"Kumandante."
Nagbunga nang mainam ang pagsasanay na ginawa ko sa ilalim ni Goyong. Bumilis ang pagtakbo at humaba ang resistensya ng aking katawan. Di alintana ang mapangahas na landas ng gubat na kay sukal. Maging pagtalon sa punong nabuwal o pagyuko sa mga sanga ay nagagawa nang mabilisan at di nalalagasan gaano ng enerhiya.
Nakakasabay ako sa mga kasamahan kong Tagumpay na parang ipinaglihi sa unggoy ang kaliksihan. Nakakatuwa. Siguro dapat ko ipagpatuloy ang 100 pushups, situps, squats at 10km run araw-araw hanggang tatlong taon. Baka lalo pa akong lumiksi at lumakas.
"Kumandante!"
Pero di rin matatawaran si Tifa. Medyo makuyad(clumsy) pa ang kilos nya pero di sya patatalo sa pagtakbo namin sa obstacle course na kung tawagin ay gubat.
Sinusundan namin si Talas na nangunguna dahil sya lang ang nakakaalam ng daan. Nasa gitna naman kami banda ng grupo namin. Katabi ko si Tifa, si Makie at Jazz nasa unahan lang namin.
"KUMANDANTE!"
Nagulat ako.
"Ako ba yun?" Tanong ko sa batang lalaking Aeta na tumatakbo sa tabi ko.
"Opo kumandante. Sabi ni Cabeza Talas yun daw ang itawag sayo dahil ikaw ang puno't dulo ng planong magpapanalo sa atin." Sagot nya.
Adik talaga yun si Talas. Di man lang ginawang 'Your Majesty' o 'Oh Great Ruler' para mas pang masa.
"Oh ano yun Raul, may sasabihin kaba?" Tanong ko sa kanya. Bilang isang ganap na Tagumpay, inalam ko talaga ang pangalan mga kapatid kong kabalangay. Para mas madali isagawa ang plano. Tanga ako kung ilang linggo na hindi ko pa rin alam ang pangalan nila.
".... Si Lito po ako Kumandante." sagot nya
"...... Ibig kong sabihin, uhmmm ano... si Raul nandyan ba?"
"Wala po tayong Raul sa Balangay natin."
"....... A-alam ko. Sinusubukan ko lang ang kapasidad at talas ng iyong kaisipan kung mapupuna mo ang pagsubok kong yun. Magbunyi ka. Nakapasa ka sa aking pamantayan."
"Ooohhh sabi ko na nga ba katangitangi kang nilalang! Salamat po! Isang karangalan na maging tagasunod ninyo!" Sabi nya sakin na kumikinang mata sa pag-idolo sakin.
Tumingin ako sa paligid, wala namang nakapansin sa usapan namin. Bwisit, nakakahiya.
"Ano yung sasabihin mo 'Lito'?"
"Ay oo nga pala! Kumandante, may sumusunod po sa atin sa likod! Mga Diwang nasa 7-10 ang bilang nila at armado ng mga sibat!" Ulat niya.
Anak ng putong may buhok sa loob. Inaasahan ko na na aatakihin nila kami, pero hindi ganoon kaaga. Hindi umipekto sa kanila yung sabayang pagbigkas namin. Tsk.
"Puntahan mo si Talas at sabihin mo sa kanya ang inulat mo, at sabihin mo magmadali sa kampo, bawat segundo mahalaga. Gagawan nalang namin ng paraan ang mga bisita natin."
"Opo." Binilisan nya ang pagtakbo at pagsingit sa hanay nang nauna.
Hinanap ko sa paligid si Jazz at Makie para makatulong pero sa dami namin hindi ko sila masulyapan. Sa likod nakita ko nga ang mga salarin, matitikas ang katawan na trademark ng Diwang pero wag kang palinlang. Kahit sa pangangatawan nila nagagawa pa nilang humabol samin at pumorma na parang ibabato ang... ??
"SIBAT! MAY PAPARATING NA SIBAT! UMILAG KAYO!" Sigaw ko nung naiuta kong tinaas ng mga Diwang ang sibat nila. Napalingon lahat sa likod.
"TAGUMPAY, IKA APAT NA MOSYON!" Utos ni Talas.
BINABASA MO ANG
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)
FantasiAnong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na...