"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Tifa kay Jazz.
Nakalayo na kami nang kaunti kanila Lam-ang pero rinig pa rin namin at senyales ng labanan. Ilang pagyanig, tunog ng kampana at paggulo ng ilang kabahayan.
"Hahanap lang tayo ng Lagusan para magamit ng binibini ang relo. Meron isa sa bahay kaso malabong magamit natin yun, malamang nasira na yun nung gumuho ang pader." Sagot ni Jazz. Kung may hinanakit man sya o pagaaalala sa paglisan nya, hindi mo ito mapapansin sa mukha nyang may bahid parin ng ngiti. Napaka lakas nya. Lihim akong humanga sa kanya.
"Lagusan? Relo? Hindi ko gets." Tanong ko.
"Ummm... Basta malalaman nyo rin mamaya. Dito, kakaliwa lang tayo at--Oh mahabaging bulate ni San Roque!" Bulalas ni Jazz nang makitang puno ng amalanhig ang daanang dapat sana naming tatahakin.
At di lang yun, nasa unahan nila ang sigbin.
"Napili! Sabi sayo makikita tayong muli!"
"Tawag ka ng boyfriend mo. Replyan mo kasi mga text." Asar ni Makie. Tinaasan ko lang sya ng kilay.
"Bat di ka nalang sumuko sa akin at nang di kana mahirapan pa, aalagaan naman kita!" Kutya pa ni tagpi
"Uummm Pass! Next time nalang. Manonood pako ng concert ni April Boy. Gusto mo ito alagaan mo!" Itinapat ko ang Baliswo- err Bagwis sa kanya at humiyaw sya sobrang galit at takot. Nagkaroon tuloy kami ng pagkakataon na tumakbo sa kabilang direksyon kung saan sabi ni Jazz may isa pang lagusan.
"Ang cool naman ng Balisword mo. Pinapakita mo lang natatakot na ang sigbin." Sabi ni Tifa.
"Bagwis! Hindi Balisword! Pero oo nga eh, hindi ko rin alam kung bakit."
"Kasi may kakayahan yang humiwa ng anumang bagay. Gawa yan sa balahibo ng minokawa diba?" Sagot naman ni Makie.
"Oo raw, paano mo nalaman?"
"Nakita ko na ang minokawa dati."
"Oh?! Seryoso??" Biglang pasok ni Tifa" Anong itsura nya? Gaano kalaki? Totoo bang parang bakal ang katawan nito."
"Ang itsura nya ay tipong dimo maapreciate kung di ka magcocontrate sa pagtakbo at magiging pagkain ng amalanhig."
Nag roll ng mata si Tifa at bumulong-bulong saka tumingin sa likod.
"Eeeekkkk! Maabutan na nila tayo!"
Paglingon ko, nagulat ako. Tumatakbo ang mga amalanhig at anumang sandali ay maabutan na nila kami. Sino ba ang nagsabing hindi marunong tumakbo ang mga zombie?!
"Tumakbo tayo nang pazigzag! Kaya lang nilang kumilos nang paderetso pero hirap silang lumiko."
Tumakbo nga kami ng pazigzag, buti nalang at maliwanag ang buwan at di kami nagkakabanggaan. At tama nga, sa bawat pagliko namin at pinapilit na sumabay ng mga amalanhig sa hindi epektibong pagbubunga. Unti unti ay nakaalwas din kami sa kanila.
"Malapit na tayo, sa may junkshop tayo sa pangatlong kanto." Sabi ni Jazz.
"Konti tiis nalang Tifa." Sabi ko sa kanya dahil unti-unti ay lumalalim ang kanyang hininga.
"Tifa?" Kasabay ng pagtigil ko ng pagtakbo ay ang pagtigil ng tibok ng puso ko nang di sya sumagot. At paglingon ko sa likod, nagkatotoo ang takot ko.
Nakahinto si Tifa dalawang kanto sa amin na animoy may pumipigil sa kanyang pagtakbo, at isang kanto sa kanya nakapwesto ang kinumumuhian kong nilalang. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, nahuli ng sigbin ang anino nya.
"Nakalimutan mo na ba Napili? Amg anino ay parte ng katawan ko. Habang may liwanag hindi kayo makakatakas sa akin." Tumawa sya na paramg rebulusyon ng motor, na may halong panlalait. Ang nasa isip ko nun sa bulag ko sa galit, papatayin ko sya.
BINABASA MO ANG
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)
FantasyAnong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na...