May mga bagay sa mundo na makikita mo lang kapag hindi mo hinahanap o hindi kailangan. Gaya ng suklay na pinatong mo sa lamesa na tila nagpasyang magseaman at dimo na muling makita ngunit lumitaw nalang malipas ang ilang linggo sa gilid ng tukador matapos lokohin ng illegal recruiter. O yung tumama ng jackpot sa lotto ang alaga mong numero pero dimo tinayaan dahil nanood ka ng teleserye tungkol sa nawawalang anak mayaman na lumaki sa hirap at umibig sa mayabang/maarteng na mayamang binata/dalaga, dahil di ka nagsasawa sa paulit ulit nalang istorya nila.
Sa kaso namin, ang huling inaasahan namin makita sa masayang tahanan ng pamilyagit(pamilyang yagit) ay ang matagal nang hinihintay makita ni Talas. Si Noli.Nagkataon? Hindi ko masabi.
Hindi kami makapagsalita ni Tifa. Ako, dahil hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya. Pero dahil sa PuSi ng Tagumpay, isang patunay yun na totoo ang sinasabi nya, dahil hindi ka magkakaroon nito kung hindi ka mamamayan ng Kanlungan. Si Tifa naman ay dahil nakatingin sya sa abs nito. Ewan ko kung bakit, pero minsan ang napakadaldal na babae gaya ni Tifa ay napapatahimik ng abs. Kaya siguro may abs sa abstinence. Tae lang.
"Sandali, Tagumpay din kayo? Mga bago ba kayo?" Tanong nya nung mapansin ang kulay ng itim na PuSi namin. "Kamusta ang balangay natin?! Nasa ayos pa ba? Wala naman bang naging problema sa pagkawala ko? Sino humalili sa akin?" Tanong nya habang hinawakan ako sa magkabilang braso.
Hindi ko siya masagot agad. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Sa pagsabing naging desperado ang sitwasyon ng Tagumpay sa paglisan nya, o sa pagsabing lumayo ka konti at wag mong idikit yun katawan mong nakahubad, kinikilabutan ako. Awkward amp.
"Si Talas. Sya ang Cabeza ng balangay natin ngayon." Ang sabi ko nalang. Nakahinga sya nang maluwag.
"Mabuti naman at si Talas. Bata sya pero alam kong maasahan syang gampanan ang tungkulin ng isang Cabeza." Sabi nya. Oo na. Pero mas mabuti kung bibitawan mo nako.
"Ano bang balita kay Talas? Hindi naman ba sya nahihirapan? Sinong kaagapay nya?" At nagtanong pa talaga ang kumag, di makaramdam. Parang crush mo lang.
Mabuti nalang dumating sila Makie at Jazz para iligtas ako sa nakakailang na sitwasyong yun.
"Kailangan na nating umalis!" Ani ni Makie. "Alam nilang di natin sila pwedeng patayin kaya tumatapang silang lumusob kahit masaktan ang ilan sa kanila. Hindi na namin sila kayang pigilan!"
"Sandali!"
Biglang tumakbo si Noli tungo sa mga batibat, na nakakabilib kung iisipin mong nanghihina sya. Lumundag ito at sumipa ng dalawang paa sa mukha ng pinaka malapit. Nung akmang babagsak na ito, humakbang-hakbang si Noli sa ulunan ng iba na parang apakan. Pag dating nya sa dulo kung saan naruon ang anak nila Bettybat, sinipa nya ito sa sipa sa pisngi kaya bumagsak ito sa sisidlan ng maitim na likido dahilan para masira ito at tumapon anh laman. Tumakbo ang datin Cabeza tungo sa lamesang may tukador sa dulo.
"Sino naman yun?" Tanong ni Jazz.
"Si Noli."
"Yung dating bise-presidente? Anong ginagawa nya rito?" Tanong ni Mirasol. Di ko sya masisi, di nya naman kilala o nakikita si Noli, kahit kami rin naman. Sabihin ko nalang may taping sya ng MGB na pang halloween.
"Sya pala yun. Hindi na masama." Sabi ni Makie na halatang nabilib.
"Kaya ko rin yun."
Tinignan ako ng diwata sabay tinawanan. Anong nakakatawa, di naman joke yun sinabi ko.
Nakabalik si Noli at pinangunahan kami sa pinto at sinenyasan kaming lumabas.
"Dali, tatayo rin agad ang mga yan at hahabulin tayo." Sabi nya. O baka gumulong. Ang lalaki nung tyan eh.
BINABASA MO ANG
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)
FantasyAnong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na...