KABANATA XVII - Tanggulan

10.4K 723 90
                                    

Ok, para di kayo malito isa munang paliwanag.

Ang buong lugar sa ilalim ng Taal lake ay ang Kanlungan. Binubuo ito ng ilang hektaryang lupain na may kagubatan, bundok, ilog, lawa, mga kweba at mga lugar na di pa napapasok ng mga tao. For some reason, mas malawak pa ang espayong nasasakop nito kumpara sa mismong laki ng lawa.

Noong una ang konsepto nito ay para itago lang ang mga Napili sa mata ng organisasyon, pero nang lumaon naging tahanan narin ito ng mga elemento tulad ng lambana, duwente at iba pa na endangered na dahil sa pagkasira ng kalikasan. Para itong sanctuary ng mga nilalang ng ating mitolohiya. Kaya tinawag na "Kanlungan".

Sa isang parte nito, may maliit na bayan sa paanan ng isang maliit na bundok na napalilibutan ng pader na bakod. Dun nakatira at nagsasanay ang mga Napili. Sa nakita kong tatag ng depensa at tindi ng mga sandatang nakadisplay dito, kaya nitong protektahan ang Spratlys.

Isa itong base militar. Kaya ito tinawag na Tanggulan.

At nasa tapat kami ng malaking tarangkahan nito.

"SINO YAN?!" Sagot nang lalake sa likod ng pintuan matapos itong katukin ni Talas. May pattern yung katok nya. 'takatak takatak taktaktak'. Parang komersyal ng ajinomoto.

"TALAS, PANSAMANTALANG CABEZA(*1) NG MAGTAGUMPAY!" Sagot nya sa hamon.

"PASSWORD?"

Nagkatinginan kami ng mga kasama ko. Iisa ang iniisip. Need naming makabisado ang password na yun para sa future reference.

"NAKABAPAGPABAGABAG ANG BANGGABANGGANG PABAGABAG NG BAGANG NG KABABALAGHANG BUMABAGABAG NA NAKAKAPAGPABAGABAG!" Sagot ni Talas.

..........

.............

.......................

Binatang ina! Ano raw?!!! Paano namin makakabisado yun na di magseself destruct yung dila namin? Watdahek.

"...ANO RAW?" Tugon nung nasa pinto.

"WALA! WALA NAMANG TAYONG PASSWORD DIBA? SIPAIN KITA EH, PAPASUKIN MOKO LANGIB AT MAY MGA 'BISITA' TAYO!"

Walangya, pati kami nagoyo.

"Ikaw naman din mabiro, sino ba mga bisita natin? Bagong Napili?" Sabi nung boses habang binubuksan ang pinto.

Tulad ng inakala ko, base narin sa boses nya, batang lalaki ang humarap sa amin. Siguro mga 9-10yrs old. Nakasuot sya ng uniporme ng gwardya sibil, complete with helmet at bayonetang malaki pa sa kanya. Payat lang sya kaya maluwag ang suot nya. Para tuloy syang sampayan na may hawak na panungkit.

"Magandang gabi! Saang balangay kayo?......" bati nya sabay tingin sa likod namin." Teka, asan ang Gabay nila?"

"Wala. Pinadala raw sila rito ni Maestro Lam-ang."

"Wehhhhh? Di nga?" Manghang sabi nya.

"Yah. Pupunta na nga sana kami kay Maestro Kwatro para iharap sila. Kaya ang mabuti pa mauna kana run para masabihan si GDP. Magutos ka nalang papalit sa pwesto mo rito."

GDP? Sino yun? Kpop group?

"O-oo sige, maiwan ko muna kayo."

Umalis na sya na di halos umaalis ang mata sa amin.

At bumalik din makalipad ang ilang hakbang.

"Ummm...  Cabeza, may balita ba tungkol kay..." bulong nya kay Talas.

Umiling lang ito at kita kong nalungkot yung bata. Nagpaalam ulit ito at lumayo na uli.

"LANGIB!" Biglang tawag ni Talas" Wag kang gaanong maingay sa iba. Ayokong gumawa ng eksena, baka malaman pa ito ng ibang Cabeza. Lalo ng Punong Cabeza."

Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon