O Tessa Prieto Valdez. Ang pinaka masama sa lahat, nakahubo sila. Diko na ilalarawan yung ibang parte na nakita ko, hanggang ngayon binabangungot parin ako run eh.

Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon