Ok, para hindi ninyo sabihing tamad ako, na totoo naman, ilalarawan ko sa inyo yung mga kalaban namin. Makinig kayo bata. O magbasa, wateber. May pagsusulit tayo mamaya.
Bukod kay Magellan, apat ang kalaban namin. Yung mga malignong isinilang sa pader. Nalaman ko yung uri nila matapos ang pangyayaring ito, para sa inyo iisa-isahin natin sila.
Ang una ay isang Gisurab(*1). Isang higanteng tao. Parang kapre, pero hindi mo makikitaan ng talino sa mga mata. Isipin nyo na nakahubad si Pepe Smith, ganun ang itsura nya... Uhhh wag nalang pala, burahin nyo na sa isipan nyo yun. Rakenrol.
Kung kumilos ito para syang lumabas na sa isang eksena ng Attack on Titans. Oo tama, para syang titan! At kagaya ng mga titans, mahilig din syang kumain ng tao. Yipee!
Marindaga(*2) yung nasa tabi nya. Nung una akala ko sirena ito, pareho silang kalahati isda, at katawan ng babaeng tao sa pangitaas, ang pinagkaiba nila ang sirena nanglulunod. Ang Marindaga nanlulunod, saka ka kakainin. Taotarian ang usong diet sa kanila. Matuto tayo sa kanya ng table manners mga bata.
Ang kanyang kaliskis ay makulay at matalas. At ang itsura ng babae, harinawa, kamukha ni Jessy Mendiola! Badtrip. Makikita ko lang si Jessy, amoy isda pa. Tapos nangangain pa. Literal na nangangain uh, wag kayong ano.
Sa itaas may lumilipad na Mangmangkit(3*). Isa itong nakakatakot na malaking ibon. Pero teka lang kaibigang Milo, ano naman ang nakakatakot sa isang ibon? Para sa kaalaman nyo mga bata, kakaiba ang itsura ibon na ito, kahit siguro sya hindi nya alam kung paano nya ipapakilala ang sarili nya sa unang araw ng klase. Kasing laki ito ng malaking paniki, ang ulo nito ay wangis bubuli na may pulang mala batong mata. Ang buntot nya ay mabuhok. Ang paa ay sinlaki ng sa tao at anyong pang-unggoy. Ang matindi sa lahat and dila nito ay ga-kwerdas lang ng gitara. Tipong paano ka didila ng ice cream nun?
Nakainom kana ng buko juice sa mismong buko? Isipin nyo ulo ninyo yung buko, at yung dila yung straw nya na nakatusok sa bumbunan ninyo. Natakot kana? Dapat lang.
Ang huli ay isang itim na anino na kung tawagin ay Buso(*4). Linawin ko lang, hindi sya naging bise-presidente. Medyo mahirap syang makita dahil sa dilim ng lugar pero malamang napanood nyo na sya dati sa detective conan. Sya yung itim na laging gumagawa ng krimen dun. Malamang napunta sya sa kweba dahil wala na syang raket dahil naka unli replay ang anime sa GMA-7. Kung naghahanap kayo ng forever, manood ng anime dun, forever inuulit mga episodes.
At yan mga bata, ang mga alipores ni Magellan. Nakapaikot sila sa amin. Sa gilid ng aking isipan nakaramdam ako ng kaba pero may parte sa utak ko na umaasang kapag napalibutan nila kami nang tuluyan bigla silang maghahawak-kamay at kakanta ng "heal the world" ni Michael Jackson habang nakangiti at iyon ang magiging simula ng maganda naming pagkakaibigan. Pero hindi ito naganap. Ganun talaga, may mga bagay na di itinakda.
"Sh*t." mahinang usal ni Tifa.
"Wag kang matakot binibini." alo ni Noli. "hindi ko kayo pababayaan, hindi ko hahayaang masaktan."
"Huh? Anong pinagsasabi mo? Hindi ako natatakot! Nalowbat yung digicam ko kung kailan marami-rami akong kukunan. Badtwerp!"
"Ahh... Ok." yan, pahiya konti.
Nilabas namin ang aming mga sandata at hinintay ang susunod nilang hakbang. Ngunit wala silang ginawa, hindi nila kami inatake at parang inooberbahan kami. Nakaabang din sila sa lalaki sa aming harap, tila inaabangan ang kanyang ipaguutos. Ganun na rin ang, ginawa namin.
Si Ferdinand Magellan(*5) ay pasuklam parin kaming tinitignan na para bang inistorbo namin sya sa maha bang pagtulog, na baka totoo nga naman. Tinignan nya kami isa-isa at tinimbang. Sa huli kinabahan ako nung tinuro nya kami at ibinuka ang bibig para magsalita.

BINABASA MO ANG
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)
FantasyAnong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na...