Si Jazz at ang Puno ng Mundo (Espesyal na Kabanata)

6K 310 251
                                    

Ito ay naganap ilang araw bago ipagdiwang ang Libangan ng mga bayani.

Ako ay nasa gitna ng isang sagradong Misyon.
Isang pakikipagsapalarang balot ng panganib. Paglalakbay sa lupaing hindi pa natatapakan ninuman. Upang matuklasan ang pinakaaasam na bagay na kayang ihandog ng mundo.

Ang pinakamasarap na bulate.

May kutob kasi akong matatagpuan ko iyon sa Kanlungan.

Ngunit para saan? Para kainin? Hindi, mas higit pangkapanapanabik.

Para inumin.

Hayaan mong ipaliwanag ko. Isang araw makalipas ang mahabang pagsasanay na aming isinagawa ng binibining Makie sa mga kabataang Tagumpay, nakaranas kami nang matinding pagkahapo. Mabuti na lamang at pinaghandaan kami ng inumin ng binibining Tifa, at tamaan man ako ng kidlat kung nagsisinungaling ako kapag sinabi kong ang mga timpla niyang inumin ang pinakamalinamnam sa sansinukob. Isa itong biyayang nagkatawang likido.

Ngunit ang inihanda niyang nung araw iyon ay namumukod tangi sa lahat. Walang pagsidlan ng tuwa ang aking panlasa nun akin itong natikman. Hindi ko gustong mawalay sa lasa nito kung kaya akin itong minumumog bago lagukin.

Ayon sa binibini, isa raw itong Latte.

Nung sandaling iyon dinalaw ako ng inspirasyon. Ang pinakamasarap na inumin ay nararapat isabay sa pinakamasarap na pagkain. Ngunit mas lalo na siguro kung pagsasamahin ko ito.

At doon ko nakonsepto ang maalamat na inumin na paniguradong mailalambag sa pahina ng kasaysayan.

Ang maalamat na Bulatte.

O bulateng latte.

Naiisip ko pa lamang hindi ko na maiwasang tumilaok.

Hindi ako baguhan sa kagubatan, nung ako'y sisiw pa lamang ay sinasama na ako ng aking ama sa pangangaso. Nagdulot ito ng kalituhan musmos kong isipan. Asong nangangaso? Ibig bang sabihin nanginisiw ako? Kung kaya't ang paglalakbay sa gubat ng Kanlungan ay isang gawaing kinagagalakan ko sa tuwina.

Ngunit ang Kanlungan ay hindi laging maamo. Sa bawat sulok nito ay may panganib na naghihintay. Isa itong paraiso ngunit sa taong pabaya maaring ring impyerno.

Sa pagitan ng pagsasanay at pangangaso nililibot ko ang Kanlungan. Pangunahing dahilan ay upang pag-aralan ang topograpiya nito bilang paghahanda sa nalalapit na palaro. Kasama narin rito ang pangangalap ng sangkap na maaaring makatulong sa amingn Balangay. Sa mga pagkakataong yaon, madalas kasama ko ang binibining Tifa. Ang binibini ay isang bola ng kulikuti(curiosity), lahat ng bagay ay nais nyang matutunan. Bawat halaman, hayop, tanawin na hindi makikita sa labas na mundo ay kinababaliwan niya. Sa saglit kong nakalingon ay nasa isang puno na siya, niyayakap ang isang higanteng gagamba o kinukunan ng larawan ang mga bulaklak sa bangin. Masaya siyang kasama ngunit malalagasan ako ng balahibo sa kanya, kung papipiliin itatali ko sya kay kaibigang Milo.

Ang nasasakupan ng Kanlungan ay nahahati sa ilang sektor na may iba't ibang pamayanan.
Nariyan ang Tangulan kung saan kami nanunuluyan kasama ng mga Napili. Sa paglagpas mo sa kaparangan ay maaabot mo ang Sagradong Kagubatan kung saan kami unang dumaong sa Kanlungan. Sa loob nito ay naroon ang Dambana ng Pangkalahatan kung saan sinasabing maaring manalangin sa mga dyos at dyosa ng mundo. Naroon din ang Higanteng Puno ni Punho. Paglagpas pa ay mapupuntahan ang Bundok Pangil na tila ngipin ng aswang sa talas at taas. Kalapit nito ang mga Lawa ng Nawawala

Maliban rito ay ang Panga ng Tambanokano, Disyerto Ligaw, Isla Kataw, atbp. Hanggang sa Karagatang walang Hanggan.

Ang mga lugar na yan ay tinuturing ibang bansa kung ihahambing sa mga tao. Hindi basta mapapasok nang walang kaukulang pahintulot. Kung kaya't ang aking paghahanap ay nakasentro lamang isang lugar.

Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon