May mga bagay na mas malala pa sa kamatayan.
Isa narun ang makita ang kamatayan ng mahahalaga sa buhay mo. Hindi naman ako nagsinungaling. May namatay talaga akong kaibigan. O yun yung inakala ko. Lasog na yung katawan eh, parang pusong pinaglaruan, yinurakan at itinapon. Oh wag ka ring mamamatay ha. Pero ewan ko ba, siguro dahil narin narito yung pekeng shenron (o imitashenron) na nabuhay siyang muli.
Joke lang. Alam ko kung bakit sya nabuhay. Nung may hinarbat sya sakin, ang nakuha niya ay ang hikaw ng Sarangay na nakuha ko noon Digmaan ng mga Watawat. Wala kaming ideya sa epekto nito ngunit sabi ni Makie ay itabi ko lang ito at magagamit ko ito sa hinaharap. Ngunit hindi ko na magagamit namin ito sa ganitong paraan.
Summoning Jutsu.
Pero kailangan mo pa atang mamatay o maging malapit sa kamatayan upang gamana. Hindi ko sigurado pero inonote ko yan para sa susunod si BJ nalang itutulak ko sa itaas para walang masasaktan.
Kung anu't ano pa man, nakahinga ako ng maluwag na nasa mabuting kalagayan si Talas kahit nasayang yung pangfamas acting ko. Pag naging pelikula to, deym best scene ever. Tapos si Ungga Ayala gaganap. Perfection.
Limang sarangay ang tumambad sa amin. Isang eksenang nagpahinto sa paglapit ng mga kalaban. Marahil maging sa panig ng kadiliman, ang mga sarangay ay kinatatakutan. Sino ba namang hindi matatakot, bawat isa kanila ay mukhang nagngangalit na diyablong kalabaw na matipunong katawan, mga kalamnan ay nagpuputukan na parang bagong taon na. Kulang na lang sumayaw sila sa kantang 'Jumbo Hotdog Kaya mo ba to' platinum encore edition.
"Akala ko namamalikmata ako ngunit... Mga sarangay yan diba? Hindi pako nakakakita ng ganyan karaming sarangay, mas lalo pa sa mula sa labas ng kagubatan. Mas lalong nagiging malagim ang pagsubok nating ito." Komento ni Tony.
"Tut-tut-tut, sa palagay ko hindi. Maaring hindi natin sila kakampi, ngunit hindi rin natin sila kalaban. Mas pabor ang pagdating nila satin."
"Anong ibig mong sabihin?"
Ikinuwento ko ang tungkol sa hikaw ng sarangay. Tinigyan nya ko na para akong linta na may salted caramel.
"Ninakaw mo ang hikaw ng sarangay?! Hindi ko alam kung tanga ka lang o isa kang maswerteng tanga. Mas baliw kapa sa mga naririnig ko."
"Uhmm... Salamat?.. Teka naririnig mo? Kanino?"
"May tenga ang lupa. Pero hindi na importante yun... Sa tingin ko galit parin sa iyo ang mga sarangay... Dinuduro ka nung isa oh."
Dinuduro nga ako nung nasa gitna, na palagay ko'y pinuno nila. At base sa nanggigil nitong reaksyon, na parang gusto akong sakalin gamit ang gunting-de-yero ay ang sarangay na ninakaw--err hiniraman ko ng hikaw.
"Mukhang galit na galit sa iyo ah"
"Hindi, gusto lang akong hamunin niyan ng dance battle."
Bigla kaming humandang lumusob nung bigla itong lumuhod kay Talas na masyadong tuliro upang matakot. Taliwas saking inaasahan, hindi siya sinaktan ng sarangay. Maingat lang siya nitong inamoy, binugahan saka binuhat at isinakay sa balikat. Tinignan ako nito na tila sinasabing may utang ako sa kanya.
BRAUUUGHHHHHHHHHH!!!!
Umatungal ito sa langit. Kung bakit galit ito sa langit, ewan ko, ngunit agad na sumunod na umatungl ang iba. Mga sigaw na nakakagimbal ng sinumang makakarinig.
Kasi di sila nagbeblending.
Mula sa buong paligid sunod-sunod na nadaragdagan ang mga palahaw, sa puntong maririnig hanggang sikmura.
Nakaramdam ako ng iregular na pagtibok ng puso, na kalaunay nalaman kong dagundong ng lupa na dumadaloy sa aking katawan. Lumilindol. Hindi natural na lindol ngunit pagyanig na gawa ng mga yabag.

BINABASA MO ANG
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)
FantasyAnong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na...