Sinong nagsabi na pwede mong makita ang great wall of China outer space? Tampalin nyo sya para sakin, hindi totoo yun. Paano ako nakakatiyak? Kasi nakarating na ako sa kalawakan. Sa buwan actually. Paano? Ganito lang yun...
"Isa akong mapagpatawad na dyosa, kung gusto nyo pang mabuhay pwede pa kayong tumalikod at lumakad palayo, kakalimutan ko kalapastanganan gagawin ninyo sa aking mga mumunting bayani at wala akong gagawin sa inyo. Pagisipan ninyong mabuti." pagbababala ni Mayari sa mga nakapalibot sa amin.
Nauunawaan ko ng sentimyento ng aming tagapagligtas. Kahit mga halimaw sila ang paglipol sa kanilang lahat ay magiiwan ng masamang lasa sa bibig. May karapatan parin silang mabuhay, sa aking pananaw.
Ang sagot ng mga halimaw? Dinuraan sya nung isang ongloc. Hindi ito tumama sa kanya, bagkus ay lumihis ito na parang umiwas. Deretso saking paa.
Nagkamali ako. Tapusin. Tapusin silang lahat. ARYAAA!
Ngumiti ang dyosa, nanlamig ang aking laman. "Humanda kayo," baling nya sa amin. "hindi ito magtatagal."
Bago ko maitanong kung saan maghahanda bigla nalang napako ang tingin ko sa kanyang mata. Mata nyang wangis ang buwan. Parang hinahatak ang aking kaluluwa paloob, wala akong ibang matanaw kundi ang bilugang kaputian bumubuo rito. Ilang sandali ang lumipas at ako'y napakurap, pagmulat ko'y nakatingin ako sa isang bagay na hindi ko maintindihan kung ano. Kulay puti na may asul at ilang berde't dilaw, ang ilang parte nito ay madilim. Isang imposibleng tanawin.
Nasilayan ko ang ating mundo sa bilugang bughaw nitong kariktan.
Sa sobrang ganda nito maari na akong mamatay nang nakangiti't may luha sa mata. Malalaman nyo ang pakiramdam kapag nakita ninyo ito sa field trip nyo next year. Irequest nyo yun isama sa itinerary ninyo yung outer space for research purposes.
Ang unang pumasok sa aking isipan ay 'asan ang great wall of China?'. Yep, seryoso iyon talaga, ewan ko kung bakit pero sa pagkakataong di mo inaasahan, ang utak mo minsan ay papasukan ng kaisipang di rin inaasahan. Eniweys, yung tinuro noon sa paaralan mo na ang tanging makikita mong gawa ng tao sa outer space ay yung great wall, mali yun. Makikita mo yung pyramids, mga tulay sa dagat etc, pero yung great wall, hindi. Icross out mo na yan.
Sumunod kong naisip ay kung nasaan ako at kung anong nangyari. Wala na ang kagubatan at napalitan ng mabatong puting kalupaan at kabundukan sa madilim na kalangitan. Nagulat ako nang makita ang aking tinatapakan, o sa kawalan nito. Dahil lumulutang ako. Maging ang aking masuotan tila makupad na lumilipad sa kailaliman nang karagatang walang tubig.
Hindi ko alam kung anong nangyari, pero napunta kami sa buwan.
Lumingon para hanapin ang aking mga kasamahan na nakita ko naman na katauhan ng pwet ni Jazz na lumulutang papalapit sa akin. Nakabaliktad kasi sya. Sinubukan ko lumangoy palayo pero saking pagkagimbal hindi ako gumagalaw saking pwesto kaya bago pa magvolt in ang pwet nya saking mukhd sinipa ko nalang ang kanyang tumbong niya palayo. Dun ko nakita sila Tifa na lumulutang din at tila gulat pero hindi takot. Kasi nagseselfie sya background ang planeta natin. Ang mga bata ay magkayakap na umiikot sa ere, malapit lang si Makie at Noli tila kalmado lang. Tinawag ko sila pero walang lumabas na tinig. Sa katunayan walang kahit anong tunog na maririnig. Tulad ng inaasahan, ganun sa kalawakan. Ang nakakapagtaka, dapat wala ring hangin pero hindi kami nahihirapan kahit di kami humihinga. Ang alam ko rin may kaunting gravity sa buwan pero hindi kami lumalapag sa sahig.
Ang kasagutan ay dahil kay Mayari. Maaring binigyan nya kami ng basbas upang hindi masaktan, na napatunayan ko nang makita ko ang mga kalaban.
Kung nakapanood na kayo ng pelikula kung saan sumasabog ang katawan sa outer space, o kumulo dugo dahil walang pangkalawakang kasuotan, mali yun. Ang unang nangyari lumobo ang katawan ng mga halimaw mula sa paa at kamay. Ayon kay Tifa nagkakaroon daw ang mga bula ang likido katawan at nagexpand, tawag run 'Ebullism'. Hindi kukulo ang dugo sa loob ng katawan dahil matibay ang balat(lalo na siguro sa mga halimaw). Pero may lumabas na dugo sa bibig nila, at yun ang kumulo, nasira ang baga nila nang subukang subukan pigilan ang hininga. Sa kalawakan walang pressure, nageexpand ang hangin kaya sumabog ang baga nila. Pero nakakahanga dahil di sila nawawalan ng malau. Sa tao kasi, mga 15 segundo lang wala nang oxygen ang katawan kaya hinihimatay.

BINABASA MO ANG
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)
FantasyAnong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na...