KABANATA XIII - Destination: Tagaytay

9.3K 735 107
                                    

"Ang sarap neto uh, anong tawag dito?"

Natigilan kaming lahat sa tanong ni Jazz. Walang makasagot. Pati si Tifa na balon ang tiyan, nawalan ng gana. Nung una magandang idea kumain at magpalipas ng oras sa KFC, nakaorder pako ng extra Mayo. Pero dahil sa tanong ni Jazz, tingin ko nagkamali kami ng napili.

Paano namin sasabihing baka pinsan nya yung kinakain nya?

KFC. Kentucky Fried Cannibalism?

"Errr.. ehem. First things first, ano bang dapat nating gawin? Pupunta daw tayo dapat sa... Kanlungan ba yun? Teka, ano ba yung Kanlungan na sinabi ni Lam-ang?" Paligaw na taong ni Tifa. Tinignan nya si Makie pero mukhang hindi rin nya alam ang sagot. Rare yun.

Tinapos muna ni Jazz yung paginom ng softdrinks nya. Manok style. As in tinuka nya yung baso tapos uminom nang makatingala na parang naggagargle. Grabe gusto ko nang magtago sa lamesa sa hiya.

Nasabi ko rin ba na pinagtinginan din kami nung pumasok si Jazz na nakabahag? Buti nalang may enkantasyon si Makie para di mawaksi ang atensyon ng tao sa amin. Pero nakakunot parin yung guard sa amin. Nakakahiya talaga.

"Paano ko ba ipapaliwanag... Hmmm.. Ah! Teka, pamilyar ba kayo sa kwento nung paggawa ng tulay ng San Juanico?"

"Parang alam ko yun. Yung kwento ng matatanda. Sabi nila binuhusan ng dugo ng bata para tumibay? Uso raw yun nung panahon ng kastila diba?" Sagot ni Tifa

"Yun nga. Pero hindi yun basta kwento lang. Totoong nangyari yun. Pero ang di nyo alam ay hindi basta-basta bata lang ang dinarakip nila kundi mga..." dramatic pause.

"Napili?..." sagot ko naman.

"Syang tunay! Uubusin mo paba yan? Akin nalang uh." Sabay kuha nya ng manok ko, napangiwi kami pagkagat nya. Bleech. "Ang totoo talaga nyan ay kinukuha ng organisasyon ang Napili, palabas lang talaga yung sinasabing pagbuhos ng dugo. Marahil para magkaroon ng paliwanag ang pagkawala ng mga bata. Nung panahong yun hindi na kakaiba ang nawawalang mga tao kaya mabilis itong tinanggap ng mamamayan."

"Anong kinalaman nun sa Kanlungan?"

"Sandali eto na. Sila amo, kasama ang ilang kaibigan nya, naalarma sa pagkawala ng mga batang napili, kaya inunahan nila ang organisasyon sa paghanap, pagtipon at pagtago sa kanila. Pero nung lumaon dumami ang bilang nila at mas lalo nang naging mahirap tumakas sa mata ng organisayon."

"So ang solusyon nila ay ang maghanap ng liblib na liblib na lugar kung saan nila pwedeng itago ang mga Napili, tama ba?"

"Tumpak!"

"At yun ang Kanlungan?"

"Tama!"

"Para pala itong ampunan kung ganun?"

"Hmmm pwede. Pero mas akmang tawagin itong akademya. Isa kasia itong lugar kung saan sinasanay nila yung mga Napili kung paano makibaka, para sa pagtanda nila, kaya nilang protektahan ang sarili nila at mamuhay ng normal."

Para pala itong training grounds kung ganun? Sa isip ko biglang pumasok yung napanood kong anime na may training nanagaganap. Kailangan ko pa bang magmeditate sa ilalim ng falls? Naahh..

"Teka bat parang hindi ko ata alam yan?" Nagtatakang tanong ni Makie

"Kasi nung tinatag ang Kanlungan, nawawala ka na binibini. At isa pa hindi na ito matatawag na liblib kung malalaman ng iba. Kung katulad mong dyosa ay hindi alam na may Kanlungan, dapat tayong matuwa, ibig sabihin nagagampanan ang layunin nito."

May sense. Pero ayun na naman, nawala daw si Makie before. Gusto kong itanong kung ano ibig sabihin nun pero halatang iniiwasan nya ang topic.

"Paano tayo pupunta run?" Tanong ko.

Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon