Si Daniel Padilla ay isang mapagpunyaging taxi driver.
Bata pa lang sya ay mulat na sa kahirapan ng buhay. Salat sa salapi kahit ilang maghapong magbanat ng buto sa bukirin, isang bagay na nagdudulot ng hinagpis sa murang puso ng nangangarap na musmos.
May alaga syang kalabaw magmula kabataan hanggang tumuntong ng hayskul. Ito ang kanyang matalik na kaibigan habang lumalaki. Sa katunayan nga ito ang perslab nya. Ngunit dala ng pangangailangan, naibenta nila ito para may maipantustos sa pamasahe ni Daniel Padilla pa-Maynila. Batid nilang walang mangyayari sa buhay sa probinsya, sa lupang pinangako sila makikipagsaparalan. Masakit man tinanggap nya ito nang tikom ang mata habang inilalayo ng bagong mayari ang kanyang kalabaw.
Lumipas ang panahon nasanay sya sa maingay na buhay sa Maynila. Nagsumikap, umibig, nagkapamilya, pumasok sa ibat ibang trabaho hanggang makatapak sa kasalukuyan nyang propesyon bilang taxi driver. Masaya. Pero di nawawaglit sa kanyang isipan kahit minsan ang kanyang kalabaw. Ngunit tinanggap nya nang hindi nya na mulang masisilayan ito kailanman.
Pero ang lahat nang iyan ay walang koneksyon sa kwento namin kaya wala na tayong pakialam dun. Ang totoo nyan gawa-gawa ko lang yun kwento ng buhay niya kasi trip ko lang, kaya kalimutan nyo nalang.
Saan na nga tayo uli? Ayun, sa sulat na binasa ko. Ok sige eto na yung karugtong.......
♡♡♡♡♡♡♡♡
Hindi ako makapaniwala sa aking nabasa.... Err... Sige aaminin ko na. Hindi ko naintindihan yung binasa ko.
Kasi hindi mabasa yung nakasulat.
"Dahek! Nakasulat na naman sa code ng Katipunan! Hanubanamanyankuyaaa~!" Reklamo ko.
"Anong code?" Tanong ni Tifa. Ipinakita ko sa kanya yung liham na tulad ng plake ng monumento ang pagkakasulat.
"Kita mo yan? Code yan ng mga katipunero dati para di sila mahuli kapag nagpapalitan sila ng mensahe. Ganun din yun nasa plake kanina. Akalain mo yun, itinago na nga sa tuktok ng monumento, nilagyan na ng mahika para di mapasok ng kalaban, tapos nakacode pa yung liham. Paranoid much? May trust issues ata si Bonifacio eh."
"Di ko sya masisisi, mga dati nyang kasamahan sa himagsikan ang nagpapatay at pumatay sa kanya eh. Pero dahil nasa atin yung liham nya, malamang hindi sya namatay." Kinuha ni Tifa yung liham at kumunot ang noo.
Napansin kong tumitingin samin sa salamin yung driver. Nawiweirduhan siguro sa kung anong pinagusapan namin.
"Kung nakacode yung nasa plake kanina, paano mo nabasa?" Tanong ni Jazz.
"Hindi naman ako nagbasa nun. Si Batingaw."
"Ohh?" Taas ng kilay ni Makie. "Close pala kayo? Kailan kayo lalabas para magkape?"
"Hala asa! Hindi ko close yung baliw na yun. Nagpanggap lang syang mabait kanina tapos kung anu-ano nang sinasabi. Napaka psycho.. sayko.. pisayko... basta yun, may sayad yun sa pagiisip!" Sabi ko.
"Pero gwapo sya uh." Ani ni Tifa.
Tinignan ko sya nang masama.
"What? Sabi ko lang naman gwapo sya. Actually nung una ko pa napansin yun kaso nakapormal sya nung nakaraan pero kanina, wiw."
"Narinig mo ba sabi ko kanina?! Baliw yun, may sayad sa pagiisip, mamatay tao! Anong pogi run?" Sabi ko.
"Eh bakit parang apektado ka?" Pagtataas ng kilay ni Makie. "Kaya mo bang alamin ang ibig sabihin nyan?" Baling nya kay Tifa.
"Tapos ko nang basahin kamo. Hindi naman ganun kahirap basahin tong code nila, katakatakang di sila nahuli ng mga Kastila dahil dito."
"Ano pang hinihintay mo binibini, ibahagi mo na sa amin ang nilalaman nyan." Sambit ni Jazz.

BINABASA MO ANG
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)
FantasyAnong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na...