KABANATA Vl - Alamat ng Napili

14.3K 842 144
                                    

"Malapit naba tayo?" Ika59 na tanong ni Tifa.

"Hindi pa." Ika59 na sagot ni Makie.

Nakasimangot si Tifa habang hinihimas ang ulo nyang kanina pa nauumpog. Buti nalang nakabonnet syang domo-kun kundi puro bukol na sya.

Suot nya yung paborito nyang itim na astoboy tee, maikling maong shorts at pink na vans nya saka yung backpack nyang malaking chopper ng onepiece. Ang cute ng attire nya, kala mo pupunta lang ng mall.

Ako naman sa pagmamadali nagpalit lang ako ng tshirt na keep calm and panic, nakapantalong pangschool parin tapos tsinelas.

Kung tutuusin almost perfect na ang lahat, nakiki 'joyride' ako kasama ang dalawa sa pinaka maganda at cute na babae ng campus. Kulang na lang mag soundtrip kami ng overdrive by eheads.

At saka oo nga pala, kung hindi lang sana kami hinahabol ng mga halimaw na gusto pumatay samin.

Halos 1hr na kaming bumabyahe (at bumabangga). Hindi ko alam kung nasan na kami pero lumagpas kami ng cubao, edsa at commonwealth.

Nung unang 30 mins medyo tensyonado kami dahil baka may humahabol samin pero after a while parang wala nang nakasunod kaya nakampante rin kami.

Unti unti ring bumalik sa normal yung paligid. I mean nagkaroon na ng mga tao at mga kotse di tulad nung parang ghost town na abandonado yung lugar.

Ang pinagtataka ko lang, hindi kami pinapansin ng mga tao kahit gulagulanit na yung sasakyan namin. Pero sabi ni Makie nilagyan daw nya ng spell yung sasakyan kaya di kami napapansin. Ewan ko kung paano nya ginawa pero malamang kinopya nya lang yun sa wards ng dota.

"Ano na, hindi pa ba kayo magpapaliwanag sakin?" Tanong ni Tifa.

"Aba ewan ko wala naman akong alam dito eh, kahit naman ako naguguluhan sa nangyayari. Si Makie tanungin mo."

Tinignan ni Tifa yung driver namin. Sumagot din naman sya after mangisnab ng 30sec.

"Wala akong dapat ipaliwanag sayo, isa pa di ka naman kasali rito."

"Yeah right, kung di mo napapansin tatlo tayo rito sa kotse, ibig sabihin kasama nyo na ako. Saka di nyo ko mapipilit umalis kahit pumuti man ang uwak at maging longhair si Pnoy."

"Long hair na Pnoy? Gusto ko makita yun haha." Natawa tuloy ako.

"Unfortunately malabong mangyari yun."

"Yahh" "tsk sayang" panghihinayang naming tatlo.

"Pero sa tingin ko tama si Tifa, Makie. Kung may nalalaman ka(obyus naman), ishare mo na sa amin at malaking tulong yun. Base sa mga nangyayari, buhay ko na ang involve kaya tingin ko karapatan kong malaman. Saka ayoko man madamay si Tifa, tama rin sya. Dawit na sya rito, saka di rin natin mapipilit yang wag makialam. Kilala ko yan, kapag gusto nya, di matitinag. Parang langaw yan, kahit bugawin mo, pilit paring dadapo sa pupu." Sabi ko.

"KORAK! Kaso paksyet lang metaphor mo." React ni Tifa.

"Wala akong maisip na iba eh."

"Shaddap!"

Tinignan ako nang masama ni Tifa. Halatang may sama parin ng loob sakin nung binanggit ko parents nya. Pero di ko rin naman alam kung anong masama sa sinabi ko. Magiguilty na sana ako, kundi lang sya naumpog nung dumaan kami sa humps. Hahahaha.

"Sige, susubukan kong ipaliwanag kaya makinig kayong mabuti Milo.... at langaw."

"Wag mo akong tawaging langaw!"

Huminto yung kotse sa red na traffic light at habang hinihintay ni Makie mag-green, hinihintay rin namin syang magkwento.

".................."

Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon