KABANATA IX - Bagwis

11.1K 798 85
                                    

Sa harap ng tiyak na kapahamakan may kakayahan ang tao na magawa ang mga bagay na hindi nya akalaing kaya nyang gawin sa normal na sitwasyon. Napupuno ng adrenaline ang katawan nya, bibilis ang tibok ng puso, mukhang babagal ang mundo, dahilan para makagawa ng 1/10th-of-a-second-decision ang utak para iligtas ang sarili nya.

Sa ikalawang pagkakataon, nangyari sakin yan.

Nung una sa sigbin, nakailag ako sa atake nito at nabuhay ako. Pero nung pangalawa, diko piniling iligtas ang sarili ko.

Inuna kong iniligtas si Tifa.

Hinatak ko kamay nya paatras papunta kay Jazz at nasalo sya nito. Wala pa rin sya sa sarili, blanko ang mukha at parang nahipnotismo. Maging si Jazz, pilit nyang nilalabanan pero parang nasemento sya sa kinatatayuan nya. Sinubukan kong humakbang pero diko maikilos ang paa ko.

"JAZZ! BANTAYAN MO SI TIFA!" sigaw ko tapos humarap ule ako sa pintuan.

Para lang makita ang mukha ng isa sa nilalang ilang hibla lang ang layo sa mukha ko.

Sa likod nya sumunod yung dalawa sa pagpasok.

Dalawa sa kanila ay lalake, isang matandang parang ermitanyo may balbas at bigote(sya yung katapat ko), yung isa parang nasa 50's lang. At isang may itsurang babae. Dun nagtatapos ang pagkakahawig nila sa tao.

Sobrang puti ng mukha nila, parang kulay ng chalk. At napaka payat. Sa paligid ng mukha ay litaw ang malalaking varicose veins na pimipintig pa. Linya lang ang bibig nila na patuloy na gumagalaw dahil may sinasabi silang diko maintindihan. Parang ugong lang ng bubuyog na nakakapagpasakit sa ulo ko. Pero ang pinaka malala ay ang mata nila.

Wala silang mata.

As in wala. Hindi itim, hindi rin purong puti. Butas lang, parang dinukot ang mata pero nakadilat sila. Parang balon na na gusto kang lamunin nang buhay.

"jaheiwod....duaid...dhsjakd....hshsjdja.." patuloy nilang sinasabi habang pinapalibutan ako.

Hinawakan ng dalawa yung magkabilang braso ko para di ako makatakas. Mula sa malabutong kamay nila gumapang ang nakakapasong lamig. Gusto kong sumigaw pero sa lapit ng mukha nung isa sa akin di ko na tinangka. Baka kung ano pang maisip nyang ipasak sa bibig ko.

Lumakas yung boses nila kaya unti unting luminaw yung sinasabi nila kaya naintindihan ko rin. Sana hindi nalang.

"Mamamatay ka... Mamamatay ka... Mamatay ka... Mamamatay ka..." ang paulit ulit nilang sinasabi. Feeling ko tuloy galit sila sa akin. Sayang, we could be friends.

Inangat nung nasa harap ko ang isang kamay nya na may hawak itim na punyal na may nakadikit na kahinahinalang nabubulok na laman at akmang sasaksakin ako.

Pero bago nya naituloy, may tumamang gintong kutsilyo sa braso nya dahilan para mabitawan ang itim na punyal. Sumigaw sya na parang mabangis na hayop tungo sa pinangalingan ng kutsilyo.

Bago pa makakilos ang tatlo nakita kong may tumagos na bolo mula sa likod nung nasa kanan ko habang may bumali sa leeg nung nasa kaliwa. Halos sabay silang naging alikabok sa kamay nila Rocky at Blues.

"YUKO!" Sigaw ng isang malaking boses na sinunod ko naman.

Hinawakan ng isang malaking kamay ang ulo nung natitira at buong lakas itong inihampas sa sahig, sa lakas parang nayanig ang semento. Pero di pa rin ito naging alikabok. Tumayo si Lam-ang at inabot ni Rocky ang hawak nyang bolo, gamit ang dalawang kamay sinaksak nya ito sa mukha at naglaho ito sa alikabok.

Ilang segundo lang naganap ang lahat. Naintindihan ko na kung bakit sya tinawag na pinakamagiting na mandirigma.

Humarap sya sa amin.

Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon