Walang taong perpekto sa mundo. At kung hindi ako perpekto, mas lalo na si Bon Jovi. Ngunit hindi niya ito alam. Ang buong pangaakala nila ay isa syang nilalang na biyaya ng Bathala para sa sankatauhan. Para sa kanya sya ang goat(Greatest Of All Time sa hindi nakakaalam), at wala syang sinasayang na pagkakataon upang ipangalandakan ito. Amoy kambing siya kaya pwede narin.
"Ano ka ngayon, nganga! Akala mo ikaw lang ang may backer na diyos? Kung ikaw may diyosa ng buwan, sakin mas malakas, dyos ng araw! Inyo peys!" nagpagpag ng balikat si BJ saking direksyon. "Ayan, singhutin mo balakubak ko Maikolangot!"
"Pwe! Pwe! Tigilan mo yan, may sumasamang garapata!"
Isantabi ang kanyang pagyayabang, ang nagawa ni BJ ay isang hindi inaasahang milagro. Isang biyayang magaalis samin sa kumunoy na aming nilulubugan. Hindi ko man gustong aminin, sa pagdala niya sa diyos ng araw siya ang naging bayani ng Kanlungan.
"Inggit ka lang g@**. Ang yabang-yabang nyo pa nung umalis kayo rito pagkatapos ako rin pala ang magbubuhat sa pwet ninyo. Anong napala ng Misyon ninyo? Wala. Nagsayang lang kayo ng oras mga ul*l." pag-asin niya saking sugat.
Pumasok rin iyon sa aking isipan. Na sa pagdating ni Apolaki dala niya ang kasiguraduhan ng aming pagwagi. Sa nakita kong ginawa ng kanyang kapatid, dinala ang mga halimaw sa buwan, hindi ko lubos maisip kung gaano kataas ang antas pagkawasak na kaya niyang gawin sa mga kalaban. Hindi na ako magugulat kung kaya niya ubusin ang lahat ng ito sa isang kisapmata. Hindi ko maintindihan ang aking naramdaman. Labis akong nabuhayan ng loob sa bagong pagasang dumating ngunit sa likod ng aking utak ang panghihinayang sa pagod at hirap na aming dinanas na tuluyang nawalan ng saysay.
At sa pinakasuluksulukan ng aking puso ay ang pagkadismaya na doon lang magtatapos ang lahat. Masyadong... Anti-klimatiko?
"Kaya lumayo ka saking harapan timawa, lumuhod ka. Sambahin mo ang nagligtas sa iyo. Ituring mokong panginoon!"
"Pangitnoon? Matagal na naming alam yan. Kahit naman ngayon eh, pangitngayon ka."
"Uupakan kita kung hindi lang ako sibilisadong tao. Nagmamataas ka lang ngayon, pero dahil saking padrino, bukas luluhod din ang mga tala!"
"Wala silang tuhod."
"Shaddap! Paanoorin mo kung paano ko lupigin ang mga halimaw na ito! Apolaki, I choose you!"
Ang lakas maghamon para sa taong nagtatawag lang. Gayumpaman, ang dalhin sa digmaan ang diyos ng araw ay di makakailang kagilagilalas.
Mahirap syang tignan, hindi dahil anumang dahilan kundi dahil literal siyang mahirap tignan. Para bang kasalanan ang madantayan ng mata ng mortal ang kanyang kaanyuan. Halintulad kay Mayari, may presensya siyang nakapangliliit ng kaluluwa. Ngunit di gaya ng kanyang kapatid na mas malumanay, ang kanya'y mas mapanggiit. Tila presensya ng haring matwid at kagalang-galang na hindi maaaring lapitan. Hindi mo makikita ang edad sa kanyang mukha, ngunit sa porma nito hindi ako magtataka kung bigla syang sumayaw at kumanta ng kpop. Pero alang-alang katahimikan ng aking isipan, wag!
Baka may nagtatanong sigsig(brand) ng kotse, hindi ko alam ang model pero isa itong Aurelio. Sportscar na gawang pinoy. Move over, Sarao!
Nagsindi ito ng sigarilyo, o kung anuman ang ginawa nya(nagbaga ito nang walang apoy), sumandal sa kanyang sasakyan, humithit at bumuga ng gintong usok sa kalangitan. Walang tokshit, gintong usok. Akala ko nga fairydust eh, ang gay nun.
"At bakit ko naman gagawin yun?" tanong nito tumitingin samin.
Kununot ang mukha ni BJ. "A-anong sinasabi mo?! Hindi ba narito ka para tulungan kami? Kung paglalaanan mo kami ng iyong kapangyarihan kaya mo silang lipulin sa isang iglap."
BINABASA MO ANG
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)
FantasyAnong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na...