KABANATA XLVI - 3 Stars and a Sun ka na ba?

9.7K 684 137
                                    

"Naiisip mo ba ang naisip ko?" tanong ni Tifa.

"Oo B1, naiisip ko rin." sagot ko. "Patibong yan diba?"

"Yup. Patibong yan."

"Uh-huh."

"Syang tunay."

"Walang duda."

"Diko makita pero kung sabi nyo patibong, edi patibong."

Ang daanan ay nagtapos sa isang banging may di tiyak na lalim. Isang tulay ang nasa aming harapan na gawa sa mga tabla na itinali ng lubid na nagsisilbi rin hawakan at nakatali sa dalawang kahoy na poste. Ang kabila dulo ng tulay nakakunekta sa isang kweba na may sulo sa magkabilang gilid. Ang haba nito ay di madaling matantya pero kung tatanungin nyo ako nasa 53.4 metro ito... 53.5 pala.

Kung nakapanood na kayo ng mga pelikula na may hanging bridge na gawa sa kahoy, halos isang daang porsyento mapuputol ito pagdaan ng bida, o may haharang sa kanya sa dulo, okaya masusunog ito, o kaya hahabulin sya ng mga goons, o kung ano pang mga gasgas na eksena, parang ganun ang dating ng tulay na iyon. Para itong sumisigaw ng "PATIBONG AKO! PATIBONG AKO! AHIHIHI". Damn you, tulay!

"Mukhang bago pa ito." puna ni Noli. "Ang kahoy at lubid ay nasa mabuti pang kalagayan. Walang mga bitak at senyales ng pagkasira. Kung titignan mo ay napakatibay nito... Nakakaduda."

Napatango kami sa pagsang-ayon.

"Sa ganitong mga sitwasyon masasabi nating ang pagiging 'mukhang' matibay nito ay di nababagay. Hindi ito natural kaya dapat magpatuloy tayo nang may pagiingat." ani ni Makie.

"Kailangan ba talaga nating dumaan dyan? Baka namang may ibang daan. Tifa anong sabi sa lyrics ng LP, baka may clue run."

"Hmmmm teka tignan ko..." Nilabas nya ang camera nya kung saan may kuha sya ng letra. "'Pag kislap ng watawat ay tagumpay na sundin, ang bituin at araw nyang kailanpama'y di pagdilimin.'" kumunot ang kanyang noo. "Medyo magulo. Sundin ang watawat pero wala namang watawat dito sa paligid."

"Baka naman may ibang kahulugan yan. Kunwari sundin natin ang watawat sa ating mga puso, ganun. Naks." sagot ko.

Pinanliitan ako ng mata ni Makie. "Kung dika magtigil sa kakornihan mo gugulpihin kita."

"Please do."

"Ano sabi mo?!"

"Peace po sabi ko. Ehem*ubo* kung wala na kayong maisip na ibang paraan kaysa sa pagtawid sa tulay na ito, edi wala tayong no choice. Baka naman di ito patibong gaya nang inaakala natin." sabi ko.

"Patibong yan." sagot ni Jazz.

"Oo nga..." pagsangayon ko parin sa huli.

"Tingin ko po may iba pang daan."

Napalingon kami kay Mira. Sa puntong yun natutunan na namin na ang pakiramdam ng bata ay isang mapagkakatiwalaang impormasyon.

Ipinuwesto nya ang dalawang palad sa magkabilang tenga para makarinig nang maayos. "May naririnig po akong hangin na nanggagaling sa ibaba. Hindi yung hangin na malakas ah, parang may... lagusan pa sa ibaba. Saka may naamoy ako. May mabahong amoy pero sa gitna nito ay may naiibang amoy."

Lumapit si Jazz sa bangin. "Napansin ko nga rin yan. Yung mabahong amoy baka si Milo lang yun. Pero yung isa, parang pamilyar yung amoy." pinalagpas ko nalang yung isang kumento nya.

"Opo. Parang..." suminghot ang bata.

"Kape!" "Kape..." sabay nilang sabi.

"Kape? Bakit amoy kape?" tanong ko.

Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon