KABANATA XVIII - Silid Paharapan

9.4K 721 75
                                    

Kung nasa Hollywood lang kami, malamang naunahan ni Bon Jovi manalo si Leonardo DiCaprio ng Oscar sa galing nya umakting. Tinignan nya lang kami na parang di kami kilala, wala man lang butil ng pagkakilala sa mata nya. Para syang si Kristen Stewart magpoker face. Di hamak na mas pangit lang. Pati tuloy ako nagduda na sya nga yun.

Pero di ako pwedeng magkamali. Sya si Bon Jovi.

"B-bon Jovi?!" Tanong ko. "Anong ginagawa mo rito? Isang kang Napili?"

Bang! Binatukan ako nung alalay nya. Haring mother, may araw rin sya sakin.

"Talipandas! Gumalang ka! Hindi nyo ba kilala ang kaharap nyo?!"

"Actually kilala nga namin sya, kaya nga kami mukhang nagulat diba?" Ani ni Tifa

".....Totoo ba ang sinasabi nila Supremo? Kilala nyo ang mga taga lupang ito?" Nag-agam na tanong nya.

At ang epikong tugon ni Bon Jovi?

Wala. Tinignan nya lang kami...... Habang kalmadong nangungulangot.

Baboy. Paano namin gagalangin yan. Walang breeding.

Biglang may humahangos na lalaki ang lumuhod sa isang tuhod sa harapan nya. Payukong iprinisinta ang isang pilak na platito kung saan ipinahid ni BJ ang kulangot nya. Parang ashtray lang. O kulangotray? Pagkatapos kumaripas na palayo yung lalaki.

Nangyari lahat yun sa isang makisig na sandali.

Namesmerize ako. EPIC! Yun na yata ang pinaka eleganteng pangungulangot na nakita ko sa tanan ng buhay ko. I take it back. Ginagalang ko na sya. Sa sining ng pangungulangot.

"Hindi ko sila kilala. Dalhin ang mga yan sa Silid". Sabi nya sabay talikod samin.

"Teka sandali saan nyo kami dadalhin?!" Reklamo ko nung hinatak kami palayo.

"Saglit! Bon Jovi, kami to, schoolmates mo! Hindi mo ba kami nakikilala?"

"Oo nga! Si Tifa to oh, yung crush mo! Diba may rap ka pa nga nung isang sa kanya?"

"Tigilan mo ako Milo, sasabunutan kita sa kilikili!"

Dinala nila kami sa isang kubo medyo may kalayuan sa kumpulan ng mga tao. Pagkapasok sa loob sinara nila agad ang pintuan at kinandado mula sa labas.

Tinignan ko ang "Silid". Isang lamparang nakasabit sa taas ang nagsisilbing ilaw namin. Ang dingding ay gawa sa kawayan at nipa naman ang bubong, walang kisame. Bukod sa nagiisang pinto na nakakandado, walang nang bintana sa pwede naming labasan. May malawak na banig na sakop ang 1/4 ng silid, ang natira ay lupa na.

Hindi yun silid.

Kulungan.

"Hoooyyyy! Bakit nyo kami nilock dito? Ano bang ginawa namin?" Palabasin nyo kami!" Kalampag ni Tifa sa pinto.

"Kahit ihian mo pa yang pintuan, walang papansin sayo dyan sa labas." Sabi ni Makie.

"Naiihi ka Tifa?" Tanong ni Jazz.

"Hah?! Hindi noh! Bakit mo nasabing di ako napapansin?" Baling nya sa diwata.

Kinuha ni Makie yung isang arnis ni Jazz. Pumwesto na parang magbebaseball sa isang parte ng dingding at hinampas ito nang ubod nang lakas.

Pero walang nangyari.

Tumunog lang ng malalim na *TOG* pero wala ni isang gasgas sa kawayan. Parang humampas sa bakal ang arnis.

Binalik nya yung arnis kay Jazz at minasahe ang mga kamay nya.

"Hindi ito basta kubo. May salamangka ito. Ang nipang bubong ay di nasusunog o nabubutas. Ang mga dingding ay di kayang sirain o buksan mula sa loob. Hula ko aabot sa dalawampung metro ang lalim nang pagkakatusok ng kawayan kaya di kayang hukayin. Kahit tunog hindi makakalabas. Ito ang ginagamit na kulungan dati nung panahon ng gyera ng mga dyos at dyosa. Pasalamat na lamang tayo at may banig pang hinanda para sa atin."

Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon