KABANATA XXIV - Pinili

10.1K 804 132
                                    

Minsan sa buhay ng tao, haharap ka sa malalaking hamon na susubok sa kakatagan ng iyong kalooban. Idinisenyo itong maging parte ng buhay natin bilang pundasyon ng ating pagunlad bilang isang indibidwal.

Normal lang itong nangyayari. Pwedeng pagkatanggal sa trabaho, paghiwalay sa kasintahan, pagkawala ng mahalagang bagay, pagkamatay ng minamahal, 1% na battery kung kailan nagaaway kayo ni bae at sira ang charger mo, o maiharap sa isang suicide mission kung saan kailangan mong patayin ang isang dambuhalang ahas-dragon na kumakain ng tao, na balak kainin ang buwan na magreresulta sa kamatayan ng maraming tao. Oo, normal lang itong nangyayari sa buhay ng tao.

Pakyu, anong normal dun!

"Nahihibang na ba kayo?" Tanong ko.

Dinutdot ng dyosa ang hintuturo sa pisngi nya at tumingin sa taas na parang magiisip.

"Hmmm gusto mo ba talangang malaman kung paano ako mahibang iho?" Ngiti nya sakin.

"*ubo ubo* Hibang ba sabi ko? Nalilibang ba kayo kako. Libang hindi hibang, mali lang kayo pagkarinig."

"Talaga lang huh."

"Pero seryoso ba kayo? Ako? Papatayin yung Bakulaw?"

"Bakunawa(*1)." Pagtama ni Makie.

"Parehas lang yun. Kailangan ba laging precise? Pero ayun nga, paano ko papatayin yun? Baka nalilimutan nyo highschool lang ako, marami pang pangarap na tutuparin sa buhay. Ni hindi pa nga ako nagkakagirlfriend eh!"

"Malabo yan." Sabi ni Makie. Inirapan ko sya.

"Kung si BJ nga hindi ko natalo, bakulaw rin yun, paano pa kaya yung Bakunawang sinasabi nyo. Hindi ba pwedeng ikaw nalang pumatay dyosa Mayari?" Pagrarason ko.

"Kung pwede lang ginawa ko na noon pa. Pero sya yung likas na kahinaan ko. Hindi tumatalab ang kapangyarihan ko sa kanya." Paliwanag ng dyosa.

"Eh sa ibang mga dyos at dyosa bat di kayo humingi ng tulong? O kaya kay Bathala sya naman nagkulong dun sa isang Bakunawa diba?" Tanong ko. Tingin ko mas posibleng ruta yun.

Bumuntong hininga si Mayari ang winagayway ang hintuturo nya sa mukha ko.

"Si Amang Bathala matindi ang paninindigan nyang wag makialam kaya di sya tutulong. Mas matigas ang ulo nun sa diamante. Ang mga dyos naman kahit pa nasa iisang panig kami hindi ibig sabihin na magkakasundo kami. May ere sila at ang iba mayayabang, hindi tulas ko na humnle. May kanya-kanya ring pinamumunuan, wala sa interes nilang tumulong kung hindi naman sila makikinabang. At higit sa lahat, ayokong magkautang na loob sa kanila." Sabi nya. Oh yeah, humble nga. Sobra.

"Kahit kapatid mong si Apolaki, hindi ka tutulungan?" Tanong ko.

Pinanliitan nya ako ng mata sabay turo sa suot nyant eyepatch.

"Nakita mo ba ito? Sya ang gumawa nyan!"

"Sya nagtahi ng eyepatch mo? Sweet naman pala ng big bro mo eh." Sabi ko. Naimagine ko ang dyos ng araw na nagtatahi ng cute na eyepatch at nakangiti. Parang kinilabutan ako.

"Gago! Sya ang bumulag sakin!" Sigaw nya na may padyak ng paa sa sahig. "Ginawa nya yan nung nagtalo kami kung sino ang mamamahala sa mundo. Matapos nya akong bulagin saka nya sinabing maghati nalang kami, sya sa araw at ako sa gabi. Buwisit sya, kahit kailan di ko sya mapapatawad. Mamamatay muna ako bago lumapit sa kanya!" Nanggagalaiti nyang sabi sabay cross arms at nag pout.

Oo mamamatay ka naman talaga pag lumapit ka sa araw, tanga ba sya? Pero diko sinabi yun syempre. At grabe sila magmahalang magkapatid uh. Cariño brutal.

"Pero ako?!" Balik ko sa topic. "Seryoso kayo, ako?! Paano ko papatayin yun kung kayo nga na dyosa ng buwan wala magawa sa kanya? No offense po magang dyosa. Makie, tulungan mo ako magpaliwanag sa kanilang dalawa?" Hingi ko tulong sa diwata.

Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon