"%@^#&!!! Anong nangyayari?! Wawawa waaaaaaahhhhh! Tulungan nyo akoooo!!!"
Napuno ng sigaw ni BJ ang bahagyang lumilindol na kwarto. Kasabay ng pabagsak ng alikabok sa kisame ay ang pag-angat nya pataas.
Lumulutang sya sa ere. Nakatutok ang hintuturo ni Mayari sa kanya na parang kinonontrol ito. Tapos bigla nawala ang boses nya, parang di sya makahinga. Kinabahan ako sa naganap, pero diko parin naisang magimagine. Paikot ikot kasi sya sa ere tapos buka nang buka yung bibig na walang lumalabas na boses.
Mukha syang namagang janitor fish. Natatawa ako, patawarin.
Nagkaroon ng kaguluhan nung nakita ng mga tao ang nangyari, halong pagkabigla at takot ang namayani sa kanilang dibdib nung natunghayan nila ang pigura ng nagngangalit na fyosa. Pero ang ilan sa mga taga Magdiwang ay nagawang itutok ang ilang armas nila rito kahit nanginginig sa takot.
Iba ang kilabot na hatid ng dyosa ng buwan, yung tipong di mo kayang tumitig sa kanya nang matagal dahil baka masunog ang kaluluwa mo kaya ang ginawa ng mga Magdiwang ay kahanga-hanga.
Pero maling hakbang.
Nilingon sila ng dyosa at aktong itataas ang isa pa nyang kamay. Nagtayuan ang buhok ko sa batok.
"IBABA NYO ANG INYONG MGA ARMAS!" Sigaw ng humahangos na si Lapu-lapu. "Sya ang dyosa ng buwan! Humingi kayo ng kapatawaran sa inyong inasal!"
Natauhan sila at nagkukumahog na nagluhuran sa isang tuhod. Halos lahat ng naroon ay ganun ang ginawa, bukod sa mga hindi makatayo sa upuan sa takot, sa aking grupo at sa mga matatanda sa silid.
"Mahal na dyosa, kung ano man po ang ginawa ng aking mag-aaral, ako na po ang humihingi ng despensa. Patawarin nyo na sya hindi nya alam ang kanyang ginagawa!" Marespetong pakiusap ng maestro.
"Isa syang talipandas para hawakan ang aking mukha! Nararapat lang sa kanya ang kaparusahang yan!"
"Question! Ano bang ginawa mo sa kanya?" Tanong ni Tifa na nakatutok ang camera sa nangyayari. Adik talaga yun.
Mukhang naconcious and dyosa at iniwas ang mukha sa camera. Shytype?
"Dinala ko ang kalahati ng kanyang katauhan sa buwan. Ang buong akala nya ay nasa buwan sya ngayon. Walang hangin at tunog. Isa itong malagim na parusang nababagay sa walang respetong yan!" Madiin nitong tugon.
Nagimbal ako. Walang hangin? Ibig sabihin hindi sya makahinga. Tinignan ko si BJ at nakita kong nangingitim na sya... ok, maitim talaga sya, pero mas maitim pa kumpara sa dati. Kung magpatuloy pa yun....
Aktong lalapit ako nang may humawak sa balikat ko at unahan akong lumapit. Si Lam-ang pala.
"Mawalang galang na dyosa. Sa tingin ko sapat na ang parusang dinanas ng batang iyan. Natuto na sya ng leksyon. Patawarin mo na sya, mukha namang hindi ka nasaktan sa nangyari." Sabi nito.
"ANONG HINDI!?" Sigaw ng dyosa.
Napaatras kaming lahat sa parang pwersang hatid ng sigaw nya. Ang ibay nanginginig na sa takot.
Tinuro nya ang kanyang ilong, may kulay asul na nakalitaw.
"Nung tinulak nya ako, pumasok yung straw sa ilong ko! Masakit kaya yun! Sobrang sakit! Di ko nga mahila eh! Aray... huhu." Maluha-luhang sabi nito.
Natigilan kaming lahat.
Bigla kong tinakpan ang bibig ko at tumalikod. Ganun din ang ginawa nung iba. Yung iba tumingin sa lupa, mayrong nagtago sa lamesa. Lahat kami nanginginig sa pagpigil ng tawa. Walang nangaharas tawanan ang dyosa. Pero may ilang pigil na tawa kang maririnig.
BINABASA MO ANG
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)
FantasyAnong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na...