KABANATA LXV - Kalakalang Galyon

1.5K 104 73
                                    

"Ako nga, pasensya na nahuli ako ng dating. Pero akin na muna isang paa mo, ang baho talaga nito."

"M-may pakpak ka?..." Inabot ko yung kabila kong paa.

Inikutan nya ako ng mata.

"Malamang. Manok ako. May manok bang walang pakpak?"

Pinanliitan ko siya ng mata.

"Pero hindi naman tulad ng ganyan! At saka nakakalipad kana. Paano nangyari yan?"

"Medyo mahabang kwento pero isa nakong murat ngayon."

"...Ano yung murat?"

Mula sa kung saan biglang nagsipasukan ang maraming angel. Iba't iba ang mga kulay ng pakpak ngunit bawat isa'y may dalang sandata. Niłusob nila ang mga airswang at napuno ng himpapawid ng umaatikabong labanan. Bawat isa sa kanila'y may angking galing na taglay ng mga namumuhay sa kalangitan. Sa buong paligid tita pinintahan ng alikabok sa mga pumapanaw na airswang.

"Mga taong-ibon. Mga kaibigan ko. Ang bangis no?"

"Rakenrol..."

Iyon lang ang nasabi ko sa pagkamangha.

Inilipad niya ako at inilapag kay Muning.

"Milo..." Nalilitong sabi ni Tony. Mga mata'y pabalik-balik sakin, kay Jazz at sa buong kapaligiran. "Anong nangyayari? Sino ang mga yan. At bakit may pakpak na yang kaibigan mo?"

"Hindi ko rin alam, pero sumatutal niligtas nila tayo. Kung papaano nagkapakpak si Jazz ay gusto ko ring malaman."

Sa tinuran ko kong iyon, hinawi niya ang kanyang buhok at pumosing. "Hehehe. Ang angas no? Kaya kong ito."

Sumayaw sya sa ere, at sa sinabikong sayaw, nagotso-otso siya, bawat kilos at sabay sa pagpagaspas ng pakpak. At nakuha nya pang mukhang proud sa ginagawa niya. Nilabas niya ang dalawang arnis, buong pagyayabang na pumosying sa inikot ito na tila cheerleader at... PAG!

"Arekupo!"

Tinamaan niya ang kanyang pakpak at bumagsak siya. Malipas ang ilang segundo bumalik siya na tila walang nangyari.

"Mahabang istorya, pero sa tulong ng mga murat, may balahibo akong nagbibigay sakin ng kakayahang makalipad."

Ipinakita niya sa kanyang likuran ang nagiisang balahibong kulay bahaghari.

"Gusto ko pa sanang idetalye ngayon mukhang pinahihirapan ka ng malaking bulateng yan." Tinuro niya ang Bakunawa. "Anong kailngan kong gawin para makatulong?"

"...Bago ang lahat, may problema tayo. Nahulog ko ang Bagwis. Kung wala iyon, baka hindi ko magalusan lang ang bakunawa"

Napatingin sila sakin, hindi makapaniwala saking tinuran. Isang mapanlaw(uncomfortable) na katahimikan ang pinagsaluhan natin.

"Ito ba iyon ginoo? Sa iyo ba ito?"

Isang balingkinitang babaeng taong-ibon ang umahon mula sa ibaba. Sa kanyang puting bestida, buhok na samasaliw sa lawiswis ng hangin at marikit na mukha, labis akong namangha. Tangan niya ang balisword na inaabot niya sa akin.

"S-salamat binibini." Pinandilatan ko si Jazz at tinuturo gamit ang mata ang dilag. "Sino yan? Bakit dimo pinapakilala samin yan!" Singal ko sa mapaglihim na traydor.

"Ay oo nga, ang binibining ito ay nagngangalang Elisa."

"Ikinagagalak ko kayong makilala." Yumuko ito bilang pagpapakilala bago magiliw na nginitian Jazz...

Ay anong pinakain mo sa kanya Jazz, bakit ganun na lamang ang ekspresyon nito.

"Ang binibini ito naman ay si Tory."

Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon