Nalalabing Oras:
1oras 28minutoPuntos:
WalaKampong Natanggal:
Wala***********
"Ano sa tingin mo, ok naba?" Tanong ni Talas.
Iniinspeksyon ko ang kampo namin. Nakaposisyon ito isa maliit na parang na napapaikutan ng mga puno. Nasa sentro ang gintong tarakan na pinaikutan ng mga halamang puro patusok. Ilang dipa sa paligid nito may nakapusisyon na mga tagapana na nakatago sa kahoy na nagsisilbing depensa nila. Sa sunod na hanay sa hilaga, timog, kanluran at silangan may mga mananandata na armado ng arnis ang nakapwesto sa pantay pantay na distribusyon. May mga mumunting bakod na silang taguan na gawa sa kawayan. Ang buong paligid ng kampo ay may halamang may patusok na nakapaikot. Kapag tinalunan nila ito, babagsak sila sa tagong hukaw na may putikan, pampabagal ng kilos. May ilang Tagumpay din na nakapwesto sa mga puno bilang tagamansid.
Hindi pa tapos ang kampo, may ilan pang gumagawa ng pangdepensa. Pero sa saglit na oras na ginawa ito, kahangahanga na ang kinalabasan.
"Ok na ok to. Maganda ang ginawa nyo. Siguro magtalaga ka pa ng bantay ng mismong tarakan para kung may makalusot sa depensa, sya ang haharap dito." Sagot ko.
"Sige, gagawin ko yan."
"At yung mga sulo. Patayin nyo pagkatapos matapos ang kampo." Turo ko sa mga sulong gamit nila bilang liwanag.
"Eh hindi kami makakakita?"
"Ganun din yung mga kalaban natin. Mahihirapan silang makita ang kampo natin kung walang liwanag na manggagaling dito. At mangangaso kayo diba, lamang tayo dahil mas sanay sa dilim ang mata ninyo."
"...May punto ka. May tanong ako." Sabi nya sakin.
"Ano yun?" Tanong ko.
"Si Milo kaba talaga?"
"Hindi. Ako si Alden."
"Huh? Sino yun?..." kamot ulo nyang sabi.
Malamang, madalang ang tv rito, hindi nila yun kilala. Talino ko rin eh.
"Wala... Eh yung ano, ligtas naman ba ang posisyon nun?" Pabulong kong tanong. Tumango sya.
"Wag kang magalala, nakatago ito nang mabuti. Hindi ito basta-basta makikita ng iba. Itinalago ko rin si Langib dun at ilang pang kasama nya para magbantay at magbigay ng hudyat kung sakaling may makahanap nito." Sagot nya.
Ok na ang lahat ng preparasyon para sa kampo. Ang kulang nalang ay para sa lulusob sa kampo ng Diwang, pati ang gagamitin naming pangkomunikasyon. Sakto naman ang pagdating ni Tifa na dala-dala ang mga ito.
Tinawag ko si Makie at Jazz para lumapit din.
"Ang nagawa ko ay para sa ating lima lang." Paliwanag ni Tifa hawak ang isang maliit na gadget. "Para itong bluetooth headset, mag matagal lang malowbat at nasa 4-5 kilometro ang signal na pinawawalan at nasasagap nito. Kumuha kayo ng isa." Alok nya samin.
Kumuha kami nang tigiisa at isinuot sa kanang tenga namin.
"Kapag kailangan nyong gamitin ang miktinig pindutin nyo lang ang buton sa gitna, at masasagap na ng talinig na nasasakop ng signal ang boses nyo. Yung volume nasa gilid lang." Sabi nya.
Nagtanguan ang lahat na parang singliwanag ng araw ang paliwanag niya. Gayong ako kulang nalang pasukan ng paru-paro ang butas ng ilong ko ang magpollinate sa laki nito. Wala akong naintindihan.
"Teka. Miktinig, talinig, ano yun?"
"Edi microphone at earphone, obviously." Tae, obviously? Tampalin ko sya ng diksyunaryo eh.

BINABASA MO ANG
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)
FantasyAnong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na...