KABANATA XXXII - Piging

12.2K 767 451
                                    

Kung ang pagkatalo ay isang purgatoryo. Ang awa naman ng kalaban ay isang uri ng impyerno. Yun ang dahilan kung bakit pinili kong di lumingon sa aking likuran. Hindi nila kailangan ng simpatya ng taong tumalo sa kanila.

Sana lang magsilbi leksyon sa kanila ang pagkatalong yaon. Minsan kasi, ang taong nasa tuktok na ay nakatingin nalang sa ibaba, dahilan para maging maliit ang tingin sa mga taong papaakyat palang.

Sana lang matuto silang umahon muli, nang hindi umaapak sa iba para maka-akyat, bagkus ay matutong suportahan ang iba para sabay marating ang tugatog.

Binaybay namin ang kagubatan pabalik, ang destinasyon namin ay ang tunay na kampo. Naging madali ang daan pabalik, kapansinpansin na kumonti ang mga hayop na nadadaanan namin. Siguro kasi prime time na at nanonood ng teleserye. Saglit lang ang paglalakbay namin, diko alam kung bakit. Minsan kasi mas mukhang mabilis ang byahe/lakad pauwi. May psycholo.. saykologi.. psisaykolidyi... Psicho..... Basta yun, may kinalaman sa pagiisip daw yun.

Ilang minuto mula sa kampo nagpaalam na sa amin si Mayumi bago pa man din sya makita ng mga kasamahan namin. Humalik sya sa pisngi ni Makie at may binulong sa kanya. Tumingin sila sakin sabay nagtawanan.

Bwisit lang.

Lumipad sya papalapit sa akin at gamit ang hintuturo at hinlalato tinuro nya ang mga mata nya at mga mata ko. Universal signal para sa "im watching you." sabay kiling ng ulo nya kay Makie.

Hindi ko nagets yung sinasabi nya pero parang "bantayan mo sya uh." Na medyo parang baliktad kasi si Makie kadalasang nagbabantay sakin. Tumango parin ako bilang pagsangayon para mabawasan lang ang kunot sa noo nito. Nagulat nalang ako nang humalik ito sa pisngi ko bago lumipad papalayo.

Naiwan akong nakahawak sa aking pisngi habang si Makie naman ay naglalakad na. Saglit pa ay sumunod nako sa kanya.

Gravity. Yung first kiss ko kay Taylor Swift. Kasing laki nga lang ng sausage, pero rak na rin yun.

Ang pagsalubong nila samin sa kampo ay di matatawaran, para kaming umuwing may bitbit na karangalan sa ating bansa. Karamihan ay tumalon at dumamba sa akin sa kagalakan, yung iba tatalon din sana kay Makie pero nagdalawang isip nung tinutukan sila ng kutsilyo. Sa huli nakuntento nalang sila na magpasalamat ilang dipa ang layo sa kanila.

Magkahalo ang emosyon na nadarama ko. Kakaibang saya dahil hindi man kami ganun kalapit sa isa't isa yung tungo nila sakin ay isang nagbabalik bayang kapatid. May ilan pang naiiyak sa kagalakan. Wala akong kalapit sa paaralan namin ni Tifa, masasabi ko pang ayokong makihalobilo sa kanila. Pero sa Balangay ko, walang masidlan ang saya sa aking puso sa pagtanggap nila sakin.

Sa kabilang banda, naiirita rin ako. Sa sobrang lundag kasi nung isa(kung di ako nagkakamali Cyrus pangalan nya) natumba ako at yung bakunawa jr. nya nangudngod sa pagmumukha ko, muntikan ko pang makagat ang hayop. Gusto ko na sanang saksakin ng Bagwis eh buti nalang umalis.

"Daig mo pa hero's welcome ni Pacquiao uh." Ngiting pagbati sakin ni Tifa na bahagyang nakaupo sa tabi ko.

Gulo-gulo ang kanyang buhok nya at may putik sa ibat ibang parte ng mukha't katawan. Akala mo napaaway. Which is totoo naman.

"Pwidi piro dipindi." Sagot ko. Pinaalis nya muna yung mga nakadagan sakin sabay kuha ng kamay ko para itayo.

"Kamusta sa inyo. Di ba kayo nahirapan?"

"Ok naman, wala namang gaanong happenings. Naagaw lang namin yung mga watawat nila. Kayo?"

"Ayun, sakto lang. Nanalo lang naman tayo."

Nagtinginan kaming dalawa sabay humagalpak sa katatawa. Parehas kaming dumaan sa hirap para manalo, at para kaming nabunutan ng tinik sa pagkikita naming yun.

Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon