KABANATA XLVII - Supremoment of Truth

10.4K 661 228
                                    

"Ginoong Jacinto, maari ba akong magtanong?" tanong ni Tifang nagtatanong na nga, nagtatanong pa.

"...Depende sa katanungan binibini. Kung simpleng katanungan lamang ay maari. Ngunit kung tungkol ito sa misyon ninyo rito, hindi ko ang tamang tao para sumagot. Narito lamang ako bilang sundo na maghahatid sa inyo taong hinahanap ninyo." sabi ni Emilio Jacinto "Ano ba ang tanong mo?"

"Pwedeng selfie tayo?" 

"Huh?"

At iyon nga ang nagyari, duguan, luhaan, nasaktan pero nagselfie. Prayoridad bro, prayoridad. Syempre di ako nagpahuli, kahit nalulukot yung mukha ko BEAM smile parin nung nagkuhaan na ng litrato. Ang gusto pa ni Tifa, jump shot. Ayaw ko, baka maiwan yung binti ko sa pagtalon. Ang di lang nakisali ay si Makie na nagpapalobo ng bubblegum(bat meron sya nu) sa gilid. Ang reaksyon naman ni Jacinto ay para 'ok, tiis tiis lang, malapit nang matapos. Ooops wag gaanong lalapit, madumi kayo.' pero nagjajapan-japan pose.

Pag naipost ang kuhang yun, malamang may mga katagang 'bloody but happy'. Rakenrol. Parang yung kakilala mong kahit mabundol ng helicopter, magseselfie muna bago magpaospital. Kasi prayoridad. Prayoridad bro.

Matapos nun ay nasalampak na kami sa lapag at isa-isang pinagaling ng kambal, sa utos na rin ni Jacinto, ang mga seryosong sugat lamang ang pinahilum at hinayaan nalang ang hindi masyadong malubha.

"Huwag kayong laging dumepende sa kapangyarihan ng mga bata. May katumbas na enerhiya ang pagpapagaling ng kambal, delikado kung masusukol sila sa pagod sa pagpapagaling sa inyo sa lugar na ito. Limitahan nyo lamang ito sa kinakailangan." payo nya habang inaabutan kami ng kape. sya yung nagtitimpla habang pababa kami.
Tila inaasahan nya na talaga ang aming pagdating.

Tumango ako, batid ang importansya ng sinabi nya. Ayoko ring abusuhin ang kakakayahan nila kung ang kapalit nito mahirapan ang mga bata.

Tapos may napansin ako.

"Ever, anong ginagawa mo?"

"Huh? Ano sa tingin nyo? Ginagamot ko sugat ni Apò Jazz." hanuraw, Apò Jazz?

Nakapatong ang kamay nya sa ilang sugat ng kaibigan kong manok. Pero may kulang.

"Asan yung..." Sumenyas ako na parang may pinapahid sa braso.

"Anong.." ginaya nya ang senyas ko bilang tanong.

"Yung ano.. Ginamit mo nung pinagaling mo ko sa tren."

Lumaki ang mata nya sa pagkaalala. "Ahhh yung plema ba?" tumango ako. "Wala yun, di totoo yun. Nagsisinungaling po ako nun,  pinagtitripan lang kita. Soweee." pabiro nyang kinutongan ang sarili, kumindat at nilabas ang dila.

$€¤#√®©* lang. Naloko ako run uh. Ang sarap talagang bunutan ng ipin ang batang at ipasak sa ilong para makagat nya daliri nya pag nangulangot sya. Bwiset lang. Itinuon ko nalang ang aking pansin sa kape para mawala ang init ng aking ulo.

Nung nilagok ko ang kape, parang bumulwak sa akin ang lakas sa aking kalamnan. Tila napapawi ang aking pagod at namamanhid ang sakit ng katawan. Kakaiba ang sarap nito.

"....Anong klaseng kape ito?" tanong ni Tifa, na parang hindi nagustuhan ang kanyang iniinom taliwas sa reaksyon ko.

Ngumiti lang ang kanang kamay ni Bonifacio na may bahid ng... Lungkot?

"Isang espesyal na kape yan na may halong ibat-ibang halamang gamot, na nakakatulong sa mabisang paggaling ng anumang iniinda. Ang gumawa ng timplang yan ay..." saglit syang limitado. "Sa tingin ko makikilala nyo rin sya sa tamang panahon."

Pagkarinig nito'y nilanghap ni Tifa ang kape, tumikim nang konti at nilapag ito't hindi na ginalaw. Halos wala pa sa kalahati ang nababawas. Pero hindi na ito bago, sa pagkakatanda ko napaka partikular nya sa kanyang kapeng inumin kaya hindi ko na ito inusisa.

Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon