"Kung titignan natin ito sa ibang perspektibo, baka ito na ang sagot sa isang misteryong bumabagabag sa atin. May mabuti ring dulot ang duelong ito, yun ang pananaw ko uh." Sabi ni Jazz habang ineescortan kami ng ilang kalalakihan sa paglalakad.
Malipas lamang ang ilang minuto pagkaalis ni BJ may sumundo na sa amin at dinala kami sa isang lagusan sa gilid ng bundok. Isang mahabang pasilyo lang ang tinatahak namin, kung saan papunta wala kaming ideya. May gag order ata ang mga escort namin kaya di kami kinakausap o pinapansin
Maliban sa ilang pagsulyap nila sa akin at palihim na pagaabutan ng butong pakwan.
Mukhang pinagpupustahan nila ng duelo namin. Gamit ang butong pakwan. Langya. Di man lang ginawang buto ng kalabasa o kasoy. Kuripot.
"Anong misteryo ang sinasabi mo?" Tanong ni Tifa.
"Yung misteryo ng mga kumakatok kagabi. Di ba ang hula may mamamatay sa atin? Malay mo eto na yun, pagkatapos ng duelo ni Milo baka magkatotoo na. Edi lutas na ang misteryo! Lutas na ang isang problema natin. Hahahaha!"
Di ko alam kung nagbibiro sya o hindi pero parang gusto ko syang idonate sa Andok's para litsunin.
"Sana nga tama ka. Pero malabo ata yun. Kahit mukhang durigista si Bon Jovi, ang kaya nya lang gawin ay baliin ang ilang buto ni Milo di naman gaanong importante, pero ang patayin sya? Tingin ko di sing halang ng mukha nya ang kaluluwa nya." Sagot ni Makie.
"Salamat sa tiwala guys. Nagbblush na kaliwang pigè ko sa puwet sa mga papuri nyo." Sarkastiko kong tugon.
Tingin ko pinapakalma lang nila ang damdamin ko bago ang laban. Sana. Pero sa dalawang ito, diko alam kung ano tunay na iniisip nila eh. Baka excited pa silang magulpi ako
"Tifa ok ka lang ba? Kanina kapa walang imik dyan uh." Pansin ko sa kanya na nananahimik sa tabi ko.
"Sabi ko sayo umihi kana kanina nung may pagkakataon pa eh." Pasok ni Jazz.
"Siraulo! Sabing di ako naiihi eh. Ipag-ihaw kita ng buto ng kasoy makita mo." Sagot ni Tifa.
"Haha wala namang ganyanan." Kabang tugon ni Jazz.
Note: deadly po ang amoy ng iniihaw na buto ng kasoy sa mga manok. Kaya wag pong magihaw nito malapit sa manok nyo, sa kapitbahay nalang.
"Nagaalala lang ako Milo. Kailangan mo ba talagang gawin ito? Kausapin nalang natin sya, susubukan ko syang kumbinsihim ule. Masasaktan ka lang sa gagawin ko eh."
"Sus ayun pa? Alam mo namang singtigas ng narra ang ulo nun. Kahit anong kumbinsi natin run, walang mangyayarin. Saka wala ka bang tiwala na mananalo ako?"
"That's a very hard question."
"Namu! Magtiwala naman kayo sakin."
"Ang tiwala ko sayo ay parang pagtitiwala ko sa kindoktor ng bus."
"Is that a good thing or a bad thing?"
"Sinasabi nyang maluwag pa sa loob ng bus, kahit may people power na sa loob."
"Hanubanamang mga kasama kayo. Imbes na ineencourage nyo ako, hinahatak nyo pa ako pababa."
"We're just being truthful."
"Truthfulin ko ilong nyo eh. Have some faith guys, kaya ko to. Hindi mababahag ang buntot ko sa ganyan. Zombie nga kinalaban ko sya pa kaya. Kayang kaya ko syang talunin. Teka ano ba yung maingay na yun?"
Napansin ko na yun. Parang ingay ng bubuyog nung una, pero habang tumatagal lumalakas, hanggang sa puntong di na maitatanggi yung ingay.
Kung ano man ang gumagawa nun, nasa likod ito ng pintuan sa dulo ng daang tinatahak namin
BINABASA MO ANG
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)
FantasyAnong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na...